Tuesday, October 10, 2006

para plegia

at 3am the chickens crow
mosquitoes bite
and phosphors glow

thirteen times, it never fails
inside my mind
something impales

at times when i'm lucky, a lone pig's squeal
across the street
a lady's shrill

i fall asleep, although it's late
i'm quite awake
i can't relate

there are things i can't comprehend
i close my eyes
but see through my eyelids

it reaches my head, i try to wake up
i wake up
it reaches my head

and the possession starts. i'm fed information
i try to escape
i fear the revelation

(then it slowly fades away)
(dogs bark)

what have i done wrong?
terrified not anymore
it has been happening for so long

thirty minutes ago the sun was bright
it always is

Wednesday, October 04, 2006

dilaan ang selyo, patakan ng luha

bumili ng sobre

lagdaan

dilaan ang mga selyo


huling pagkakataon

Monday, October 02, 2006

pekeng kape

Sabi ng tatay ko dati wag daw ako magkape kasi masama sa katawan ang caffeine. Hindi nga ako nagkape


Yung mga kape na nilalagyan ng pampatamis fake yun ok? Yang mga mahal na bilihan ng kape na yan, mga nagpapanggap lang. Nagkape ka pa kung lalagyan mo lang din ng pampatamis para mawala yung pait. Sana bumili ka nalang ng gatas na matamis. Bilib ako sa mga tao na umiinom ng totoong kape. Hindi ko alam kung bakit sila nasasarapan sa pait ng kape, pero iniinom talaga nila at nagugustuhan nila. Yan ang totoong kape na iniinom ng totoong tao.

living in a lie

kawawa naman ang san pedro


Sunday, October 01, 2006

Siguradong madaming magbblog tungkol sa bagyo at brownout

At etong post na ito ay katulad din ng post ng lahat ng tao. Sa post na ito ay magdadada ako tungkol sa kung gaano kalakas yung bagyo, kawalan ng pasok, at kung paano ako naghirap dahil walang telepono, computer, tubig at kuryente, kung gaano kaboring ang walang kuryente, kasi may pakialam talaga kayo dun eh.

E di naexperience nyo din ang magabstain sa telepono at TV. Hindi nyo ba naaapreciate na nagkasasama-sama kayong lahat kasi walang kuryente. Walang TV para manood mag-isa. Walang telepono para magbasa ng text na natatanggap ng lahat. Lumalabas ang baraha at nagpepekwa ang lahat. Naguusap ang lahat sa mukha. Lahat kayo nasa bahay. Hindi ka makapagPC kaya gumawa ka nalang ng importanteng bagay.
Dahil walang kuryente, napilitan ang kapatid ko na makipaglaro sa akin ng dots. Pinipilit nya nga ako na mag-billiards o mag monopoly o gumawa ng kahit ano pero dots yung ginawa namen kasi andito lang yung whiteboard at whiteboard marker. Atsaka kase nagaayos ako ng kwarto kaya hindi ko pinatulan yung billiards at monopoly. Kaya lang hindi pa natatapos ang pangalawang grid (yung unang 3x5 grid nga pala eh tie kami) eh biglang nagsigawan ang mga tao sa labas. Sumigaw ang tatay ko may kuryente na daw. Binuksan ang mga ilaw at hinipan ang mga kandila. Nagalit sa akin ang kapatid ko kasi gusto nya sya daw ang iihip ng kandila. Yan ang huling paglambing ng kapatid ko ngayong araw na to.

Nung walang kuryente nagguilty ako kasi hindi ako makapag-aral. Nang nagkakuryente naiinis ako at wala na akong excuse para hindi mag-aral.

In less than 30 seconds na nagkakuryente nawala ang kapatid ko. Nakita ko na lang na nakaharap sa laptop habang nagtetext habang bukas ang TV. Ako naman ay nagbukas ng laptop, nagsaksak ng telepono para magcharge at nag Iron Maiden. Nagtext. Walang sumasagot maliban kay mang Freddy (presidente ng spmtb). May ride bukas.