Wednesday, July 12, 2006

happy birthday pj

11:43 na. Malapit na matapos ang birthday ko. Gusto ko na matulog. kahit na ayoko na tumanda, etong taon na ito ang pinakamaayos na birthday ko since 3 years. this time, naramdaman ko talaga na special ang araw na to. Sinisira nga siguro ng eee ang kaligayahan ng birthday ko, pero eto na yung best birthday ko since college.

Inaantok na ako. May nagtext. Makakatulog na kaya ako. Sana, nakalimutan lang talaga nya. Sana, umabot sya ng 11:59. Kahit siguro lampas ng hating gabi, basta bago mag-ala-una kasi automatic na mamatay ang telepono ko.
sana, busy lang talaga sya sa pagaaral. Sana, busy lang talaga sya sa pagaaral. Parang palagi. Sana, yun talaga ang dahilan. Tao din naman ako eh.
(pauses to check message)
11:53. 6 minutes. Kaya kong maghintay ng anim na minuto para sayo. Kaya kong maghintay ng isang taon para sayo. Kung itutuloy mo, kaya ko pang maghintay ng apat na taon pa. Sana lang malaman mo na may naghihintay. maghihintay ako. Di ko lang talaga masabi. Naghihintay pa rin kasi ako eh.
11:58
.....
11:59
................................................................................................ (heartbeat)
At natapos ang birthday ko. Sana tumigil nalang ang oras. At least alam ko na eventually, makakatulog din ako
Happy birthday PJ

Ps: if i made at least a little mark, if i were at least a little special. I tried to the most

No comments: