Tuesday, August 15, 2006

send n

Hindi ko pa rin masabi sayo. Ibig sabihin meron pa rin talaga. Sa lahat talaga ng tao sayo ako pinaka-nahihirapan kumausap. Napapansin mo naman siguro yung mga pagkakataon na wala talaga akong nasasabi. Yon normal yon. Yung mga panahon na nakakausap mo ako, malamang hindi ako yon. Wala ako sa sarili ko nun. paki-kulit nalang ako at paki-initiate ang conversation. May gusto kasi akong sabihin. Marami dapat akong sasabihin. Wag mo akong titigilan hanggat hindi ko nasasabi sayo.

Tamo. Ang dami ko pa dapat gagawin ngayon. May dalawang problem set pa. Pero nanghihinayang pa rin ako na pinalampas ko lang kanina yung pagkakataon ko na masabi ko na sayo yung dapat kong sabihin.

No comments: