Sunday, July 31, 2005

iiyak nako

nung nagupgrade ako galing Nokia 9210i sa O2 Xda II mini napakasaya ko na. napakaintensive ng research ko para sa perfect na PDA para sakin. O2 mini na nga siguro. maliit, pocket pc, at kaya magwi-fi (kahit na kelangan ng external wi-fi card). ok na talaga, kesa naman sa:

Treo 650 - hindi touch screen. Palm OS nga (mas ok sa Pocket PC) kaya lang walang wi-fi. atsaka smartphone eh. smartphones bulokmalabo ang mga taong may 3G na cell phone sa Pilipinas kasi (ang alam ko) wala pang carrier na nagooffer ng 3G sa pilipinas

Motorola MPx - pwedeng pwede sana kaya lang badly built. nagustuhan ko yung qwerty or touch screen. titiisin ko na sana yung laki, pero pangit ang reviews ng mga tao. masyado daw kasi mabagal yung processor

Symbian PDAs (Sony Ericsson P910i, Nokia 9500 (upgrade ng 9210i ko!)) - ayoko ng mga symbian. napakalimited ng available apps (natuto na sa 9210i). atsaka ayoko na ng Sony Ericsson at Nokia

O2 variants (Xda IIs, IIi) - built in wi-fi, ok processing power, pero masyadong malaki. kaya ko nga papalitan 9210i ko eh

kaya O2 mini nalang. kelangan ko talaga magwi-fi (sa UP) kaya kumuha ako ng SD wi-fi card.

disappointing yung OS nung mini (Windows Mobile 2003 Second Edition (Phone Edition)). hirap ng interface. nasanay ako sa intuitive interface ng Symbian 9210i ko kahit na outdated. mas ok pa nga ata yun eh. yung isa ko pang namiss na hindi ko aakalaing mamimiss ko: QWERTY!! hirap maginput sa pad form factor. stylus or virtual keyboard/keypad. naalala ko yung Motorola MPx, pad form factor na pwedeng magkaQWERTY. kung sino may alam na hardware thumboard para sa O2 mini pasabi nalang sakin

naalala ko yung HipTop. galing


sana merong PDA phone na hopefully parang Hiptop, pero slide-out na QWERTY, pero kasing liit pa rin ng O2 mini.

malungkot na picture:


HTC wizard, descendant ng HTC Magician (nee O2 Xda II mini). wah. perfect. teka, pwede bang mas similar pa ng konti sa Hiptop? tipong yung screen lang mismo yung gumagalaw? hindi kasama yung hardware buttons? sagwa wala sa gitna eh. pero pedenapedena. basta may QWERTY. at maliit.

GUSTO KO NUN pero di na siguro pede kasi may mini nako. sana maabutan ko yon. hindeeee. sana hindi ko na yun maabutan para di na ako magsisi na hindi yun ang PDA ko. owell.

eto konting compensation
(from msmobiles.com)
HTC Wizard
processor: OMAP850 195 MHz

195 MHz? ahm. ano to 3 years old? (hadeh)

teka intermission
panalo si Raikkonen sa Hungarian Grand Prix!

balik uli
ano magagawa mo sa 195 MHz? umiiyak na nga ang today screen ko sa 416 MHz eh. so, wag na muna masyado madepress.

pero baka naman number lang ang 195 MHz. syempre bagong processor. baka naman mabilis pa rin. wah

Monday, July 25, 2005

endorphins

jm: eto corning advice
jm: Sadness, when chronic or pervasive, can color the lens through which we view our lives. By imagining a soothing place outside of your current life, you can get a fresh perspective on something ultimately pleasurable and this will help shift feelings of sadness. The next time you're feeling blue, try this imagery exercise:

1. Imagine a setting that you find particularly appealing and peaceful. Maybe it's a cozy cabin in the wintry woods, complete with a patchwork quilt and a roaring fire. Or an open field on a sunny day, the breeze gently rustling the grass. Choose any place you wish you could be at that moment, anywhere that makes you feel the way you want to feel. For this example, let's use a warm, private beach.

2. Find a quiet and comfortable space to imagine this beach. If
not_pj: musikero?
jm: 2. you want to recline, prop yourself up with pillows all around you. Turn off the phone ringer. Close the doors. Dedicate the next fifteen minutes to yourself.

3. Close your eyes and allow yourself to sink into the pillows. Picture the white sand beach and the sparkling blue waters. Feel the warm sand beneath you, cradling every inch of your body. Listen to the roar of the water, the calls of faraway seagulls. Inhale the fresh, salty air, and when you exhale, feel all of the tension drain out of your body. Feel the warm sun soaking into your muscles, softening them, and draining all the tension. Explore every sensory detail, giving yourself the time and space to really savor the experience.

4. When you're done, slowly open your eyes and take a deep breath in, and then let i
jm: 4. it out slowly. Give yourself a few minutes to come back to the present moment, refreshed and more relaxed.

5. If you enjoy these exercises, you may want to explore the many CDs and tapes for sale that can lead you through imagery exercises or make one of your own. You may also choose to imagine positive events that have happened in your past or particular experiences that were highly pleasurable.

These mini-mind vacations can introduce a sense of contentment into your day in just ten or fifteen minutes and they will give you a break from the blues for long enough that you feel refreshed and ready to face what's bothering you.

...

not_pj: prublema sa depression ko eh ayokong mawala
not_pj: hinde
jm: hade
jm: yun nga
jm: you will have to try and face it. d.
not_pj: ayokong kalimutan. gusto ko mawala yung depression kasi nawala yung cause
jm: hade
jm: parang ganun na rin ako
jm: d
jm: nagiging obsession na dun sa lacuna
jm: d

...

jm: hade
jm: as in nawala na nga, pero nagoobsess pa rin dun sa bagay, kaya you end up obsessing the loss along with the lost. d.
not_pj: bat lacuna?
jm: HADE
jm: este
jm: hade
jm: yung lacuna yung butas na naiiwan pag may nawawala. d.

Friday, July 22, 2005

time constant = 14s

apat ang chambers ng human heart. hindi naman siguro masama kung i-utilize ang tatlo. sige kahit dalawa nalang. pero pwede ding isa.

nung una akala ko hindi compatible yung antigens nung isang chamber, kahit na perfectly healthy. akalain mo nga naman na tinolerate nung antibodies yung bagong chamber. ioobserve ko pa ng matagal. baka kasi pigil lang masyado ang transient response. baka kasi magaya sa una. akala ko nung una pwede. ngayon inaatake na ng antibodies. ginamitan ko na nga ng anti-rejection drug, baka sakaling masanay yung antibodies. kaya lang nagkaprublema biglang inatake ng infection. ano pa nga ba ang magagawa eh suppressed ang mga antibodies.

yun ang mali dun sa isang chamber. compatible nga, pero may prublema ata yung major valve. hindi sumasarado ng maigi kaya may heart murmurs. sayang talaga. masyado ata malakas yung blood pressure. sana masolusyunan.

Wednesday, July 20, 2005

abstract data type

setting: second floor ng rodics
no one but strangers
background music: cranberries - zombie

merong disease - disorder - na depression. malaki ang kinalaman ng chemicals dito, kaya nga merong anti-depressant drugs (otc pa yon). kung health - physiology - ang paguusapan, wala naman ako sigurong prublema. endorphins. meron ding bipolar mania. extreme depression then happiness. masaya naman ako kanina. tapos ngayon.

depression. ngyon tinatanong ako kung bakit ang lungkot ko. bakit nga ba? basta alam ko, ikaw ang nagpapasaya sakin. ikaw. gamitin kaya natin ang deductive reasoning kung bakit ako ganito.

smiley. ang cute nung smiley. sana di na mawala.

sa tingin ko nalungkot ako kasi nakita kita.

effective nga ata talaga ang CHOCOLATE. dagdagan mo pa ng lakad

shift nako sa bio

just plain mean. pero ika nga ng typecast, the infatuation is always there.

iba pang appropriate music excerpts:
Thursday - Waiting - In Transmission - "I'm losing you, in the transmission"
Thursday - War All the Time - For the Workforce, Drowning - "please someone, teach me how to swim, just please don't let me drown"
Rush - Ghost of a Chance - "...and make it last"

pero malaki ang parallelism ng bio at ece. same physicalities, fundamental streaming types. halos pareho din ang experience ko sa dalawa, yun nga lang first love ko ang ece talaga.

Monday, July 18, 2005

tanda nako

kasabay ng cwts1 field trip halos yung birthday ko. 18th birthday. tumatanda na ako.

over-estimated food, skin diving, hochu, yun kakashift lang sa ie, divemaster, jose mari(?) chan et al :), yung dalawang educ, ate jasmin, yung hapon na ayaw gumamit ng totoong pangalan, yung ambassador, other tourism-ers (lalo na yung nakitext na hindi nagpapaalam (krinkles ko), yung may cellphone na nafflip na nanghihingi sakin ng mp3s... si anne at andrei wag na yun.

matanda nako. sa mga responsibilities ne ineexpect samin, sa trust na binibigay samin at sa maturity namin sa isat-isa

sabi nung divemaster namin na classmate na pinakamatnda din, ginugusto nya na ang disposition nya sa mga bagay ay parang bata. kung kakailanganin maging mature, sige, pero sa isang bata, everything is wonderfull.

sakin naman, dapat tanggapin ko na at gampanan ang maturity ko (kahit na hindi lumalabas, pero kung alam nyo lang, sa sarili ko masasabi ko na na hindi nako bata. pero sa sarili ko lang. dito lang siguro sa blog ako sumiseryoso).

Thursday, July 14, 2005

no ID record

sa tingin mo, gaano katagal tatagal ang isang normal na estudyante sa up na walang ID? ako kasi, 2nd year na, wala pa ring ID hanggang ngayon.

nabubuhay ako gamit ang form5, resibo ng ID, bola at awa. bale nagkaroon na ako ng ÌD dati (end ng second sem first year), pero hindi "official". kasi naman, nilagay nung manong na nagIID na college of science ako, e engineering naman talaga ako (2nd year, bsECE). syempre hindi yon tinatanggap sa libraries kasi walang countersign, ayaw naman ng eng'g lib na icountersign nila yung ID ko kasi college of science nakalagay. atsaka isa pa, nawawala na yun ngayon eh (di ko nga nagamit nung enrollment kasi nga nawawala)

bale, ang kelangan ko para magkaID ay bagong resibo (130php), tapos papicture uli. kelan lang nakapagbayad nako (pero di ko pa nagagamit yung resibong yun na "temporary ID". Tapos ngayon naisip ko, gaano kaya ako katagal tatagal sa UP na walang ID? bale, library lang naman ang malaking balakid sa pangarap ko eh. hindi nalang ako papasok sa mga lib.

ang goal ko makagraduate ako ng UP na kelan man ay hindi nakakagamit ng legit na ID. kung kayo o kakilala nyo ay merong kaparehong pangarap o may alam kayo na "UP record" na "longest time in UP without a legit ID" sabihin nyo lang sakin. tayo kaya ako ng Anti-ID club...

Saturday, July 09, 2005

send2

meron akong gustong sabihin sayo talaga. at meron pa akong ginawang deadline na masabi ko yon sayo. naiinis ako sa sarili ko. palagi na akong kinukulit ng kalendaryo ko na sabihin ko na sayo yung nararamdaman ko. araw araw naman dapat kitang nakikita, pero hiniling ko talaga na makausap kita ng tayong dalawa lang.

napakabait sakin ng tadhana, mahina lang talaga ako. tatlong araw bago ang deadline ko, pinagbigyan ako na makasama kita. binigay na sakin lahat. lahat na talaga. pero hindi ko pa rin sinabi. ang galing nga eh. yung gabing yon ang huling araw na makikita kita bago ang deadline. parang sinadya na noong gabing yon kita makakasama. Para bang sinabi sakin: "o ayan, yan yung hinahanap mo ha. Wag mong sabihin na hindi kita pinagbgyan". pero hindi. wala akong ginawa.

pinupuyat mo nanaman ako. gigising pa ako ng maaga bukas. bakit kasi ikaw eh. sige na pagbigyan mo ako. kahit na makasama lang kita paminsan-minsan para mas makilala kita. ang dami ko pang hindi alam tungkol sayo. bakit kasi, kapag ikaw na ang kaharap, hindi na ako makapagsalita. pinipilit ko nalang na magsalita para hindi ako mapahiya sayo. pero dahil pilit nga, mas napapahiya pa ako sa mga sinasabi ko.

alam kong malayo sa isip mo ang ganito. mahirap nga siguro kung hindi mo talaga gusto yung tao. syempre pati ikaw magsasakripisyo kung may manliligaw sayo. pero, ewan ko. kung itutuloy ko man, pati ako hindi ko alam kung pano magsisimula! Pero sabi nga, mas mabuti nang subukan at mabigo kaysa hindi sumubok. Siguro sabihin ko muna sayo dapat nararamdaman ko. mukhang extended naman ata deadline.