Tuesday, January 31, 2006

post mortem

before:

Oras ng klase: 3:00pm
Meeting time: 7:00am
Alarm clock: 6:00am
Snooze: 30mins
6:30am: pinatay ang alarm
Gising: 7:10am

Preparation:
  • helmet: loosen strap shades: clear lens bag: hydration pack filled with water spare interior
  • puncture repair kit
  • crankbrothers multi-purpose tools
  • spare lenses ng shades
  • bihis:
    • cycling shorts
    • blue jersey
    • shorts (na pinang-tulog)
    • shoes: Oakley Radar Lock
    • gloves: nakadikit sa bag pero natanggal yung isa kaya wag nalang
  • nutrition: isang pandesal kina lola
  • stretching: hamstrings, quadriceps
  • paalam kay papa (umalis na si mama. Si Janna (happy bday) may pasok)
ETA: 8:00am
(estimate lang kasi wala akong dinalang orasan)

Magca-carmona trail kami ng nakilala kong nagmmountain-bike din (nakalimutan ko pangalan nya.. Nakilala talaga eh). Hindi na nya ata ineexpect na dadating ako at inindyan ko na sya, pero hinde, dumating ako, 1 hour late. Tuloy kami sa Carmona trail.

On the way (road work), sinusubukan kong paangatin yung likod na gulong. kasama yun ng wheelie, bunny hop etc. na useful tricks sa bike. Hindi ko pa nga magawa eh. Basta tatayo sa bike, tapos tatalon, tapos tataas na yung likod na gulong. So sinubukan ko. Kaya lang pagtalon ko nahulog ako sa pedal at bumagsak ang pwet ko sa upuan. Masakit sa ano eh.

Nakarating kami sa paanan ng bundok. May umugong na baka, pero di namin nakita mismo kung saan. May nadaanan kaming hukay sa lupa na puno ng putik, yun bang hinihigaan at pinagpapaliguan ng mga kalabaw. Galing eh. Meron pala talagang ganun.

Paakyat ng bundok, sobrang maputik. Ilang beses din kaming bumaba kasi di talaga kayang i-bike. Madulas kasi sobrang maputik. Kapag mabagal ang takbo, lumalabo yung shades. Parang nagfofog. Kaya tinanggal ko muna at sinabit sa leeg kasi nahihirapan ako makakita. Pagdating sa taas, wala na sa leeg ko yung antipara! Malamang, tanga ba naman kasi na sabit sa leeg, eh andaling mahulog nun. Buti nalang napulot nung kasama ko. Buti nalang binalik nya sakin. Kaya lang may gasgas na yung lens. Pero di naman yun halata kapag suot na.

Sa tuktuk kasi ng bundok, madaming bahayan. May ilang tindahan pa nga eh, kasi malimit talaga ang mga nagmmountain-bike dun sa lugar. Hindi pa nagaalmusal ang kasama ko kaya bumili sya ng tinapay. Sampung-piso. Mahal. Pero pagbigyan na natin yung tubo nila kasi mahirap talagang akyatin yung bundok. Takte mataas din yun. Nabanggit ko na simple ang buhay nung mga tao sa taas. Sabi nya, ung mga bata daw dun, nagaaral sa isang school sa baba. Apat na oras (ata, basta oras) nilang inaakyat-baba yung bundok para pumasok. Nakwento nung kaibigan ko na isang beses habang nagba-bike sila sa bundok sa Santa Rosa may nakasalubong silang mga sundalo sa makitid na daan. Di-baril lahat. M-16. Nagroronda lang. Sabi ko, wala naman sigurong NPA dun sa bundok. Aba, sabi nya siguradong meron daw. Papuputol nya ang kamay nya kung wala. Ganun pala ka-ubiquitous ang mga NPA sa bundok.

Ang daan namin paakyat, yun din ang daan namin pababa. First time kung gagawin yun, kasi di masyadong nag-t-thrill-ride yung mga tito ko. Relaxed, cross country lang. Narealize ko kanina kung gaano kasweet ang disc brakes, lalo na kung hydraulic. Pero kung mechanical brakes, ayos lang. Mas gusto ko pa nga yun kasi worry-free. Reliable. Anyway, sumemplang ako pababa, kasi madulas talaga ang putik. Pero di naman ako nainjure. Putik nga kasi yung daan, kaya naputikan lang ako. First time ko sumemplang sa trail. Fun.

On the way down, observed ang proper brake modulation - wag mag-brake kapag technical yung course, kasi mawawalan ng traction. Basta yun. Sarap ng downhill, lalo na kasi yun ang reward ng uphill climbing.

Natagtag ng downhill ang derailleurs ko. Di na swabe ang shifting. Kylangan i-readjust.

Nakarating kami sa baba nang hindi masyadong nasasaktan. Inenjoy namin yung talsikan ng putik habang mabilis sa road. Nagkayayaan kami sa isang maiksing trail. Konting detour lang. Doon naintindihan ko na yung sinasabi nyang "yosi" tuwing dumadaan kami doon. Akala ko kung anong yosi yun. May tambakan kasi ng basura kaming nadadaanan. At yung basurang yun pala ay mga imported na sigarilyo. Nung una nga di ako naniniwala hanggang sa madaanan namin ang nakatapong isang buong pakete ng hindi gamit na sigarilyo. Imported pa nga daw. Ang dami nun. At malapit sa creek.

Things learned:

1) wag isasabit ang shades sa leeg habang nagbibike (lalo na kung downhill). dapat siguro ikabit ko na yung strap.

2) halos lahat ng bundok ay may NPA

3) merong illegal expired tobacco-dumping operation malapit sa southwoods, katabi ng isang creek. Ang galing talaga eh. Malapit sa water supply.

4) look ahead

5) importante ang gloves

after:

Monday, January 23, 2006

mokommokom, tikomtikom

Patapos na akong mag-ayos ng gamit nang biglang may tumawag sa telepono ko. Nasa ikot-stop na daw sila, pick-up point ko. Dali-dali akong naghanda at lumabas papunta sa ikot-stop sa may CP Garcia. Medyo malapit lang naman kasi ako dun, mga 5-mins walk. Nang sobrang lapit ko na, biglang may tumawag uli sa akin. Hindi ko na sinagot kasi 30-seconds away nalang ako. After 30 seconds, nakarating ako sa ikot stop. Walang sasakyan na naghihintay sa akin.
Tumawag ako. Nalaman ko na dumerecho na sila sa Vinzon’s. ayon. Sige magjjeep nalang ako papunta dun. Tamang-tama may paalis na jeep. Pagdating ko sa Vinzon’s nakita ko yung Trooper. Nakita ko sina Andre. Nagulat ako at pwede pala akong makasakay sa Trooper. Yung gamit ko iniwan ko sa jeep.
Hindi ako nakakaattend ng mga Wednesday pre-planning sessions kasi may PE class ako ng ganung oras. Kaya nung una kong akyat, wala pa akong group. Hindi ko pa alam kung saan ba ako – high school, kanawan, mabayo o fisherfolks. Nalaman ko na sa mga nabanggit, hindi formal teaching sa kanawan. Hindi ko kasi kakayanin na maghandle ng isang buong klase, much more magturo ng lesson. Kaya kanawan nalang ang pinili ko.
Unang beses ako dadaan sa hanging-bridge. Pagdating naming sa taas ang dami na agad sumalubong sa amin. Ineexpect na ata nila kami. Nakadagdag sa pagdatingan ng mga bata ang pakikipag-laro namin sa kanila ng basketball at sa pagpicture-taking namin. Andyan si Cynthia, magaling daw sya kumanta at kinantahan nya kami. Magaling sya kumanta. Kami mismong mga umakyat ay hindi magkakakilala, kaya nagkaroon pa ng konting panahon bago kami naging kumportable sa isa’t-isa, at syempre pati na rin sa mga bata. Karamihan kasi sa amin ay first timers.
Si kuya Borms ang naglead ng mga activities na ginawa namin dun sa taas. For most of the part, sumasali lang kami sa mokom-mokom-tikom-tikom at opening the basket. Nakinood lang kami sa storytelling ni prime.
Pero eto yung nagpasaya sa buong trip eh. Hindi ko alam kung ano ang meron kina Cynthia, Heidi, Esperanza, Janjan et.al., pero naenjoy ko yung pakikipagusap sa kanila. Hindi naman kasi talaga ako magaling sa tao. Mahina ang interpersonal skills ko. Pero hindi ko alam kung ano ang meron sa kanila at nakakausap ko sila. natutunan ko yung iba't-ibang paraan ng pagluto nila ng aso. May sinigang. May prito. May inihaw. Kasama sa luto yung ulo. Yung buntot. Nakwento ko kung saan ako nakatira - sa buwan, kung saan walang hangin at may bakal sa ngipin ang mga tao. Para makapunta sa buwan, sasakay ng jeep at dadaan sa expressway. Nakaampon din ako ng maramiraming bata. Si Cynthia kumakain ng gulay, pero si Janjan noodles ang paborito.
Pauwi, habang papunta ako sa mga sasakyan, sabi nung mga nasa jeep “swerte kayo at feel namin lahat na magTrooper”. Ayos. Trooper uli ako.
May nadaanan kaming mga unggoy habang nasa may Subic may pictures pa nga sana ako eh*.

*may pictures ako nung climb na ‘to kaya lang nawala yung memory card ng telepono ko. Mangangalap pa ako ng pictures ng ibang tao kaya next time nalang

Saturday, January 21, 2006

callousy

Di kasi naggloves eh. Maganda yung may certain balance ng seriousness at fun na match sayo eh. Either lumalabas yung negative kasi hindi seryoso and/or lalabas yung positive kapag seryoso na. Iba yung naeenjoy mo yung ingay, yung discourse, pero mas malupit kung naeenjoy mo yung silence. Tapos may tamang proportions yun na magugustuhan mo. Kelangan ng mahabang proseso para madetermine mo yung empirical formula, pero hanggang pa nalang sguro at magingest ng quarter ventricle. Pa rin pa lang rin lang naman eh. Hindi ako sanay na may kaagaw sa pagkain. Dalawa lang kaming magkapatid at dati nauuto ko ang kapatid ko. Ngayon, ako yung pinagbibigyan ng kapatid ko. Umm, minsan lang naman ako sa bahay eh. Hmm oo nga no medyo mali. Pero swerte pa rin kasi minsan lang naman kami magkaroon ng shortage.

Addendum: ang galing na title ang "callousy"

Makakahanap ka naman (nakahanap) ng tao na magugustuhan ang ulam mo

Friday, January 13, 2006

maximum heart rate = 220-age


putanginang mundo ito ng kapitalismo. walang ibang ginawa sa buhay ng tao kundi gawin itong mas kumplikado. misguided ang progress natin. nagsisikap tayo to acquire more property, pero bakit natin gusto yon? lampas sa dahilan na "para mabuhay", nagsisikap tayo para makakuha ng mga ariarian na magpapadali ng buhay. ngunit ang hirap ng proseso natin para makakuha ng mga ariariang ito ay hindi kayang tapatan ng comfort na pangako ng mga makukuhang ariarian. at putanginang ulan ito, sinisira ang minsan kong pagkakataon upang humiwalay ng konti at saglit sa kagagawan ng kapitalismo.

alam nyo ba na mas maraming liesure time ang mga tao na nabubuhay ng simple (nangangalap, nangingisda, upang makakain). ang mga taong nabubuhay ng simple ay may mas maraming oras kesa sa taong nagtatrabaho sa opisina at kumikita ng 60k kada buwan, kahit na mas marami siyang nabiling kagamitan na nagpapadali ng buhay.

oo nga pala, salamat at binigyan nyo ako ng tao na katulad ni Riyeth. pakisabi sa kanya pasensya at kelangan kong ireject ang tawag nya. hindi ko pa nababasa yung message nya. natutuwa ako at may pakialam sya sa akin, at ayan nga kinukulit nya ako. naaappreciate ko yun, pero gusto kong gumawa ng sarili kong mundo saglit.

salamat at pinagbigyan nyo ako sa pagpigil ng ulan. pinakanta nyo pa yung mga ibon :)
gaya ng sinabi ko kanina, tatapusin ko lang talaga to, wag nyo lang muna hayaan mabasa ang mata ko at ang sinusulatan ko (na malaking produkto ng kapitalismo)

ang gulo ko no? eto ako at nagaaral ng ECE. dahil sa pagkakumplikado ng ECE kaya ako napagawa ng ganito eh. oo, labag ang kurso ko sa mga prinsipyong ito, pero pagbigyan nyo na ako. sobrang cool at astig ko kasi pag inhinyero na ako. atsaka buong buhay ko nasa siyudad ako. bi na nature sakin ang mabuhay ng ganun kasimple. kung gugustuhin ko yon napakalaking pagbabago nun sa buhay.

sorry namura ko pa ang ulan ha. alam ko naman na naiintindihan nyo kung bakit yun ang nararamdaman ko kanina.

onga pala alam kong may bahid pa rin ng kapitalismo itong swing at puno dito na ginagawa kong takasan. pero pede na to.

sige ayos na ako. itatago ko na to. pakipigil pa ng konti yung ulan. tatanggalin ko pa muna yung natitirang stress sa ulo ko. salamat uli

Tuesday, January 03, 2006

It's not so soft anymore

Wala namang special sa new year. It's an arbitrary date. Hindi ko maisip (o hindi ko pa alam) ang basis nung kung kelan nila sinimulan gamitin ang calendar system na ginagamit natin ngayon. Ang iniisip ko, since may B.C. (before the christian era, before christ was born), tapos may A.D. (Anno Domini)...

Ay teka nalaman ko na ata. According to my Lexisgoo Dictionary,

A.D.
in the Christian era; used before dates after the supposed year Christ was born

So 0 AD pinanganak si Jesus?

Siguro nga hindi arbitrary. Look up ko nga muna ang Gregorian Calendar

Gregorian Calendar
the solar calendar now in general use, introduced by Gregory XIII in 1582 to correct an error in the Julian calendar by suppressing 10 days, making Oct 5 be called Oct 15, and providing that only centenary years divisible by 400 should be leap years; it was adopted by Great Britain and the American colonies in 1752

Julian Calendar
the solar calendar introduced in Rome in 46 b.c. by Julius Caesar and slightly modified by Augustus, establishing the 12-month year of 365 days with each 4th year having 366 days and the months having 31 or 30 days except for February

Now I'm confused. Eh kung ang birth ni Jesus ay dineclare na December 25 sometime after 0 A.D... wha?! Kulang pa ako sa research (no net access ako this instance eh)

Ang Christmas
1. period extending from Dec. 24 to Jan. 6
2. a Christian holiday celebrating the birth of Christ; a quarter day in England, Wales, and Ireland

ay arbitrary (hula) date, kung papansinin nyo. Di nila alam ang date of birth ni Jesus kaya nanghula sila ng date (dito ako naguguluhan eh, di ba nga A.D.?). At base sa narinig ko sa radyo, sinabay nila ang Christmas sa isang pagan feast, to facilitate conversion (pagkatapos yun banggitin sa radyo napasabi ang tatay ko ng "tama, compromise"). At somehow naniniwala ako, in the same way na naniniwala ako na ang rosary ay adapted sa isang pagan tradition din.
[insert muslim prayer beads here]
Hindi naman pala totally arbitrary, pero mali pa rin ang basis

In the spirit of Christmas...
bah humbug, pero importante na malaman mo kung bakit mo ginagawa ang mga bagay. Kagaya ng halloween. Balita ko, masama ang sense ng halloween. Next research ko yan

Bah humbug, pero maluwag ko pa rin na sinecelebrate yan. Ayos kasi yung season na yan at nauuto nito ang mga tao na magget-together. nagrereunion ang mga tao, kumakain ng sabaysabay. yun na yung importance ng season sakin.

Di pa nga universal holiday ang Christmas eh. Naalala ko yung commercial last year (di ako nanood ng TV this recent vacation): HAPPY [insert holiday of choice here] to you! Couldn't have said it any better. Kaya siguro ang pamilya namin ay may prayer every new year, hindi Christmas. Pero loose pa rin ang basis eh.

Buti pa ang birthday. Pag birthday mo, naka-isang revolution na ang earth, at nasa approximately same orbital spot na uli ito. Di lang yon. A birthday means you have survived an annum (ayokong tawagin na year). Pagnakasurvive ka kasi ng isang annum, naexperience mo na halos lahat ng ibubuga ng nature, since most natural cycles are annual (or less).

Monday, January 02, 2006

Gumagana na uli ang email ko

Ang standard 3.5mm audio jack pala ay merong 3 terminals, 1 for each channel at isang common ground. I guess the same for the less standard 2.5mm audio jack, na unfortunately ginagamit ng O2 ko. 2.5mm earphones ang kasama nung binili ko telepono ko. bakit kasi hindi nagagree sa standard eh. most earphones, 3.5mm standard ang gamit. kaya kung nakalimutan ko earphones ko, di ako makakahiram bastabasta sa mga tao.

Pwede sana, na gumamit ako ng 2.5mm-3.5mm MF converter (respectively). At ganun nga ang ginagawa ko lately. nilagay ko yung converter sa wallet ko para di ko makakalimutan. At effective naman usually, bastat dala k yun. hindi lang ako sigurado na hindi namamangle nung adaptor yung channels, kung stereo pa rin ba ang naririnig ko. Nonetheless effective.

Pero ang gusto ko talaga mangyari, yung dulo ng 2.5mm earphones ko (just before the earpieces), puputulin ko at papalitan ko ng female 3.5mm jack. Para makagamit ako ng decent earphones (the stock earphones are crap). At nagsimula ang hunt ko para sa jack na yun. Lahat ng hardware stores, kahit Alexan, wala sila nun. Nito lang, dito sa Ohms, malapit lang samin, meron sila? Oye. 11 pesos.

[Kung matandaan mo, insert picture here]

pero narealize ko na mas effective pa rin yung unang adapter nalang. Mas madaling magdala nung adapter sa wallet kesa magdala ng earphones palagi.

Kung naiintindihan nyo/sinubukan intindihin (kahit na alam nyong walang katuturan ang sinasabi ko), itatanong nyo, bat kelangan ko pa putulin yung stock earphones at kabitan nung female jack? Kasi nga, the stock earpieces are crap.