Sunday, April 09, 2006

Nabibilib talaga ako kina coline at primo (prime, primi)

Nabanggit ko na kanina. Ang plano, magkikitakita kaming tatlo sa lrt central station around 1pm. By 1pm nagtext ako "er, nasa bahay pa rin ako. nasan na kayo"? magkakasundo nga talaga kaming tatlo kasi parepareho kami ng oras. Mga nasa bahay pa lang din sila. Ako pa nga, hindi pa nakakapagpaalam.

nagpaalam ako. hindi ako pinayagan. Delikado ang panahon. naguuwian sa probinsya etcetc. Delikado yung lugar. Matapos ang negotiations ("eh kelan ako pwedeng pumunta sa manila?" "hindi nalang ako lalabas kahit kelan?") pinayagan akong manood ng sine sa makati.

kaya ayon. nagayos ako, at nagcommute papuntang sm manila. inisip ko, 18 na ako. hindi na humihingi ang Philippine government ng authorization letter sa magulang na pinapayagan akong pumunta sa ibang bansa. sana man lang, reward sa pagiging legal age ang liberty. sa ibang bansa by legal age, hinahayaan na ng magulang na gawin ng anak ang kahit ano, pero oo alam ko, na kasama ng legal age, hindi na din binibigyan ng magulang ng financial support ang anak. Ako hanggang ngayon binibigyan pa rin. but still sana pwede akong gumala easily. yung tipong hindi kelangan magpaalam pa but rather MAGSABI LANG KUNG SAAN PUPUNTA.

nevertheless, nakarating sila doon sa sm manila by 3pm, as predicted. Ako, past 4 na, nasa LRT EDSA station palang ako. inaalala ko na since manonood kami ng sine, alamin na nila yung screening times. At sakto kasi sabi ni primi, 4:15-6:00 ung ice age 2. or so I think.

nakadating ako sa LRT central station past 4:30 na. hmm, hindi ko alam kung paano pumunta sa sm galing dun sa station. nagtext ako sa kanila "nandto na ako sa central station. Where is sm?". nagtanong ako sa jeepney driver kung nasaan ang sm. iniisip ko kasi baka kelangan ko pa magjeep papunta. Pero hinde, lakad lang derecho. nagmamadali akong pumasok, nagtanong sa guard kung nasaan ang sinehan at tumungo ako sa escalator papuntang 4th floor.

biglang may bumati sa akin habang nasa sarili kong mundo ako sa elevator. sina prime at coline. TURNS OUT NA PUPUNTAHAN NILA DAPAT AKO SA CENTRAL STATION. Wow. Mahabang litanya kung gaano kacritical na nagkta kmi, at kung paano kaya kung hindi kami nagkita.

Derecho kami sa sinehan. bili ng ticket at 70 pesos (ripoff) popcorn at pumasok sa cinema 4. After 30 minutes estimate, natapos ang ice age 2: the meltdown. it's all my fault naisip ko. Pero cinomfort pa rin ako ni coline. 5:10 pa lang nang natapos yung palabas. Turns out na cinocomfort lang din ako ni prime nang sinabi nya na 6:00 ang tapos (tama ba?), para hindi ako nagaalala nung papunta pa lang ako. Wow. Ambait nyo talaga sa akin :D

hinintay namin na magloop ung palabas, para mapanood namin yung simula.

kelangan ko nga pala makauwi by 7pm, kasi magsisimba kaming pamilya. Ang plano ko, umalis by 6:00. Pero nakakaaliw talaga yung quest para sa acorn at hindi pa rin ako umaalis. si coline pa talaga ang nagremind sa akin na kelangan ko na umalis. Wow, kung hindi nya sinabi yon, mageextend pa ako ng mageextend - not a good thing. Ako'y nagpaalam at uwuwi. LRT central station to EDSA station. switch to MRT line. Taft station to magallanes station (hindi sulit). bus to san pedro. Tricycle to bahay (note: bakit sobrang mahal ng tricycle ngayon? bente pesos, hindi pedeng hindi special?! Takte, 36 lang ang aircon bus mula san pedro hanggang magallanes).

Time: 7:50 pm
hindi na ako umabot sa misa. sayang yon, pero nagenjoy ako dun sa gala na yon. exciting ang public transportation. first time ko sa sm manila. nageenjoy ako kasama sina prime at coline.

next: baywalk sunrise. My kind of gala :)

Nahihilo pa rin ako sa popcorn. Damn msg

Saturday, April 08, 2006

summation of things learned, lost count

Don't listen to anyone. not even your parents
er, legal age na ako eh. Goal ng parents na mabigyan ng wisdom ang anak para gumawa ng magandang decisions by this age. Pero by this age dapat dn eh hndi na cla gumagawa ng decisions para sa anak nila. Para wala kang ibang masisisi o mauutangan ng loob kundi sarili mo. kelangan k nalang ng financial power at mappractice ko na to ng husto.
Minsan nga, mali na ako, kasi purposely pinipili ko ung options na hindi gusto ng magulang ko, para maprove sa sarili ko na sariling desisyon ko un. isa pa tong rason kung bakit ayokong magmedicine eh. kasi kung magmedicine ako, parang sinusunod ko lang ang gusto ng magulang ko. siguro kung itulak nila sa akin ang engineering mapapaisip ako na magshift sa medicine.

never follow. wag bumuntot. wag sunod ng sunod
stand up for yourself. kung ayaw ka nilang tabihan, wag kang umalis sa inuupuan mo para tumabi sa kanila. kung naiwanan ka nila, wag kang maghabol.
corollary dito, wag kang mangiiwan at tabihan mo kung sino man (naexplain ko na ata to dati)

entropy increases in everything
lahat ng bagay nagdedeteriorate. kotse, cell phone, tao. nothing will last forever. kaya importante na siguraduhing matibay ang mga hinges ng cell phone. notorious ang mga joints. Ang cogs sprockets chain, ang derailleur, bottom bracket. nagagasgas ang frame. nawawala ang elasticity ng balat, napupudpod ang joints, bumababa ang metabolic rate.

The human body is very adaptive (until telomerase says otherwise)
climb a hill. Mahirap? Gawin mo lang palagi at eventually sisiw na lang yun. hmm, almost anything, gawin mo lang palagi ang isang bagay masasanay at masasanay ang katawan mo.

The simpler the better. The best
napakalakas ng nostalgia ko. I wished I lived during the yes years, nung wala pang internal combustion engine, nung hindi pa pressured into industrialization ang pilipinas. nung hindi pa malakas ang epekto ng capitalism. Ang plastic ko no, eto ako, nagaaral upang maging inhinyero ng electronics and communications. lahat din ng mga magagaling na musikero nabuhay dati. kaya nga puro revivals tayo ngayon eh. "covering dry".

I miss you
kelan tayo magkakausap uli

read:

EXTREMELY FLAMMABLE
HARMFUL
DANGEROUS TO THE ENVIRONMENT

ask for receipt

This will ensure that the taxes on your purchases will be remitted to the government. It will be used for the development of the Philippines.

Monday, April 03, 2006

the sky turns green

aahh, walang lumalabas sa isip ko. pero madami dapat akong dapat sabihin. kelangan kong masabi yung tungkol sa children's playground, green sky blending sunset, pagasam na manatiling bata at kasiyahan na magpakabata, sa cosmetic attempt ni lito atienza, sa unknown critters sa may seaside (akala ko ipis, pero hindi eh. more than six legs daw eh. sabi nila, malabo kasi mata ko eh, hindi ko maclaim yun)

sige systematic account nalang
.
.
.
hindi din eh. wala talagang lumalabas.

basta, pinlano namin nina primi(tivo) at coline na manood ng sunset sa manila bay. ala debauchery, pero less preparation pero more concrete planning. buti naman at pareho kami ni coline na may prublema sa punctuality* kaya halos sabay lang kami nagkitakita. nagkita kami sa labas ng magallanes mrt station (kahit na dapat sa loob nalang sila naghintay para di nila kelangan magbayad uli).

not going quite well

nakakita kami ng brightly colored turtle, inusisa namin kaya napadpad kami sa children's playground, kung saan 10 pesos ang entrance, at pwede mong hindi ihulog yung ticket para magawa mo tong souvenir (pero napunit ko na yung akin nang nalaman ko na pede pala namin matago).
alam kong corny (kurne) tong sasabihin ko, pero masayang magpakabatang isip sa playground. totoy no, pero masaya ako sa ganyan eh.

alam naman natin lahat na ang kulay ng sky ay dahil sa scattering ng white light. alam na natin na blue ang langit kapag tanghali, orange pag hapon, violet pag gabi. pero bakit walang green? red, orange, yellow, magkakalapit yan. blue, indigo, violet. pero green? pero meron pala. nito ko lang nalaman.

napakamomentous talaga ng araw na to.
pero pinakanatutuwa ako at meron akong mga bagong nakilala na tao na naiisip na hingin ang ticket para gawing souvenir, na hindi nahihiya at natutuwa pa nga na pumasok sa giant pumpkin, umusisa sa anatomically incorrect dinosaurs, dumaan sa bridge kahit na may mga unexplainable residents doon, pumasok sa puwet ng hippopotamus at lumabas sa bibig, pumasok sa mapangheng turtle (yung nakita namin sa labas) at hindi magreklamo, pumayag magslide na sabaysabay kaming tatlo, matuwa (?) nang makita na may panirang factory sa luneta park view, makuntento sa hamburger at c2, makakwentuhan tungkol sa pagkain hanggang mamiss na ang sunset, MAKUNTENTO SA GREEN SUNSET, mapaniwala at mainteresa na kapag nasa loob ka ng US embassy, pwede mong sabihin na nasa US ka, mapilit bumaba sa shore kahit na mahihirapan umakyat. wow. may mga tao palang ganito.

pauwi, sasakay ako sa LRT, tapos lipat sa MRT hanggang sa Ayala station. pwede nga sana akong bumaba sa Magallanes station pero sa Ayala pa rin ako bumaba kasi mas madaling sumakay sa Ayala. nang tumigil na sa Ayala station yung MRT, sobrang daming taong pumasok, at hindi ako makalabas! sumasarado na yung pinto, pero hindi yon makasara kasi sobrang siksikan na sa MRT, may maiipit na tao pagsumara yung pinto. hindi pa rin ako makalabas. sabi ko, "lalabas po. lalabas po". pinagbigyan naman ako at nakalabas din. astig, kung hindi nakaharang yung tao e di nagsarado yung pintuan at sa buendia ako bababa. ako nga lang pala ang bumaba dun sa ayala station. malamang, sino ba naman kasi ang sasakay sa taft tapos bababa sa ayala

*tama ata yung notion ko na may kinalaman ang affinity ko sa taoism sa punctuality ko, salamat sa Tao of Pooh. mukhang nagaagree si coline na nainstill sa amin ang virtue ng, er, di ko maalala yung tamang term. basta hindi kami napapamadali kahit na mallate na. er mali. er.akfshujksfajajka

Saturday, April 01, 2006

isipin nyo. kung effective nga to, gaganda yung buhok mo. mapapansin yan ng mga tao. itatanong nila sayo: ang ganda ng buhok mo ah. ano conditioner mo?