Friday, December 30, 2005

kriakoiwikiirakow!i

Mnsan naspi koi ang sang coinditioin kungi saani
iiiiiiiiiiiiiiiiipapasok sa isip iko na imaigpakamatay na lang. ihinddi
naman ako depressed nung panahon na yon, may pumasok lang na matinding
“what if” sa buhay ko. Naimagine ko ang isang sitwasyon na totally
helpless sa akin, tapos kung mangyari sakin yon eh siguradong papasok sa
isip ko na magpakamatay nalang. May prinsipyo kasi ako sa buhay, may
goals na nakaset, at kung imposible ko nang magawa yon, ika nga ng
teacher ko sa anthropology, eh wala ka nang saysay, na kahit hindi ka
nabuhay sa mundo ayos lang.

Ganito lang talaga ako kapessimistic. Kung kilala nyo talaga ako/binasa
at inintindihan nyo lahat ng blog ko maiintindihan nyo kung bakit ko
gusto palaging isipin na may masamang bagay na mangyayari.

Tuesday, December 27, 2005

wihtei noiseiiiiiiiiiiiiiiiiiii

iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii
Bilib ako dun sa mga tao na kilala na nila sarili nila. Minsan, meron tao na mas kilala pa ng ibang tao kesa ng sarili nila.

Ako, eto, nabuko ng lyrics. Hmm, dahil sa mga tao na magaling kumilala ng ibang tao, mukhang ako ay isang selfish at jealous na tao. Tapos, self-centered pa, dapat center ng attention. Bitter, tuso at hindi trusting.

Pero, laid back naman. Namulat ako sa Taoism kaya natuto ako na hindi magworry. Cool lang, relax. Slack off. Do it when you want it. Do not be obliged to do something. Kaya ata cindi ako susceptive sa readings sa school kasi pressured to read ako. Yun, let everything pass. Do not let pressure build up. sana lang talaga natatandaan ko ito palagi. Minsan nawawala sa focus.

Tapos, happiness. Happiness, is not a fish...

..faded until death

Yahoo messenger: death
TV: death
Libro na dapat aralin: death
-naiwan sa boarding house
O2mini: death
-sinusubukan irevive. Pero yung ilang files: death
21 pesos pangfoosball sa timezone: death
-limang bola?! Pero panalo pa rin ako laban sa kapatid ko
Soul caliber sa pinsan kong si waki: death
-haade natapos nya. First time nya yun, 5yo lang ata sya
Globe load: death
-ayala: very much alive
Voice, reason and opinion: death
Pathogenic, cold-causing bacteria/virus: death
panaracer firexc pro + mavicx223 rims + shimano LX hubs: death :)
Letter 'I' ng keyboard ng laptop: death
-minumulto nako. Maphoenix-down ka na sana
Smileys: useful death
Human genome: 5 megabytes of death
May alam ng number of base pairs sa humans: death

Death

ipose sa ATC: death
-ayala yumayaman uli
Cartimar: death
Rivermaya - hinahanaphanap kita, a perfect circle - thinking of you: death
Buhok: maliwanag na death
Gratitude: death
-tangna sorry
Lucis na special kasi gold na binili ko sa kapatid ko: death (balik mo 40 ko)
Finger Eleven: happily dead

Dream Theater: death
Spiral Architect: death
Snapcase: death
Silverstein: death
Shadows Fall: death
The White Stripes: death
Nine Inch Nails, Dilinger's Escape Plan: remind me to death

Obernayt kina mitchell: death
Carnapping: life
Email: brutal death (sad)
Vitamin C: death
Exorcism of Emily Rose: pinapapatay sakin ng kapatid ko (brutal na pala post ko. Oi no harm meant ha)
Irreversible: dapat death
Altis gas tank: death

(bakit ako napaparead-aloud tuwing sinusulat ko ang 'death'?)

Virus na nagpasiezure sa pinsan ko: death
Tito ko na nagmushroom: welcome death
-mushroom used as an adjective, not noun as in the hallucinogenic mushroom

Wake me up death

Damn brutal na to ah
Death!

Habol:
Nikefree death!
12,000 peso jacket death!

Tama na.

May naalaaa
Unsure words - siguro, ewan, baka etc: death
-unsure words no use
ETC 1, 2: death
MTV: selective death
Bicho: death
Castanets: death
Braces: death

PJ: buhay?

Monday, December 26, 2005

iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii,,iiThis system of oppression, its not healthy anymoreii

sa tingin k, ngkakaroon ng masamang epekto sa bata tuwing iooppres m sya. yung tipong "wag ka na mangatwiran" oppression. naiimplant sa tao ang sense n hndi n sya magiging tama. Kung palagi ka nalang mali, sa susunod magiisip ka kung magiging tama ka. Matatakot na yun magdecide para sa sarili. lalo na kung bata, oppressed na, madadala n un hnggng pagtanda.

At sino pa ba ang nasa pinakamagandang position na magoppress, kundi ang mga magulang. May automatic power sila eh, bukod sa financial at age power over their kids. Ang nakikita k, may reversal na nangyayari kada generation. inhisip k kc, kung oppressed ang magulang, tapos kinakaya ng anak ang magulang, nagiging oppressor yung anak. At ung apo, oppressed, at magpepertuate yun kung tama ang conditions.i

buti sana kung sa presence lng ng particular oppressor k oppressed.

At hndi k ggmtn ung phrase na "kapag may katwiran ka, ipaglaban mo". medyo kurne (corny). Pero sakto sana yun. Kaya lang gigiit ng tatay ko na "mali katwiran ko". Iba talaga kung natuto kang magopress, kahit mali ka, nakukuha mo gusto mo.

Bat ko ba binabanggit to? Mukhang may kinalaman sa tatay ko no. Kwento ko nalang nangyari. Hindi kayo makakarelate eh, pero TUTAL BLOG KO NAMAN TO, WALA KAYONG KARAPATAN NA MAGISIP NA ANG YABANG KO NAMAN. Oye. Sabi kasi ng tatay ko, napaisip sya nung may nagsuggest na imbes na bumili ka ng hardtail na aabot ng 40,000 bili ka ng second hand na full suspension. Mga 40,000 din. Nagshare naman ako, kung hindi mo kayang bumili ng disenteng full suspension frame, bili ka ng hardtail. Sagutin nyo nga ako, nagclash ba yung senses nung dalawang statements? Nagkaroon ba ng conflict at hindi pwedeng maghold true pareho? Katwiran ng tatay ko, hindi naman daw applicable yung sinasabi ko kasi may budget naman. E puta wala naman akong sinasabing para sa amin yun eh. Tanggap ko naman yung sinabi nya. Yun ang katwiran ko. Pero oppressed eh. Keso mali daw katwiran ko. Tama na wag ka na mangatwiran mali ka. Takte. Hayaan na. Tanda na sya eh. Kinakalabit ako ng nanay ko, tumahimik na daw ako. Nung una ayoko pa eh. Alam kong kung magpatalo ako, baka mabaon sa isip ko na wag ko na ipaglaban ang alam kong tama. Kaya lang, tatay ko may hawak nung pera pambili ng bike eh. Sige na. Basta, sa loob ko, tama ako. Bahala sya. Tanda na sya eh. Sana lang hindi tumatak sa isip ko na talo ako. Pinagbigyan ko lang sya for two reasons.

Buti nalang talaga maayos ulo ko ngayon at hindi ako bad trip. Teden.

Wednesday, December 21, 2005

bakasyoin != rieist day

guistoi koi sana loioikuipi sa dctoinariy koi isai iteileipiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii

iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii
gusitoi koi sana loioik uipi sa iLEIXSGOIOI DCTOINARIY koi ang meianng ng VACATOIN. kaya lang, piagkagsng koi kahapioin, ay piatay ang teileipiiioinoi koi. deiad. as n nakahariiiiiiiiiiiiiiiiii-rieiseit sya. nabuiria lahat ng fleis sa man meimeoiiiiiriy at nabuiria lahat ng piroigriams.

basta, ang guistoi koi lang naman sabhn na ang bakasyoin ay hnd pianahoin pairai bawiiini ang piuiyat na bnbgayi ing EIEIEIiiiiiiiiiiiiiiii. dapait piroiiiiiducitveiiiiiiiiiiiiiiiiiiii. kagaya ntoing bloigeintryi na toiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii.

basta ngayoing bakasyoin koi, veiriy mnmal ang TV. snwitch-oiff koi na nga yuing man switch ng TV koiiii. balei makakanoioid nalang akoi ng TV kuing nasa bang kwiaritoi akoi. basta hnd akoi manoinoioid ng TV kuing wialang kasama.

bakt? dagdag sa bnanggt ng EIEIEI33 teiacheiri koi na nakakaboiboi ang TV, niapiansn koi na kas na piuirioi kagaguihan, katariantaduihan ang mga pinapialabas sa TV ngayoin. eixampileis ntoi ay yuing mga coimmeiricals ng PIroiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii Piiiiiiirioiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii PIroictoiri and Gamblei pirioiiiiiiiiiiiid piiriiiiiiiiii pirioiiiiiiducits. kauilulan eih. tapiosi pai yuing lang pialabas sa MTV, EITC, Stuidoi23 (.ei. Thei Swian). anoi guistoi nyoi pailabasn, na fuilly acceipiteid na ang coismeitc suirigeiryi? na ang hnahanapi ng mga taoi ay ang pihyscal chariacteriiiiistcs ng bang taoi? kaht na fakei? uiluil. gagoi. ayuin. at tuital wiala naman kamng Dscoiveiriy Channeil dtoi ay hnd nalang akoi manoinoioid ng TV (yabang).

paingalawia, wias YM. uim, bakt nga ba, eih pianay naman ang teixt koi. gusitoi koing sabhn na napiakaFAKEI kas ng YM enivroinmeint. yoiui make vrituail coinveirisatoins, vrituial frieinds. kaya lang panay teixt akoi ehiiiiii. suisuibuikan koing jusitfy ang teixt: sa teixt, mas anytmeiiiiiiii, anywiheireiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii. makakapaiguisapi ka hnd kuing keilan ka magloigN kas gusitoi moi may kauisapi ka. kuimbaga sa heiriarichy ng naturial foirmis oif coimmuincatoin, uina ang acutual coinveirisatoin, tapiosi teileipioinoi, tapiois teixt, tapiosi YM. oidacriapi. basta yuin, kuing meiroin kayoing guistoiing sabhn sakn, tawiagan nyoia akoii. PILEIASEI? tawiag ha. kaht 14 seicoinds lang. peidei dn teixt, peiroi alalahann nyoi yuing heiriarichy. sa tngn koi yoiui will geit moirei oiuit oif thei morei natuirial forimsi oif coinveirisatoin eih. maisi-soically enigagng.

eiwian koi, f eiiiiveiri magYM akoi, AFK yuin at nagpipiluig lang talaga akoi ng bloiiig

damn, snsria ng bloig na toi ang pirioiduictvei tmeis koiii.

PIS. oibvoiuis naman sguirioi na may piriuibleima ang keiyboiarid koi. oibvoiuis dn kuing anoing leitteri ang may piriuibleima. ang tawiag koi dtoi ay GHOIST "". nvoiluintariy na ang piagapipeiari ng foribddein leitteri na yuin. hmm, peiroi may napiansn akoing beineift ntoiiiiii. for sure, iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii madam seinyoi ang tatamarin na magbasa ntoi. soi wihy boitheiri with pioiltcal coiririectneiss kuing akoi lang naman ang makakantnd ntoi? kuing chnaga nyoing basahn toiiiiiiiiiiiiii, wieill, masasab koing woirithy ka na malaman ang mga snasab koi.

Saturday, December 03, 2005

debauchery 1.0 - magkalat sa Pilipinas

FOREWORD
sige meet tayo bukas ha. 7am mrt cubao
ang plano: unplanned commuting adventure

email sent the day before:
--------------------------------------------------
our DEBAUCHERY: an fun commuting adventure trip around metro manila

we will meet and commence THE experience somewhere in quezon city (siguro philcoa) around 7am

armed with
1) 500 pesos communal money in loose change (for fares)
2) money for food (around 100 pesos each)
3) up to 500 pesos each emergency money hidden inside our socks (pang taxi)
4) one disposable camera
5) walkie talkies (optional)
6) one cheap emergency cellphone (mits, kung meron ka, pheram. temporary trade?)
our goals are, but not confined to, as follows:
1) reach luneta park
2) have lunch in san juan
3) reach a place we all have never been before
4) use only public mass-transportation systems. this does not include taxis

sina marco konde ay mukhang sigurado na
kayong iba iconfirm nyo, text nyo si pj sa 0917-929-2660
at sa mga makakatanggap nito, pakidisseminate na din ng information
para maayos na yung resources natin (san kukuha ng disposable camera etc)

yun lang
pj
--------------------------------------------------
 

Thursday,  November 3, 2005

nagtext si paul. sa cubao mcdo nalang magmeet. takte oo nga naman. mas convenient maghintay sa mcdo kesa sa vague MRT diba

6:30a - nagtext sakin si marco, paalis na daw sya
7:00a - nagtext silang tatlo. nasa mcdo na sila. si PJ - 'on the way na'
ganito kadaming pictures ang nakalipas bago makarating si PJ



9:00a - dumating si PJ. 7am pala ha

eto yung mga pictures nung 7am

ang gear
paul: payong, pitaka+pera, camera phone. walang pera sa sapatos

marco: pitaka+pera, extra tshirt at pabango (na hindi ko alam kung san nya tinago. sa bag ata ni konde), camera phone. wala ding pera sa sapatos

konde: bag (na may laman na toothbrush), pitaka+pera, camera phone (siya ang naging official cameraperson namin). walang pera sa sapatos.

pj: bag na may laman na toothbrush, ID, plastic egg na may laman na pera, 200 pesos na nakasuksok sa sapatos (medyas). yun lang. wala halos laman yung bag.

disposable camera pala ha


nagkitakita na. wala ngang plano diba. hindi namin alam kung saan na kami pupunta. basta dapat makapunta kami sa luneta at sa san juan/santa mesa. kung may oras magdadampa kami. pero sige, napagisip namin na pumunta na nga sa luneta. paano? paano nga ba. nagsimula kaming lumakad papuntang megatren. teka, bat kami pupunta ng megatren? may papuntang luneta ba dun? sabi ni paul magbus nalang daw. punta kami sa terminal ng bus. teka, diba dapat sa kabilang side tayo sumakay? basta nagkagulo. si konde ata yung nakaisip na magMRT papuntang LRT, tapos LRT papuntang UN ave. malapit na yun sa luneta. sige e di pila kami sa MRT. takte ang haba ng pila, alas nuebe na kasi eh. dapat alas siete pa kami umalis. tsktsk. sa kalagitnaan ng mahabang pila may nagbanggit (si marco ata) na sana nagpunta nalang muna kami sa santa mesa/san juan para makapaglunch dun, tapos hapon na kami pumunta sa luneta para makita ang sunset. game, sabi ko tara alis na tayo. nagalit sina paul sakin at ipupukpok na daw nya yung payong. hade tuloy na kami sa luneta.

pinagusapan namin sa MRT yung center of mass at balance, siguro dahil physics major si paul. nakarating kami sa transition area ng MRT at LRT. gutom na si PJ kaya bumili muna sya ng siopao, na kinailangan nyang ubusin bago dumating ang tren. dumating ang tren pero 4/5 pa lang ang nakakain nya. sinubo ang natira sa siopao, tinanong sa guard kung nasaan ang basurahan. hinabol namin ang LRT kasi baka maiwanan kami.

papasok na dapat kami sa isang pintuan, pero sabi ni paul dun daw kami sa unahan pa. e di sige takbo kami. NAKANANG NAUNA SI KONDE. buzzer beater sa pagsarado ng pintuan. naiwan kami, tawa pa rin nang tawa. kasama sa adventure yan

:may picture dapat kami sa LRT kaya lang nga si Konde ang photographer namin diba. ginamit namin na camera yung kay marco, kaya lang alang matinong connectivity options yung telepono nya:

nagtext sakin si konde. "babay" daw. tinawagan ko si konde. konde baba ka sa next station, wag ka na lumayo sa pintuan na bababaan mo. sasakay kami sa susunod na tren. wag ka lumayo para magkita tayo sa same carriage ng tren. sinakyan namin yung sumunod na dumating na tren. nang patigil na yung tren sa next station hinanap namin si konde. dapat dun lang sya sa parehong pintuan diba? pero hindee. naiba ang pintuan na natapatan ni konde. bandang nasa likod pa. buti nalang same carriage kaya nagkasama pa rin kaming apat. sabi namin, siguro sinadya ng driver na sumoba ng andar para mahirapan sina marco paul pj na makita si konde...

may mga diagram sa LRT na nagpapakita ng landmarks sa bawat station. halimbawa na ito

ayun tama. ang luneta ay nasa UN ave. alalahanin na galing UN ave, hindi pa rin kami sigurado kung paano makakarating sa luneta park.

bumaba kami ng station, naglakad, pero hindi namin alam kung saan kami pupunta. nadaanan namin yung ospital kung saan pinaghubad si marco. medyo umuulan na. sayang baka ulanin pa ang oras namin kung kelan dapat nasa luneta kami. eh kung kumain muna kaya tayo at magpatila ng ulan? tara sige lakad. may ilang ordinaryong kainan kami na nadaanan (mcdo, jolibee), pero walang kainan kung saan kami kasalukuyang nakatigil. at umuulan pa diba. sabi ni marco meron siyang nakitang kainan. sinundan namin sya at nagulat at natuwa kami kasi merong mukhang maayos na kainan na hindi ordinaryo. isang canteen sa maynila.

nagorder si konde marco paul ng combo (value?) meal na nakalimutan ko kung ano ang ulam at nakalimutan ko kung magkano ang presyo. ako, chicken curry ang inorder ko. ako ang naiiba. peer pressure nga daw eh. kasama sa inorder namin ang sabaw na, kung hindi kami nagkakamali, ay sabaw ng tinola. si konde ata yung nagsabi na "wow, masarap yung knorr chicken cubes na ginamit nila dito". lumabas sa tv yung commercial ng knorr.

matapos kumain tinanong namin kung saan papuntang luneta. swerteng swerte kasi malapit nalang pala kami. ayung nagpicture muna sa labas



pero notorious na itong benson's sa amin. teka siguro sa akin lang.

malapit na sa luneta nadaanan namin ang isang museum kung saan nainteresa si paul. basta sa pangalan pa lang boring yung museum. parang museum of philippine politics ata. basta ganun. pero eager talaga si paul. tinanong namin kung paano makapasok. libre naman kaya lang sarado pa. sige babalikan nalang namin kung may oras pa kami.

derederecho, luneta na yan. swerte talaga, ang lapit na pala. pinapadramatic ko yung pagpasok namin, gusto ko nga sana magpicture, pero di ko alam na unsafe place pala yung opening na yun ng luneta para sa cameras. well, yun ang naisip ko nung sinabi nila na wag daw magpicture.

sa wakas, nakapasok na din ako. unang beses kong makapasok mula nang magkamalay ako. wo0t maayos pala. nakakasindak yung mga statwa. lakad lakad. ops, mamaya na yang rizal statue. panghuli na yan. lakad lakad. uy, chinese garden daw.  papasok ba kami? 5 pesos ang entrance. wala pumasok na kami.

nakapaskil nga pala sa booth ng nagbebenta ng ticket ang isang poster, hindi ko nabasa pero sabi nina marco may nawawala daw na "michelle". ayun, side mission namin: mahanap si michelle. sumisigaw kami ng michelle habang pumapasok sa garden.

ano nasa loob? wala naman. may isda (coi ata sabi ni marco), maraming halaman. may chinese-looking edifices kung saan naghahanap kami nina paul ng "turf" namin. nakahanap kami eventually, nagpicture

at nagassess kung ano ba ang ginagawa namin sa chinese garden. ano ba ang ginagawa namin sa luneta at ano ba ang DAPAT ginagawa at gagawin namin. dun sa garder, hmm, appreciate. sige appreciate (pause) check ano pa? tara alis na tayo. note: hindi namin nahanap si michelle

binaybay namin ang luneta at may nakita si paul nanaman na isang "pay area". ngayon, 'kanlungan ng sining' naman ang nandun. gustong pumasok ni paul pero sa tingin ni marco at konde waaste of 5 pesos. pero sige pasok na. eto yung mga nakakamanghang artwork. kayo na humusga kung sulit ba ang 5 pesos and ten centavos. yung ten centavos para yun sa wishing well. para samin kasi sulit eh. worth 6 pesos sya. kwits lang kasi worth 4 pesos yung chinese garden.

labas kami. lakad lakad. sabi ko baybayin namin yung man-made lake. sa kalayuan natanaw namin ang isang stage na ang quirino grandstand pala. at dun pala ininaugurate ang presidente natin (nun ko lang nalaman). at tanaw din dun ang higanteng statue ni lapu-lapu. yun pala yung binanggit ni paul na relatively bago na satue. pupuntahan ba natin? nasa kabilang side ng kalsada eh. mayamaya nakatawid na kami at malapit na kami sa stairs ng lapu-lapu.

(turn on rocky music)
takbo kami paakyat sa stairs ni lapu-lapu, at pagdating sa taas iwinagayway namin pataas-baba ang kamay namin ala rocky. mukhang gago, oo, pero kapag tunay na kaibigan ang kasama mo wala ka nang pakialam. wala ka nang pakialam.

ten tententen tententen tententeenn

nabanggit ni konde bago pa man na meron dapat dito na man-made lake kung saan merong replica ng islands ng pilipinas. akala namin nandun sa lake kanina pero wala dun eh. akala namin tinanggal na. but alas! may pangalawang lake, at nandun yung replica! natawa ako nung tinuro ni marco yung marinduque tapos sinabi nya "aceyork". hanggang ngayon natatawa ako. eto yung pictures na nakuha namin.

dapat isang paikot lang ang gagawin namin pero dahil sa complex geometric orientation nung lugar, naglakbay kami in a figure 8. basta hindi mo maiintindihan kung wala ka nun. pabalik na kami sa kabilang side ng street, papunta na kay rizal, nang ituro ni paul: "uy! post office! punta tayo!". balak namin magpadala ng sulat kung kanino man. basta kalat. pero hindi natuloy. alam mo kung bakit? kasi national museum pala yon. nonetheless pumasok kami. nagbayad kami ng discounted student price (30 ata). for some reason alam ni konde ang luneta area.

ang unang bumulaga sa amin ay ang kubo na ito

ahm, yun naman. kubo. may limang floors ang national museum, kaya may elevator. nilibot muna namin ang unang palapag. ahm, wala naman, mga bagay na makikita mo sa museum. matagal magappreciate ng mga bagay si paul kaya nahuhuli sya. kaming tatlo isang tingin lang ayos na, naappreciate namin. teka ano nga ba yung mga nakita namin sa unang palapag? ewan. basta may kinalaman sa pilipinas. nang malibot namin ang first floor, nakangalap na kami ng sapat na "culture points" at kami ay naglevel-up. ako ang nagpindot sa elevator papuntang second floor. tumatalon kami sa loob ng elevator.

wala namang matinong nangyari sa second floor. ganun pa rin si paul, matagal bago sya nakapaglevel-up. di ko pa rin maalala kung ano ang nakita namin sa second floor.

akala namin tuluy-tuloy na ang paglevel-up namin, but we caught a snag on level 3. nakanangnakaramdam ako ng di kanaisnais na sakit ng tiyan, yung tipong sakit na mararamdaman po kapag may nakain kang sirang pagkain. masakit, na gusto mong tumae. biglang sakit. takbo ako sa pinakamalapit na CR kasi di ko na kaya. sinundan ako nina konde at marco (si paul ay nagpapalevel-up pa rin). dalidali akong pumasok at umupo sa kasilyas. di man lang ako naghanap muna ng tisyu o tabo pampunas ng pwet. basta nilabas ko ang sama ng tiyan ko.

alam ko na ang tunay na pagkakaibigan. humingi ako ng pabor kina konde; hanap kayo ng tisyu o tabo. pasensya na, hindi ko kinaya. no prob kung ibang tao ang kasama ko, mahihiya pa ako. kung ibang tao ang kasama ko, magagago pa sila sakin. pero no prob, kelangan mo ng refill? nakahanap sila ng lata ng selecta ice cream na pinuno nila ng tubig at isinilid sa ilalim na puwang sa dingding. kelangan mo ng refill. hindi na, pero sige nagparefill ako. masarap ang pakiramdam pagkatapos. binalik ni konde ang lata sa isang maliit na silid. naghanap ako ng sabon pero ang nandun lang ay ang maliit na lalagyan ng pinulbos na sabong panlaba dun din sa maliit na silid. dumakot ako ng konti at nagbanlaw sa lababo. masarap ang pakiramdam.

ngayon alam nyo na kung paano nag-gain ng notoriety ang benson's.

di ko pa rin masyadong maalala ang level 3, basta alam ko dito nagsimula ang interactive na display. habang tumatae pala ako ay naglibot na sila. natatandaan ko lang yung isang silid na tungkol sa kamatayan ang paglibing sa mga patay. mayroong sensor yung silid na kapag may pumasok sa loob, may tutunog na nakakatakot na ugong. medyo kinilabutan ako, lalo na't kakatae ko pa lang at may konting kalam pa ang tiyan ko. akala ko nga matatae ako uli. sa third floor din ata yung mga kanyon. level up.

wala ding matino sa level 4, maliban nalang sa kakaibang artwork na bubulaga sayo pagkalabas mo sa elevator. yung kama na hinugis basket gamit ang kawayan, ang sahig ay binudburan ng asin (mungkahi ko), at may paanyaya na "there is nothing inside the bed" o parang ganun. atsaka may  pictures kami dito.nabanggit ni konde na ang nasa huling palapag ay mga kanin/bigas. nakita namin ang hagdanan ngunit ito ay sarado. meron pa kayang nasa itaas? si marco nga pala ang pumindot sa elevator papuntang level 3, si konde papuntang level 4. si paul papuntang level 5.

at sa level 5 nga namin nakita ang kanin/bigas. nakalimutan ko kung ano yung tawag dun sa exhibit, basta may malupit na pangalan eh. nasa loob ang kung anuanong produkto na gawa sa bigas. pumunit ako ng maliit na bahagi dun sa hugis dahon na kakanin na siyang nakikita sa pahiyas festival. binanggit ni marco na mura at masarap ang kanin sa IRRI (international rice research institute). dapat lang. tinitingnan nilang tatlo ang clear plastic cylinders na naglalaman ng iba't-ibang klase ng bigas. ang takip ng mga ito ay plastic na ipinirme gamit ang tali palibot. binuhat ko ang isa at sinubukan kong kalugin. ewan ko kung bakit ko ginawa yon, pero dapat pala ay hindi ko ginawa yon. tinuro nila sa akin ang isang babala na nagsasabi na ang mga bigas na iyon ay nilagyan ng "potentially poisonous chemicals" para siguro hindi dagain/amagin/mabulok. ay takte bakit ko kinalog. iniwasan kong isubo sa bibig o ikuskos sa mata ang kamay ko hanggang mahugasan ko.isa pang nasa ikalimang palapag ang isang mala-"kanlungan ng sining na lugar". eto ang nakita namin.


ayos to. kariton na nagmukhang simbahan. tapos may nakakalat na pekeng ipis sa sahig.

sa kabilang dako naman ay mga litrato, na kung di ako nagkakamali ay may kinalaman sa france. nahahalata na ang pagod namin nang nililibot namin ito. ika nga, "maxed out" na namin ang culture points. di na kami makakapaglevel-up. eto yung isang malupit na picture dun sa exhibit.

wala na. may isa pang silid pero inaayos pa lang yung exibits dun.

ayun ngayon ang prublema namin. lahat kami ay nagkaroon ng isang pagkakataon na pumindot sa elevator. buti sana kung apat lang ang palapag, para limang beses namin kelangan pindutin ang elevator (yung pababa pa). eh naging lima ang palapag. sino pipindot sa amin sa pababa? ayun, nauna na si marco at pinindot nya yung down. tumatalon kami habang bumababa ang elevator.

pagod na talaga kami. inupuan namin ang unang upuan na makikita namin. kami ni konde ay naghugas ng kamay dahil nga sa "pontentially poisonous chemicals" (si konde daw kasi hinawakan nya yung dahon ng pahiyas (pero sa tingin ko hindi naman siguro treated yung mga dahon, yung nasa cylinder lang)). habang nagpapahinga kami, eto muna ang ilan pang pictures sa Philippine National Museum na hindi ko alam kung kelan namin nakita. basta nasa loob yun.

Hinanap nga pala namin kung nasaan yung spolarium na painting, pero di namin nakita. Diba yun dapat ang main attraction sa National Museum?

inassess namin ang aming mga nagawa at gagawin pa. di pa namin nauusisa ang monumento ni rizal. yung na ang susunod na gagawin namin. malayulayo din ang nilakad namin. madaming turista (may tourist bus pa nga eh). gusto nga sana namin, makalapit ng todo sa monumento, dun sa "beef eater" (yung guard na palakad lakad sa monumento). kaya lang may harang na ang palibot. di na kami makalapit. hanggang bukana lang kami. sayang, maayos sana yung pic. nahirapan din nga pala kami kumuha kasi walang mapatungan ang camera/di namin mapagkasya ang sarili namin at ang monumento ni rizal.tinatamad na ako. next time nalang


addendum: ang spolarium ay nasa GSIS na. nasa kanila kasi binili nila (sabi ng tatay ko)

Tuesday, November 29, 2005

This is killing me

Sa terminal ng RORO sa Calapan, Mindoro
Naghihintay ng 1am, kasi ganung oras aalis ang barko.

Bora. Boracay. Naplano ng pamilya namin na pupunta nga kami sa Boracay nitong long weekend, nov 26-28. Mga opportunity costs: bukod sa di ako makakapagaral (talaga), di ako makakasama sa akyat-bundok open climb ng UP Mountaineers. Looking forward for that. Pero sige, minsan lang magboboracay.

Medyo magulo lang ang battle plan. Saturday ng umaga, di pa namin alam kung paano makakarating sa isla ng boracay. Ahm, sabi mga 1pm pa daw aalis. Sige, tamang tama, magbbike muna ako (tatlong linggo na akong d nakakapagride). Nakafull battle gear na ako: jersey, padded shorts, gloves, yellow tinted shades (effective sa green trails). Nasa pacita na ako, on the way to the Carmona trail, nang tumawag ang tatay ko kasi may nakuha daw na 10am flight.

To make the long story short (tinatamad na kasi ako, at nauusukan ako sa naninigarilyo sa harap ko, at mauubos na ang karga ng battery ko) (natuluyan na nga ang battery. Ngayon nakikisaksak ako sa isang room na dapat talaga ay security area, pero wala naman talaga security checks dito. May xray machine nga, d naman ginagamit. Teka picturan ko.

Insert picture nung xray machine here

ay di na pala kaya kasi low battery nga ako. Mayamaya kapag nakacharge na ako ng matagaltagal, at kung maalala ko na magpicture nga mamaya

Ulit

To make the long story short (sa totoo lang, di ko lang talaga kasi maalala kung ano ang nangyari in between. Kung tinatamad lang talaga ako e di dapat di na ako nagsulat ng pagkahabahabang litanya na off topic), 3am kami nakaalis, gamit ang eroplano na Asian Spirit. Nakapagride pa sana ako. Pinagisipan pa kasi kung magroRORO ba o eroplano, at naghabol pa ng tickets. Lumipad kami paalis ng Luzon patungong Caticlan-Boracay, na walang matinong plano kung paano kami babalik sa bahay. Basta.

Ayos na talaga sana eh. Masaya ang boracay. Astig yung pagpasan ng mga tao sa mga iba pang tao para hindi mabasa ang paa nila pagsakay sa banka



Hindi astig yung sobrang commercialized na ang karamihan ng Boracay. Sa totoo lang, disappointed ako nung unang tungtong ko sa isla. Unang una, sobrang daming tindahan. Nawawala yung pagkavirgn nung beach. Pangalawa, hindi pino ang buhangin. Hindi talaga. Pero ang astig, yung habang naglalakad ka papuntang station 1 (or 3, basta habang lumalayo), kumokonti ang tindahan at pumipino ang buhangin, hanggang sa naaapreciate ko na yung lugar.

Hindi astig yung homework na gumugulo sa isip ko buong trip. Hanggang ngayon d ko pa rin nasusulat sa papel, pero nasulat ko na dito ang solusyon sa telepono ko.

SOBRANG ASTIG ng SEA WIND, ang resort na tinuluyan ni Gloria, at ang SECRET WIFI nito. Ayos. Kaya nakuha ko pang idownload ang eee 23 hw ko pati yung lectures. Yeah WIFI. Kaya lang di ko naaccomplish yung pangarap ko na makapaginternet habang nagrerelax sa hammock. Di abot yung signal sa pinakamalapit na hammock eh.

Pero eto ang pinakamalupit sa lahat. Ang pinakamagandang nasa Boracay. Walang tatalo.


Ayos diba? Kaya lang biset itong pauwi. Ang tagal. 5am ang dating namin sa bahay. Di naman makatulog kasi palipatlipat ng sasakyan.

Addendum: that was fun. Let's never do that again

Thursday, November 24, 2005

magpapadala ng sulat. magpapadala sa lunes. magpapadala kay juan. m agpapadala sa hula. (pero mas mahal talaga kita riyeth)

naaalala ko nung isang "konde gang" (formerly confed) outing sa EK, may nadaanan kaming manghuhula. ang unang pumasok sa isip ko, lugi ang negosyo nung manghuhula. sino ba naman kasi ang magpapahula sa loob ng EK. either nagbayad sya sa EK para makapagnegosyo sa loob OR kinuha sya ng EK para manghula sa loob, dagdag ambience sa theme ng EK. mas naniniwala ako sa second theory, pero kung ganun dapat man lang libre yung pahula. eh sinisingil kami ng dalawang daan para sa aming lima (o anim ata. doesn't matter). yung unang theory naman, di kapanipaniwala. kasi alam mo naman siguro na hindi theme-park goers ang target market ng hulaan. either way at true enough, wala nang nanghuhula ngayon sa EK. si paul balite ang naunang nakapansin sa manghuhula. sya din ang nagtanong kung magkano, nagcompute kung magkano ang paghahatian namin sa bayad, at nagencourage samin na magpahula. fun daw.

di pa ako nagbabayad ng kahit ano para magpahula. hmm, wala akong natatandaan na pagkakataon na nagbayad ako para mahulaan ang kapalaran ko.

nung nagyayaya si paul na magpahula kami, sa loob loob ko natatakot ako. tama bang gawin yun? nung panahon kasi nun, malakas pa ang pananalig ko sa katolisismo. pero kung lahat sila ay game magpahula e di sige payag na ko. peer pressure. si mitchell cabrera ay tutol. may pagkareligious yan si mits eh. nagsisimba linggolinggo etc. ngayon, ayan, verbal affirmation, nagdududa na ako sa ilang doctrines. di na ako ganun kareligious (pero mabait ako ha. naniniwala pa rin ako sa notion ng good at evil. basta. sa ibang blog entries ko pa yung ieexplain). pero ngayon, mas tutol na ako sa ganung panghuhula. at iniisip ko kung bakit. hindi ko ba talaga alam kung bakit o ayaw ko lang malaman kung bakit?

"God has mercifully withheld from humanity a foreknowledge of what will sell" Bernard Miles. (nakuha ko sa lemonade tycoon)

first of all, saan nanggagaling ang "power" o skill ng panghuhula. definitely, walang scientific basis ang panghuhula. pero kung nga ito'y isang tunay na phenomenon, dapat ka nang magduda kung saan nanggagaling yung knowledge.

turn on Pan - Hula
ale ale, ale ale ale, ano ano ano ano ang sinasabe, ng baraha, ng kapalaran, gusto kong, malaman...

bias aside, may mabuti bang maidudulot ang knowledge of the future? personal benefits, definitely meron yan. palagi kong pinapangarap na makakuha ng time machine at itatama ko ang lahat ng mga maling desisyon ko sa buhay, unang-una na ang pagdodorm sa pisay (to be explained sa ibang blog entry uli). pero paano kaya kung lahat tayo ay kayang malaman ang kapalaran natin? makakatulong kaya sa atin (as human beings)? ahm, disastrous ata. anong klaseng gulo ang mangyayari kung malalaman mo na yayaman ka/malulugi ang negosyo mo/mas mahal ka nya kesa sa mahal mo sya. parang magulo ata ang mundong ganun. may halong paradox, kunyari alam mo na malulugi ka sa isang business, e di syempre di mo na itutuloy yun. eh paano na yung hula? e di nagkamali yung hula? tapos pa, kung ganun ang kalagayan, e di wala nang negosyong nalulugi? at hmm, sa tingin ko disastrous sa economy kung lahat ng tao ay magtatayo ng business, at ang lahat ng iyon ay kikita. imosible kasi na magcocoexist effectively
ang lahat ng businesses.

mas tutol ako sa kapangyarihan ng panghuhula ngayon (kaysa dati) kasi nagdududa ako sa pinanggagalingan ng knowledge.

gusto ko sanang paniwalaan yung natanggap kong sulat, pero hindi nga dapat diba. kaya lang, nabasa ko na. gagamitin ko ba yung natutunan ko sa nabasa ko? dapat hindi, pero dapat naman ata gawin ko yun kahit na hindi dumating yung sulat.

Wednesday, October 26, 2005

damn. mellitus

anlayo sa isip ko. hindi ko inakala. naaalala ko pa dati, sa mga kakilala ko na may diabetes, naiisip ko, buti nalang hindi ako ganun; ang hirap siguro ng buhay ng ganun. pero gaya nga ng sabi ko, ang mga bagay na hindi ko inaakala ay palaging nangyayari. walang mintis.

madaming nakapansin. oy PJ, pumapayat ka. wala talaga sa isip ko ang magpapayat. nagpapataba nga ako eh. ayoko ng payat. bigla daw ang payat ko. naaalala ko si geni, nung debut ni monika, nagkamali pa nung unang sabi "uy pj tumataba ka" tapos binawi na sobrang payat ko pala. tatay ko din, nabahala siya nung isang beses na sinundo ako sa megamall, sobrang payat ko na. iniisip ko, siguro kasi masagwa lang ang kain ko sa UP, bihira magbreakfast etc. sige, aayusin ko nalang ang kain. di ko alam kung kelan nagsimula eksakto, pero nakakahalata na ako.

unanguna, nakakaramdam ako nung mga "tingling sensation", yung tipong mahinang prick ng karayom sa binti paminsan minsan. nothing serious nung una. tapos napapansin ko na palaging tuyo ang bibig ko (mabahong hininga :), at tubig lang pala ang dahilan. dehydrated ako palagi. anlakas ko na sa tubig. kasama ng pagpansin na payat ako nilakasan ko kain, lalo na sa kanin, carbs, malakas magpataba yun. pero kung alam nyo lang, sobrang bilis akong gutumin at anlakas kong kumain. tapos pa, kalimitan pag nasa bahay, yun bang pagweekends na di ko kelangan pumasok kasi nasa bahay lang, pagdating ng hapon eh bagsak ako. parang nanghihina, na ayaw kong tumayo sa kama. kapag ganun, di din ako makapagisip/aral ng maayos. napansin ko na kelangan lang ng konting exercise para bumalik ang sigla. ayos naman yon, at least nagkakaroon ako ng rason na magexercise, pero yun nga nakakabahala. tapos napanood ko yung segment ng Newton's Apple sa knowledge channel kung saan binanggit na isang symptom ng diabetes ang weight loss, kahit na gaano kalakas kumain.

quoting isang website tungkol sa diabetes (kanina ko lang niresearch)
What Are the Signs and Symptoms of Type 1 Diabetes?
A person can have diabetes without knowing it because the symptoms aren't always obvious and they can take a long time to develop. Type 1 diabetes may come on gradually or suddenly.
Parents of a child with typical symptoms of type 1 diabetes may notice that their child:
• urinates frequently. The kidneys respond to high levels of glucose in the bloodstream by flushing out the extra glucose in urine. A child with diabetes needs to urinate more frequently and in larger volumes.
• is abnormally thirsty. Because the child is losing so much fluid from peeing so much, he or she becomes very thirsty to help avoid becoming dehydrated. A child who has developed diabetes drinks a lot in an attempt to keep the level of body water normal.
• loses weight (or fails to gain weight as he or she grows) in spite of a good appetite. Kids and teens who develop type 1 diabetes may have an increased appetite, but often lose weight. This is because the body breaks down muscle and stored fat in an attempt to provide fuel to the hungry cells.
• often feels tired because the body can't use glucose for energy properly.


(pero nagsimula akong pumayat nung first year HS. dun kaya nagsimula? damn, tagal nun. pero sa tingin ko pinakadrastic nung pagtapak ko sa college. dun din sumulpot ang symptoms)

at ayun nga. matagal na akong nagbalak magpablood test. natatandaan ko talaga na nabanggit ko yun minsan sa nanay ko at kapatid ko (pero hindi masyadong seryoso). medyo natawa lang sila, pero sige daw magpabloodtest ako. eh syempre, procrastinator ako, kaya kanina lang, kasi meron palang blood sugar monitor ang tito ko, ay sumubok ako. after lunch, before merienda. ambigat ng lunch ko nun, kasi gutom na gutom ako dahil nagjogging kami ng tatay ko.

pinauna ko ang tito at lola ko, in that order, kasi natatakot ako sa prick nung machine na pang prick ng daliri. 159 at 160+ sila, respectively; ang normal ay 120. diagnosed diabetic sila matagal na. basta yun. hindi naman pala masakit yung prick. unusually matagal yung pagcalculate. tapos teden, 191 ako. teden.

medyo kinabahan ako, pero medyo lang. magaling magtanggal ng pagkaseryoso ang sitwasyon ang mga pinsan ko. umuwi ako, binanggit sa nanay ko (wala ang tatay ko as usual). nung una straigh face, pero di ko napigilan napaluha ako, akyat agad ako para hindi makita. balik composure, tapos tv. tapos kaninang dinner, kasama tatay ko. inisip ko nabanggit na siguro ng nanay ko sa tatay ko, pero mukhang hindi. inisip ko kasi, medyo malupit ang reaksyon ng tatay ko sa mga bagay concerning kalusugan, kaya hindi binanggit ng nanay ko. pero kelangan banggitin, nanay ko kasi sabi lang na iwas sweets ako. lul, di ba dapat pacheck up ako, major lifestyle changes etc? ang tatay ko siguro yung magbbring-up nun. kinwento ko. teary eyed uli. tapos sabi lang, walang kwenta yan, exercise lang. KUMAIN KA LANG NG MADAMI (kasi nga namamayat ako). binanggit uli ng nanay ko na iwas sweets. TATAY KO PA TALAGA YUNG KUMONTRA. "hinde ok lang yan". damnit. wala bang nakakahalata ng gravity ng sitwasyon ko. demet. para hindi mapansin na maiiyak na ako, akyat ako ng kwarto, umiyak, nagpunta sa best friend internet, nagdownload ng articles tungkol sa diabetes, pnrintout, at bukas ilalagay ko sa ref para basahin nila. lul.

lifestyle changes. isang nagustuhan ko sa diabetes: maiiwasan mo ang medication basta magexercise lang. i could do that, and would love to do that. sa totoo lang, naiyak ako kasi di binibigyan ng importansya ng magulang ko eh, tapos konting-konting awa lang sa sarili. pero takot sa diabetes wala. medyo ayos naman eh. isang matututunan ko sa diabetes: DISCIPLINE. masaya na ako dun. kelangan kong magundertake ng lifestlye changes, na dapat naman talaga ginagawa kahit hindi diabetic. pinakaimportante na ang regular exercise. siguro ang pinakatakot ko yung magturok ng insulin. healthy eating kaya naman. ayos naman eh. KELANGAN KO LANG NG SUPORTA NG MGA TAO. atsaka bili nyoko ng bike. yung Maestro Trance ng Giant.

simple lang naman ang gusto ko sa buhay. magkaroon ng pinakamalupit na pamilya. yun lang. pagbigyan nyo na ako.

Things that I have learned - II

(nakalimutan uli ang date)
Learn from your mom, younger sister and significant classmate - girls are moody. Every month.

taiwan is in china

mabilis na nagiging kumplikado ang buhay
Nasa 1/sqrt(2) gain na ako sa low pass buhay ko. Ambilis nang nagiging kumplikado ang buhay. Ang taas ng quality factor, steep ng rolloff. Takte, ilang taon nalang magtatrabaho nako. Ilang taon nalang magaasawa na ako. Magpapamilya. Tapos nasa ECE pa rin ako.

Blog ko ito

(nakalimutan kong tandaan ang date)
Hinahanap ko ang toothbrush at toothpaste ko. Nahanap ko yung toothbrush pero hindi yung toothpaste. Nagpabalikbalik ako hanggang maisipan ko na dedekwat nalang ako ng toothpaste sa boardmates ko. Pagpasok ko sa banyo ilalagay ko na dapat ang toothpaste, pero ang nakita ko sa kamay ko eh yung hinahanap kong toothpaste. At nawawala yung toothbrush.

Nahanap ko din sa wakas (mallate na ako sa eee33 dc). Nakasingit sa gitna ng mga gamit ko.

Monday, September 12, 2005

absent minded

ngayon lang tatlong beses lumabas kasi nakakalimutan ko kung ano ang gagawin ko dapat sa labas

*punta sa present space*

kelangan alert diba. hindi matamlay. pasko paksiw... kaya umiinom ako ng iron. kahapon, uminom ako ng iron nung gabi. btw, delikado ang overdose sa iron (leading cause of death by poisoning ata). tapos napaisip ako, TEKA UMINOM NA AKO KANINANG TANGHALI AH. pero di ko maalala, pero parang oo eh. medyo natakot ako nung gabi. pagkagising ko medyo ok naman ako, may ilang parte ng katawan ko na sumasakit (daliri, tyan) pero di unbearable. ewan

tapos kanina tumae ako. aaaahm... maitim yung tae ko. yun ata yung excess iron. kaya di muna ako iinom para maexpend yung iba. sana no damage done

Sunday, September 11, 2005

Summation of things I have learned

1) wag ikahiya ang sarili at ang pamilya.
-Bakit pa? Ikaw yan. Lalong lalo na, pamilya mo yan. Bago ka magmahal ng ibang tao mahalin mo muna ang sarili mo (kasama yan sa kantang "ako ito" (see: it's not gonna happen)). At kahit ano pa ang pamilya mo, mamahalin ka nyan. Kung hindi man, mahalin mo pa rin sila. Isipin mo nalang, anlaki ng investmant nila sayo. Imposibleng di ka nila mahalin.
Corollary 1.1) wala kang dapat ikahiya. Kung meron man, eh tangna alam mo pala eh. Baguhin mo.

2) hindi mo sila kelangan
-sa buhay, lalo na sa buhay kolehiyo, walang cool na grupo na dapat salihan para maging cool ka. Hindi mo kelangan magpilitan sumali sa kanila. Walang cool na tao, ikaw lang ang cool sa mundo.

3) ikaw hindi ka cool
-hindi ka DAPAT nilalapitan ng tao para makisama. hindi ka cool at sila uncool at hindi mo na sila pakikisamahan. hindi sila uncool. parepareho lang tayo. pakisamahan mo lahat. tratuhin mo ang lahat ng tao na pantay pantay. tangna, hindi ko sinasabing MAGSTOOP DOWN ka at makisama sa ibang tao kasi PANTAY PANTAY lang tayo

4) wag mong tipirin ang pagkain
-wag mong tipirin ang masustansyang pagkain, at magpasalamat ka kung hindi mo kelangan tipirin ang pagkain.
corollary 4.1)
wag magbawas ng pagkain. ayaw na ayaw ko ang babae na nagbabawas kumain para pumayat. magexercise.
corollary 4.2)
(galing sa tatay ko) kahit ano para sumarap ang kain. itabi muna ng konti ang manners (diba jang). walang kaso ang masarap kumain. kamayin mo. masarap yung nakadikit sa buto eh.

5) ayusin ang buhay
-at pag sinabi kong buhay, hindi ko sinasabing academics. far from it. wag na muna natin isama ang relihiyon, kasi ibaiba tayo dyan. una sa buhay: ang sarili, kalusugan. pangalawa ang pamilya. pangatlo ang kapwa. medyo malayo pa ang pagaaral. may kalikasan pa, bansa, prinsipyo etc.

6) stay in present space
-inaamin ko medyo nahihirapan ako dito. present space (as opposed to thought space) yung state ng awareness na, hmmm, nasa physical world. example, kung nagbabasa ka, masasabi mo na ang salitang ito ay "presario" kunyari. nasa thought space ka kung yun lang ang napapansin mo. pero pag nasa present space ka, mapapansin mo na ganito pala yung font nya, kulay ganito pala etc. o kaya naman pag nakakita ka ng silya. kung sa present space, hindi lang basta silya, may sticker pala yung silya, medyo madumi na. sa present space kasi, iniiwan ang subconscious. hinahayaan na "sub" ang subconscious. basta nakakatulong daw yun eh. kapag daw 80% of the time eh nasa thought space ka delikado ka na. teka hanapin ko yung resources ko

7) ang tv, nakakapurol ng ulo
-bawasbawasan ang panonood ng tv. at kung manonood ka man, as much as possible educational (sir malquisto). binabalaan kita michael ignacio. masaya ang seconds from disaster at megastructures ng national geographic. bigyan nyo ako ng discovery channel para sa myth busters at junkyard wars at kung anoano pa. malupit ang inquiring minds (is number 1). baka maging manhid ako sa mad TV

8) magaling pala talaga ang beatles

9) magaling talaga ang The Mars Volta

10) ants are not intrusive, they just don't know what's not theirs

Wednesday, September 07, 2005

send3?

siguro sa tingin mo ginagago lang kita. bakit ganon tapos ang mga sumunod ganun na. tapos may tsismis. intriga. sana binabasa mo pa rin blog ko. at sana niresearch mo yung sa importanteng post (see: it's not gonna happen). kayo basahin at research nyo din yun (kasi kahit ako di ko mahanap lyrics sa net). pero worth kasi marami kayong malalaman. maliliwanagan. kahit ako nagagago sa nagawa ko. tangna ang mali nun ah. pero hinde, may justification

ps: the infatuation is always there -typecast
pps: nagugutom din ako

Tuesday, September 06, 2005

quality time with structures and linked lists

nagexpire ang lexisgoo dictionary ko kanina. mayamaya nagexpire naman ang SPB diary. yun pa naman ang dalawang pinakagamit na app ko. inayos ko na dapat kanina, pero hindi ko alam na mageexpire na pala sila.

nakalimutan ko na kung paano magdeclare at initialize ng structures. ngayon lang din ako nakakuha ng first hand experience with linked lists. ayos naman pala. medyo naaaksayahan lang ako sa memory (may link pointer pa, tapos yung abstract representation kasi ng node eh "robust" ang impression sakin. namimiss ko na pala ang programming. kesa sa circuits (eee13 vs eee33). hindi ako nae-ADD sa C, atsaka mas masipag ako. 11:44 na. ayoko pa rin tumigil. Ang sarap ng pakiramdam kapag pinindot mo ang "f5" (compile macro ko sa Crimson editor) lalabas "terminated with exit code 0"; walang error. pahamak nga lang kung magsegfault. wala pa naman akong DDD for windows.

Sunday, August 28, 2005

dialectical materialism

ADD yung disorder kung saan nahihirapan magconcentrate/magbigay ng attention sa isang bagay ang isang tao. sa mga nalalaman ko, hindi kinakaya magbigay ng attention sa isang bagay lang, dapat madaming ginagawa. tipong hindi nila kayang pumirme at magbasa ng isang libro - palipat-lipat ng libro na in effect, walang naiintindihan kahit isang libro.

ako, hindi ko kayang magbasa ng mahabang libro, lalo na kung fiction, maliban nalang kung children's book. pwedeng non-fiction, pero pag hindi ko gusto yung topic tinatamad na ako pag hindi ko gusto yung topic.

(parang ngayon, dapat sinusulat ko na yung thinkpiece ko, pero nainip ako at nagblog muna)

sa internet, inaabuso ko ang "open in new tab" feature ng firefox. sobrang daming pages ang inoopen ko at a time. lahat ng links na interesting. pero hindi ko naman nababasa lahat. kino-close ko nalang kasi ayoko na magbasa. o kaya naman palipat-lipat ako ng tabs kapag mahaba yung article. sini-skip ko ang paragraphs na mahahaba.

minsan detrimental na. sa mga exam, kapag mahaba ang solution, sini-skip ko. hindi ko tinatapos hanggang final answer. kaya kalimitan putol-putol ang solutions ko. minsan hindi pa coherent. o kaya naman, sa pagaral, malakas ang distractions. dati meron akong text-twist at monopoly pero inuninstall ko. habang nagaaral ako, naiinip ako at matetemp ako na mag texttwist/monopoly. pag naman matutulog na, naiilang ako kapag wala akong ginagawa. iisipin ko "magpapaantok" muna ako sa pagte-texttwist/monopoly/pocket slay (bagong game). marerealize ko nalang na 1am na.

pano ba dapat ginagawa?

Saturday, August 27, 2005

Sunday, August 21, 2005

Method of Undetermined Coefficient and the Characteristic Equation

paano ba ang characteristic equation ng pagkakaibigan? hindi ba dapat parepareho yun sa lahat ng linear elements? iniisip ko kasi eh, bakit may kaibigan na nagtetext sa isa pang kaibigan kung nasan sya para may makasama siyang kumain? o kaya bakit may kaibigan na hindi napapansin na umalis na sya sa grupo habang ang isang kaibigan hinahanap palagi kahit hindi nagpapahintay. o kaya naman ay sinasamahan kahit saan kahit na hindi naman nagpapasama pero yung iba ayos lang iwanan. hindi ko maintindihan eh. ibig sabihin ba may stratification ang pagkakaibigan? tipong ang level ng taong ito, dapat hintayin yan hanggang mabunot ang ID nya habang etong is pede nating iwan at sumunod nalang sya. ang galing eh. parang may mutual consensus yung pag-asign ng friendship-strata. hindi na pinagiisipan - alam na nila ang procedure. pero ako hindi eh. penge naman ng hierarchial membership affiliation list.

eto talaga ang iniisip ko. sa mga capacitor at inductor, hindi in-phase ang current at voltage. at ang phase displacement ay nadedeterming ng resistors sa circuit. tumataas ang caste mo kapag maayos ang complete solution mo. ang complete solution ay nagcocomprise ng homogenous solution at particular solution. swerte ka kung maayos ang homogenous solution mo kasi yan ang unang nadederive ng mga tao. kapag meron ka nyan mabilis nalang ang iba. idagdag mo ang particular solution para makuha ang complete solution. alam naman natin na eto talaga ang pinakaimportante.

yan ang prublema ko. ang gusto kong kaibigan, yung tinatanggap ako dahil ako. ang particular solution kasi, pwedeng plastikin, lalo na kung ang katumbas nya sa table ay yung malupit na function described by j(t)=lambing(3t) at ang lahat ng derivatives nito. ayokong bumubuntot sa isang grupo kung saan nagmumukha lang akong desperado. inggit. yung nga lang, paano ko aayusin ang particular solution ko kung hindi ko icclose ang switch at time t>0. hindi ko din naman kayo masisisi kasi nga, sino ba si PJ. sa tingin ko, dapat pagbutihin ko nalang ang particular solution ko. dapat maging k(t)=totoong+tao. yun nalang ang pinakamabuti kong magagawa, na sana mapanindigan ko. sana lang hindi kayo mabulag at umayaw kapag nakita nyo na pangit ang homogenous solution, sobrang taas kasi ng order. hindi pa integral ang coefficients.

pinakaayos pa rin ang pamilya. purely resistive circuit.

Saturday, August 20, 2005

argumentum ad misericordiam

inaalala ko yung sinabi ni jang, may kinalaman sa o2 ko at sa CWTS nya. tipong ilang pamilya ang mapapakain ng o2 ko. wala akong galit kay Jang. bilib nga ako eh. buti nga nabanggit nya yon kasi napaisip ako tungkol sa katarungan ng mundo. kinuwento ni jang yung child labor:
may mga bata na ang trabaho ay magtanggal ng taba sa balat ng baboy. sila ang nagbubuhat at naghihiwa. at ang sweldo nila, tatlong taba ng baboy
may iba naman na nagtatrabaho sa pagbuhat ng cemento. eh maalikabok at nasisinghot nila ang cemento at tumitigas sa ilong nila at lalamunan. kapag tinatanggal nila sa ilong syempre may sumasama na balat at nagdudugo. sa lalamunan naman, umiinom sila ng lambanog para matunaw. nahihirapan silang huminga kung hindi.
marami pang ibang storya. tanong nyo nalang si jang. habang kinukwento nya sakin yin sinusubukan kong ijustify ang mga luxury items NATIN. kung aalalahanin ang sinabi ni jang, lahat ng taong may telepono dapat may pananagutan sa mga taong naghihirap (mas malaki lang siguro ang pananagutan ko). ang nasabi ko lang kay jang: "ang iniisip ko, who's to blame? sino ang may kasalanan?". may mali bang nangyayari? binabalikan ko si Rousseau at Aquinas.

Systematic Procedure:
1) ano ba dapat ang nangyayari?
equality ni Rousseau: no man is rich enough to buy someone or poor enough to willingly sell himself. sa ganitong position, wala nang biktima ng child labor at oppressed workers dahil sa pressure ng kahirapan. sa ganitong palagay, ang habol natin ay equality. susubukan kong ipilit ang income equality. sang-ayon naman kayo diba? income equality, na hindi magkakalayolayo ang kinikita ng mga tao. diba maayos yon? (bale Ge, ok talaga itong income equality)
kay aquinas: "St.Thomas Aquinas defends slavery as instituted by God in punishment for sin,
and justified as being part of the ‘right of nations’ and natural law." (liberalslikechrist.org/Catholic/slavery.html). ibang klase no considering na Saint si Aquinas. sa ganitong palagay hayaan nalang natin ang lahat kasalanan nila yon.
2) ano ang dapat ginagawa?
kay Rousseau, dapat lang na binibigyan natin ng limos ang mga pulubi. it's a way of maintaining equality. kay Aquinas, mali yon. deserving sila sa ganong buhay kasi may kasalanan sila.
sa akin naman: malaking bahagi ang awa. pero naaalala ko na may nabasa akong malaking karatula na nagsasabi na labag sa batas ng Pilipinas ang magbigay ng limos. napapaisip ako kapag naglalakad ako sa Philcoa, o kaya pag may nakikita akong musmos na batang madungis na pagalagala. wala silang kasalanan (tangina nasan ang mga magulang nito). pero sa pagbigay ng limos, merong nagsasabi na pambibili lang nila yon ng drugs, o kaya ibibigay sa sindikato.
minsan bumibili ako ng hamburger sa krus na ligas. may dumating na babae na nagtanong ng presyo ng cheeseburger (hamburger lang inorder ko). hindi nya tinuloy kasi namamahalan sya, pero mukhang gutom talaga sya. may hawak syang ilang barya. pagkaalis nya naisip ko sana pala nilibre ko sya.

nang makilala kita


  • nagblog ako
  • nanood ako ng F1
  • inalam ko ang dielectric breakdown sa may DEEE
  • nakagamit ako ng oscilloscope
  • naexperience ko ang LBM
  • nag-iron at B-complex ako
  • nakakain ako sa Kublais
  • nakakita uli ak ng sampung piso na dalawa ang ulo
  • hindi na ako nalulungkot pag kumakain ako ng magisa
  • sumali ako sa UP Underground
  • nagdadala na ako ng payong
  • nagaaaral na ako kahit walang test kinabukasan (ero hindi pa rin sa math)
  • inuuninstall ko ang texttwist at monopoly pag may test
  • naghahang palagi O2 ko
  • nagustuhan mo ang Thursday
  • binalikan ko ang Thursday
  • nabili ko yung Circat V
  • nakilala ko si Jang
  • nagiba ang tingin ko sa pagcommute (pero pareho pa rin ang tingin ko sa public ransportation)
  • nakakuha ako ng autograph ni Myrene Academia
  • nakakuha ako ng autograph ni Raimund Marasigan, Aia de Leon…
  • nadiskubre ko ang The Mars Volta, Alan Parson’s Project, Rush
  • nagalingan ako sa album ng Yes na Drama
  • nakabili ako ng self titled na Finger Eleven
  • nalaman ko na nakakabobo pala ang TV
  • madalang na akong nanonood ng TV
  • naubusan ako ng space sa hard drive (60 gigs, 885 megs nalang. nagmaintenance ako nyan)
  • nagjojogging na ako
  • nagbago ang opinion ko sa GMO
  • nilalakasan ko na ang kain ko
  • kumakain na ako ng breakfast
  • inaalam ko ang saturated fat content
  • nagaalangan akong kumain ng pork/beef
  • naging mas healthy ako
  • wala na akong pakialam sa iniisip ng ibang tao sakin
  • nalaman ko kung paano magcompute ng irrational number (pi, ln2, e)
  • inaayos ko na ang buhay ko

inaaalam ko muna sarili ko

Monday, August 15, 2005

Code Division Multiple Access

suko na talaga siguro ang mga magulang ko akin lalo na ang tatay ko. sabagay, hindi ko kasi maayos ang sarili ko. ahhm, inaayos ko, sinusubukan ko, pero pagdating ng pasukan, pagdorm ko, nakakalimutan ko na. kaya maayos ako kapag bakasyon eh. sa dorm kasi, walang may pakialam sakin. teka, hindi lang sa dorm, basta sa UP, pag wala ako sa bahay. wah, wala nga ata akong maituturing na bestfriend sa UP. yung pinakakaibigan ko, hindi nya siguro ako maituturing na bestfriend.

Daing ng tatay ko, nasakin na lahat, hindi ko pa maayos ang sarili ko. nabibigay sakin ng magulang ko ang lahat - pera, sapatos, pagkain kapag weekend at nasa bahay ako, um, pera. meron ako nyan, sobra sobra. may isa nalang akong kulang: pamilya. uh, full-time pamilya. magaanim na taon na akong tuwing weekend lang nasa bahay. weekend lang kasama ang pamilya. sobrang naiinis ako; mas close pa ang kaibigan ko sa mga kaibigan nya kesa sakin. ganun din ako. takte talaga. kapatid ko na nga sya eh. hindi pa ako yung taong magaling makipagkaibigan - gusto pero hindi marunong. kaya gustuhin ko man, mahirap. namimiss ko na nga yung mga panahon na nagaaway kami. familiarity brings contempt. matagal na yon, bago pa ako tumungtong ng high school.

wah. ayusin ang buhay. sige ilalagay ko yan sa notesToday. ayusin ang buhay

oo nga pala, second goal/backup plan ko: kung hindi ako maging pinakamalupit na tao pagtanda ko, dapat ganun ang kapatid ko. pero ngayon pa lang nakikita ko na na malaki talaga ang potential ng kapatid ko. hindi ko alam kung paano isstress, pero malaki talaga ang potential ng kapatid ko. basta ayusin ang buhay. tama na blog.

Thursday, August 11, 2005

dala siguro ng alan parson's project, genesis, pink floyd at yes sa gitna ng problem set

sa tingin ko pagtanda ko hindi ko maaabot mga pangarap ko. sa tingin ko sobrang madedepress ako kasi hindi ako umabot sa expectations ng magulang ko lalo na sa sarili. tipo bang may kaya kami ngayon tapos paglaki ko hindi ganito ang pamumuhay ko. madedepress talaga ako ng sobra.

pero kung mangyari man yon eto nalang ang iisipin ko. hindi man ako mabuhay ng masaya, sa pamilya, magkaroon ng mabuting anak, gagawa nalang ako ng ibang paraan para mabago ang mundo. basta napabuti ko ang mundo kahit papano pwede na yun

it's not gonna happen

Importante itong post na ito. Kung gusto nyo talaga malaman search nyo nalang sa intirnet ang lyrics ng kanta ng brownbeat allstars na "ako ito". Pay attention to the date.

Tuesday, August 09, 2005

the power of lambing

Dapat pala merong institution na nagtuturo ng discipline ng lambing. Galing eh.ynito ko lang talaga naintindihan ang lambing, kung paano gumagana, kung pano gamitin. Nipansin ko all napakaevident pela nun hindi ko lang napapansin.

Si kuya les ng UMC ang nagmulat sakin dito eh. akala ko dati special art ang paglalambing at sa "special someone" (ICTUS) lang yun ginagawa. Pero hinde. Napakapowerful na discipline xala nito. will get you a lot. Dapat daw lalambingin namin yung coapps namin para maging comportable kami sa isatisa. Yung kaklase ko naman sabi nya na last year nahanap na nya yung mamahalin nyang babae, kasi daw mabait, malambing. Ah, yun pala ang lambing. Ngayon nakikinita ko na ang atake ng lambing. At pinagaaralan ko na din kung paano gamitin. ang ayo-o lang sa paglalambing ng kaibigan eh baka nammlastic lang kasi may kelangan sakin. Bad.

Basta ako kapag naperfect ko na ang paglambing sinisigurado ko sa inyo na gagamitin ko yun sa mabuting paraan. Di ako mammlastic.

Help spread the power of lambing (ano ba english nun): post nyo sa comments ang mga techniques nyo sa pagexecute ng lambing

Sunday, July 31, 2005

iiyak nako

nung nagupgrade ako galing Nokia 9210i sa O2 Xda II mini napakasaya ko na. napakaintensive ng research ko para sa perfect na PDA para sakin. O2 mini na nga siguro. maliit, pocket pc, at kaya magwi-fi (kahit na kelangan ng external wi-fi card). ok na talaga, kesa naman sa:

Treo 650 - hindi touch screen. Palm OS nga (mas ok sa Pocket PC) kaya lang walang wi-fi. atsaka smartphone eh. smartphones bulokmalabo ang mga taong may 3G na cell phone sa Pilipinas kasi (ang alam ko) wala pang carrier na nagooffer ng 3G sa pilipinas

Motorola MPx - pwedeng pwede sana kaya lang badly built. nagustuhan ko yung qwerty or touch screen. titiisin ko na sana yung laki, pero pangit ang reviews ng mga tao. masyado daw kasi mabagal yung processor

Symbian PDAs (Sony Ericsson P910i, Nokia 9500 (upgrade ng 9210i ko!)) - ayoko ng mga symbian. napakalimited ng available apps (natuto na sa 9210i). atsaka ayoko na ng Sony Ericsson at Nokia

O2 variants (Xda IIs, IIi) - built in wi-fi, ok processing power, pero masyadong malaki. kaya ko nga papalitan 9210i ko eh

kaya O2 mini nalang. kelangan ko talaga magwi-fi (sa UP) kaya kumuha ako ng SD wi-fi card.

disappointing yung OS nung mini (Windows Mobile 2003 Second Edition (Phone Edition)). hirap ng interface. nasanay ako sa intuitive interface ng Symbian 9210i ko kahit na outdated. mas ok pa nga ata yun eh. yung isa ko pang namiss na hindi ko aakalaing mamimiss ko: QWERTY!! hirap maginput sa pad form factor. stylus or virtual keyboard/keypad. naalala ko yung Motorola MPx, pad form factor na pwedeng magkaQWERTY. kung sino may alam na hardware thumboard para sa O2 mini pasabi nalang sakin

naalala ko yung HipTop. galing


sana merong PDA phone na hopefully parang Hiptop, pero slide-out na QWERTY, pero kasing liit pa rin ng O2 mini.

malungkot na picture:


HTC wizard, descendant ng HTC Magician (nee O2 Xda II mini). wah. perfect. teka, pwede bang mas similar pa ng konti sa Hiptop? tipong yung screen lang mismo yung gumagalaw? hindi kasama yung hardware buttons? sagwa wala sa gitna eh. pero pedenapedena. basta may QWERTY. at maliit.

GUSTO KO NUN pero di na siguro pede kasi may mini nako. sana maabutan ko yon. hindeeee. sana hindi ko na yun maabutan para di na ako magsisi na hindi yun ang PDA ko. owell.

eto konting compensation
(from msmobiles.com)
HTC Wizard
processor: OMAP850 195 MHz

195 MHz? ahm. ano to 3 years old? (hadeh)

teka intermission
panalo si Raikkonen sa Hungarian Grand Prix!

balik uli
ano magagawa mo sa 195 MHz? umiiyak na nga ang today screen ko sa 416 MHz eh. so, wag na muna masyado madepress.

pero baka naman number lang ang 195 MHz. syempre bagong processor. baka naman mabilis pa rin. wah

Monday, July 25, 2005

endorphins

jm: eto corning advice
jm: Sadness, when chronic or pervasive, can color the lens through which we view our lives. By imagining a soothing place outside of your current life, you can get a fresh perspective on something ultimately pleasurable and this will help shift feelings of sadness. The next time you're feeling blue, try this imagery exercise:

1. Imagine a setting that you find particularly appealing and peaceful. Maybe it's a cozy cabin in the wintry woods, complete with a patchwork quilt and a roaring fire. Or an open field on a sunny day, the breeze gently rustling the grass. Choose any place you wish you could be at that moment, anywhere that makes you feel the way you want to feel. For this example, let's use a warm, private beach.

2. Find a quiet and comfortable space to imagine this beach. If
not_pj: musikero?
jm: 2. you want to recline, prop yourself up with pillows all around you. Turn off the phone ringer. Close the doors. Dedicate the next fifteen minutes to yourself.

3. Close your eyes and allow yourself to sink into the pillows. Picture the white sand beach and the sparkling blue waters. Feel the warm sand beneath you, cradling every inch of your body. Listen to the roar of the water, the calls of faraway seagulls. Inhale the fresh, salty air, and when you exhale, feel all of the tension drain out of your body. Feel the warm sun soaking into your muscles, softening them, and draining all the tension. Explore every sensory detail, giving yourself the time and space to really savor the experience.

4. When you're done, slowly open your eyes and take a deep breath in, and then let i
jm: 4. it out slowly. Give yourself a few minutes to come back to the present moment, refreshed and more relaxed.

5. If you enjoy these exercises, you may want to explore the many CDs and tapes for sale that can lead you through imagery exercises or make one of your own. You may also choose to imagine positive events that have happened in your past or particular experiences that were highly pleasurable.

These mini-mind vacations can introduce a sense of contentment into your day in just ten or fifteen minutes and they will give you a break from the blues for long enough that you feel refreshed and ready to face what's bothering you.

...

not_pj: prublema sa depression ko eh ayokong mawala
not_pj: hinde
jm: hade
jm: yun nga
jm: you will have to try and face it. d.
not_pj: ayokong kalimutan. gusto ko mawala yung depression kasi nawala yung cause
jm: hade
jm: parang ganun na rin ako
jm: d
jm: nagiging obsession na dun sa lacuna
jm: d

...

jm: hade
jm: as in nawala na nga, pero nagoobsess pa rin dun sa bagay, kaya you end up obsessing the loss along with the lost. d.
not_pj: bat lacuna?
jm: HADE
jm: este
jm: hade
jm: yung lacuna yung butas na naiiwan pag may nawawala. d.

Friday, July 22, 2005

time constant = 14s

apat ang chambers ng human heart. hindi naman siguro masama kung i-utilize ang tatlo. sige kahit dalawa nalang. pero pwede ding isa.

nung una akala ko hindi compatible yung antigens nung isang chamber, kahit na perfectly healthy. akalain mo nga naman na tinolerate nung antibodies yung bagong chamber. ioobserve ko pa ng matagal. baka kasi pigil lang masyado ang transient response. baka kasi magaya sa una. akala ko nung una pwede. ngayon inaatake na ng antibodies. ginamitan ko na nga ng anti-rejection drug, baka sakaling masanay yung antibodies. kaya lang nagkaprublema biglang inatake ng infection. ano pa nga ba ang magagawa eh suppressed ang mga antibodies.

yun ang mali dun sa isang chamber. compatible nga, pero may prublema ata yung major valve. hindi sumasarado ng maigi kaya may heart murmurs. sayang talaga. masyado ata malakas yung blood pressure. sana masolusyunan.

Wednesday, July 20, 2005

abstract data type

setting: second floor ng rodics
no one but strangers
background music: cranberries - zombie

merong disease - disorder - na depression. malaki ang kinalaman ng chemicals dito, kaya nga merong anti-depressant drugs (otc pa yon). kung health - physiology - ang paguusapan, wala naman ako sigurong prublema. endorphins. meron ding bipolar mania. extreme depression then happiness. masaya naman ako kanina. tapos ngayon.

depression. ngyon tinatanong ako kung bakit ang lungkot ko. bakit nga ba? basta alam ko, ikaw ang nagpapasaya sakin. ikaw. gamitin kaya natin ang deductive reasoning kung bakit ako ganito.

smiley. ang cute nung smiley. sana di na mawala.

sa tingin ko nalungkot ako kasi nakita kita.

effective nga ata talaga ang CHOCOLATE. dagdagan mo pa ng lakad

shift nako sa bio

just plain mean. pero ika nga ng typecast, the infatuation is always there.

iba pang appropriate music excerpts:
Thursday - Waiting - In Transmission - "I'm losing you, in the transmission"
Thursday - War All the Time - For the Workforce, Drowning - "please someone, teach me how to swim, just please don't let me drown"
Rush - Ghost of a Chance - "...and make it last"

pero malaki ang parallelism ng bio at ece. same physicalities, fundamental streaming types. halos pareho din ang experience ko sa dalawa, yun nga lang first love ko ang ece talaga.

Monday, July 18, 2005

tanda nako

kasabay ng cwts1 field trip halos yung birthday ko. 18th birthday. tumatanda na ako.

over-estimated food, skin diving, hochu, yun kakashift lang sa ie, divemaster, jose mari(?) chan et al :), yung dalawang educ, ate jasmin, yung hapon na ayaw gumamit ng totoong pangalan, yung ambassador, other tourism-ers (lalo na yung nakitext na hindi nagpapaalam (krinkles ko), yung may cellphone na nafflip na nanghihingi sakin ng mp3s... si anne at andrei wag na yun.

matanda nako. sa mga responsibilities ne ineexpect samin, sa trust na binibigay samin at sa maturity namin sa isat-isa

sabi nung divemaster namin na classmate na pinakamatnda din, ginugusto nya na ang disposition nya sa mga bagay ay parang bata. kung kakailanganin maging mature, sige, pero sa isang bata, everything is wonderfull.

sakin naman, dapat tanggapin ko na at gampanan ang maturity ko (kahit na hindi lumalabas, pero kung alam nyo lang, sa sarili ko masasabi ko na na hindi nako bata. pero sa sarili ko lang. dito lang siguro sa blog ako sumiseryoso).

Thursday, July 14, 2005

no ID record

sa tingin mo, gaano katagal tatagal ang isang normal na estudyante sa up na walang ID? ako kasi, 2nd year na, wala pa ring ID hanggang ngayon.

nabubuhay ako gamit ang form5, resibo ng ID, bola at awa. bale nagkaroon na ako ng ÌD dati (end ng second sem first year), pero hindi "official". kasi naman, nilagay nung manong na nagIID na college of science ako, e engineering naman talaga ako (2nd year, bsECE). syempre hindi yon tinatanggap sa libraries kasi walang countersign, ayaw naman ng eng'g lib na icountersign nila yung ID ko kasi college of science nakalagay. atsaka isa pa, nawawala na yun ngayon eh (di ko nga nagamit nung enrollment kasi nga nawawala)

bale, ang kelangan ko para magkaID ay bagong resibo (130php), tapos papicture uli. kelan lang nakapagbayad nako (pero di ko pa nagagamit yung resibong yun na "temporary ID". Tapos ngayon naisip ko, gaano kaya ako katagal tatagal sa UP na walang ID? bale, library lang naman ang malaking balakid sa pangarap ko eh. hindi nalang ako papasok sa mga lib.

ang goal ko makagraduate ako ng UP na kelan man ay hindi nakakagamit ng legit na ID. kung kayo o kakilala nyo ay merong kaparehong pangarap o may alam kayo na "UP record" na "longest time in UP without a legit ID" sabihin nyo lang sakin. tayo kaya ako ng Anti-ID club...

Saturday, July 09, 2005

send2

meron akong gustong sabihin sayo talaga. at meron pa akong ginawang deadline na masabi ko yon sayo. naiinis ako sa sarili ko. palagi na akong kinukulit ng kalendaryo ko na sabihin ko na sayo yung nararamdaman ko. araw araw naman dapat kitang nakikita, pero hiniling ko talaga na makausap kita ng tayong dalawa lang.

napakabait sakin ng tadhana, mahina lang talaga ako. tatlong araw bago ang deadline ko, pinagbigyan ako na makasama kita. binigay na sakin lahat. lahat na talaga. pero hindi ko pa rin sinabi. ang galing nga eh. yung gabing yon ang huling araw na makikita kita bago ang deadline. parang sinadya na noong gabing yon kita makakasama. Para bang sinabi sakin: "o ayan, yan yung hinahanap mo ha. Wag mong sabihin na hindi kita pinagbgyan". pero hindi. wala akong ginawa.

pinupuyat mo nanaman ako. gigising pa ako ng maaga bukas. bakit kasi ikaw eh. sige na pagbigyan mo ako. kahit na makasama lang kita paminsan-minsan para mas makilala kita. ang dami ko pang hindi alam tungkol sayo. bakit kasi, kapag ikaw na ang kaharap, hindi na ako makapagsalita. pinipilit ko nalang na magsalita para hindi ako mapahiya sayo. pero dahil pilit nga, mas napapahiya pa ako sa mga sinasabi ko.

alam kong malayo sa isip mo ang ganito. mahirap nga siguro kung hindi mo talaga gusto yung tao. syempre pati ikaw magsasakripisyo kung may manliligaw sayo. pero, ewan ko. kung itutuloy ko man, pati ako hindi ko alam kung pano magsisimula! Pero sabi nga, mas mabuti nang subukan at mabigo kaysa hindi sumubok. Siguro sabihin ko muna sayo dapat nararamdaman ko. mukhang extended naman ata deadline.

Wednesday, June 29, 2005

sorry slug

Pinakita sakin ng kapatid ko yung naligaw na slug sa kusina namin. Mukhang linta pero may stalk eyes. Kulay dark brown. Ewan ko ba. Hindi ko mapatawad sarili ko. Sinabi ko sa kapatid ko na pag binudburan mo n asin yun masasaktan yung slug. Naintriga tuloy ang kapatid ko kaya kumuha sya ng asin at binudbod nya.nung una hindi gumagalaw yung slug. May naiwan na isang butil ng asin sa likod nya. Mayamaya biglang gumalaw na yung slug. Akala ko normal lang at hindi umeepekto yung asin. Makalipas ang ilang minuto nakikita ko na may lysis dun sa parte ng slug na may asin, at medyo natutunaw na din yung asin. Paikotikot yung slug. Naawa ako sobra. Ang hapdi nun. Naalala ko yung osmosis. Inalala ko kung sa balat nga ba talaga ang respiration ng mga slug. Naalala ko yung concept ng higher concentration to lower concentration. Nilalabasan ng tubig ang slug kasi mataas ang concentration ng salt sa labas.

Ano bang mali ang ginawa sakin ng slug? Nakapulupot sya paikit nung huli king tiningnan. Dapat pinabayaan ko nalang. Pipicturan ko sana kaya lang tinapon na sya ng nanay ko. Kawawa naman nasa basurahan na sya. Sana macompensate naman ang hirap na dinanas nya, wala naman syang ginawang masama. Kung ano man mangyari sayo pagnamatay ka na sana ok lang.
sinabi ko sa kapatid ko na tingnan nya yung slug (bago itapon ng nanay ko) sabi nya kadiri yung itsura, nakabilog, hindi na masyadong gumagalaw. Nararamdaman ko yung hapdi. Naalala ko yung sinabi sakin ng kapatid ko pagkatapos kong sabihin yung tungkol sa asin. "talaga? Tara itry natin". Tapos ang sabi ko, "ikaw". Dapat talaga sinabi ko na wag nyang ituloy.
Sorry slug

Friday, June 24, 2005

Iba talaga ang peyborit na Lola Lita's Canteen

Iba talaga ang peyborit na Lola Lita's Canteen

Pagkatapos ng math ko inisip ko na pumunta ako sa SC para kumain ng early dinner (4:30, healthy naman ang ganun diba. Before 6 diet ata tawag). Habang nasa jeep yinaya ko si jm na kumain, pero nasa pisay daw sya. Inisip ko na hintayin ko nalang sya at sa gabi nalang kumain. Nasa SC na yung jeep nung bumaba ako para maglakad pabalik ng bahay sa KNL. Habang naglalakad naalala ko na hindi pala ako nagbayad sa jeep.

Pagdating sa boarding house kinuha ko yung flash drive ko kasi magiinternet ako sa isang rentals sa KNL (Dizontech, ilan sa mga rentals na pumapayag magsaksak ng flash drive). Natapos ako ng mga 8:00, hindi pa rin nagtetext si jm at hindi pa rin ako kumakain. Nasa KNL ako, saan pa kaya ako kakain? Syempre sa SC. Tnext ko na din si jm baka kakain din sya, pero kumain na daw sya. Pero sige, sc pa rin. Medyo umuulan na nung bumaba ako ng jeep, pero naalala ko na na magbayad.
Naknang, si Lola Lita's Canteen, magsasarado na. Wala nang masyadong ulam. Ganun din sa Rodics. At ayoko dun sa isang kainan na hindi ko alam ang pangalan kasi hindi condusive to eating yung lugar. Napunta ako dun sa bagong kainan na may oriental theme. Ok naman yung inorder ko na kimbap, parang korean beef ng Lola Lita's Canteen.
Paglabas ko napakaswerte ko. Hindi kasi malakas ang ulan eh. Hindi BUMUBUHOS. Tama talaga. Sinugod ko ang ulan para makapag-abang ng TAXI sa shed. Pero walang dumadaan eh. Sumuhod na nga ako sa kalsada para humarang sa isang taxi pero may sinusundo palang pasahero yung taxi. Nang mawalan na ako ng pagasa makakuha ng taxi napilitan akong mag ikot nalang. ok na sana kung hind lang adik yung nasapedicab na nasakyan ko (nagsasabi ng gibberish habang nagbbike). pero pinagtyagaan ko na sya lang kasi ang may lakas loob na magbike sa gitna ng bagyo.

Monday, February 28, 2005

maculot hike

what i learned:

humility
+pace yourself. don't let pride force you to hurry up and take long strides. no need to hurry. admit your shortcomings

perseverance
+take baby steps and mind the current differential of the trail (instantaneous trail). it's ok not to look at the steep climb ahead

it's logarithmic
+after the first part you will have travelled 1/15 of the distance to be travelled. the second part is 1/14 of the distance and the third is 1/13. be optimistic. by the time you have travelled 1/3 of the distance the next will be 1/2. after 1/2 is one whole

you are not doing any work
+make it a point to hike all through out the trip until you are back to the position where you started hiking (this is probably in the car you used). don't ride a tricycle going back. this way your displacement, thus work, is zero, assuming that the weight lost through perspiration and energy used as well as the foliage gathered is negligible

finally
+star toll's speed limit is 100kph