Sunday, April 30, 2006
Sunday, April 09, 2006
Nabibilib talaga ako kina coline at primo (prime, primi)
nagpaalam ako. hindi ako pinayagan. Delikado ang panahon. naguuwian sa probinsya etcetc. Delikado yung lugar. Matapos ang negotiations ("eh kelan ako pwedeng pumunta sa manila?" "hindi nalang ako lalabas kahit kelan?") pinayagan akong manood ng sine sa makati.
kaya ayon. nagayos ako, at nagcommute papuntang sm manila. inisip ko, 18 na ako. hindi na humihingi ang Philippine government ng authorization letter sa magulang na pinapayagan akong pumunta sa ibang bansa. sana man lang, reward sa pagiging legal age ang liberty. sa ibang bansa by legal age, hinahayaan na ng magulang na gawin ng anak ang kahit ano, pero oo alam ko, na kasama ng legal age, hindi na din binibigyan ng magulang ng financial support ang anak. Ako hanggang ngayon binibigyan pa rin. but still sana pwede akong gumala easily. yung tipong hindi kelangan magpaalam pa but rather MAGSABI LANG KUNG SAAN PUPUNTA.
nevertheless, nakarating sila doon sa sm manila by 3pm, as predicted. Ako, past 4 na, nasa LRT EDSA station palang ako. inaalala ko na since manonood kami ng sine, alamin na nila yung screening times. At sakto kasi sabi ni primi, 4:15-6:00 ung ice age 2. or so I think.
nakadating ako sa LRT central station past 4:30 na. hmm, hindi ko alam kung paano pumunta sa sm galing dun sa station. nagtext ako sa kanila "nandto na ako sa central station. Where is sm?". nagtanong ako sa jeepney driver kung nasaan ang sm. iniisip ko kasi baka kelangan ko pa magjeep papunta. Pero hinde, lakad lang derecho. nagmamadali akong pumasok, nagtanong sa guard kung nasaan ang sinehan at tumungo ako sa escalator papuntang 4th floor.
biglang may bumati sa akin habang nasa sarili kong mundo ako sa elevator. sina prime at coline. TURNS OUT NA PUPUNTAHAN NILA DAPAT AKO SA CENTRAL STATION. Wow. Mahabang litanya kung gaano kacritical na nagkta kmi, at kung paano kaya kung hindi kami nagkita.
Derecho kami sa sinehan. bili ng ticket at 70 pesos (ripoff) popcorn at pumasok sa cinema 4. After 30 minutes estimate, natapos ang ice age 2: the meltdown. it's all my fault naisip ko. Pero cinomfort pa rin ako ni coline. 5:10 pa lang nang natapos yung palabas. Turns out na cinocomfort lang din ako ni prime nang sinabi nya na 6:00 ang tapos (tama ba?), para hindi ako nagaalala nung papunta pa lang ako. Wow. Ambait nyo talaga sa akin :D
hinintay namin na magloop ung palabas, para mapanood namin yung simula.
kelangan ko nga pala makauwi by 7pm, kasi magsisimba kaming pamilya. Ang plano ko, umalis by 6:00. Pero nakakaaliw talaga yung quest para sa acorn at hindi pa rin ako umaalis. si coline pa talaga ang nagremind sa akin na kelangan ko na umalis. Wow, kung hindi nya sinabi yon, mageextend pa ako ng mageextend - not a good thing. Ako'y nagpaalam at uwuwi. LRT central station to EDSA station. switch to MRT line. Taft station to magallanes station (hindi sulit). bus to san pedro. Tricycle to bahay (note: bakit sobrang mahal ng tricycle ngayon? bente pesos, hindi pedeng hindi special?! Takte, 36 lang ang aircon bus mula san pedro hanggang magallanes).
Time: 7:50 pm
hindi na ako umabot sa misa. sayang yon, pero nagenjoy ako dun sa gala na yon. exciting ang public transportation. first time ko sa sm manila. nageenjoy ako kasama sina prime at coline.
next: baywalk sunrise. My kind of gala :)
Nahihilo pa rin ako sa popcorn. Damn msg
Saturday, April 08, 2006
summation of things learned, lost count
er, legal age na ako eh. Goal ng parents na mabigyan ng wisdom ang anak para gumawa ng magandang decisions by this age. Pero by this age dapat dn eh hndi na cla gumagawa ng decisions para sa anak nila. Para wala kang ibang masisisi o mauutangan ng loob kundi sarili mo. kelangan k nalang ng financial power at mappractice ko na to ng husto.
Minsan nga, mali na ako, kasi purposely pinipili ko ung options na hindi gusto ng magulang ko, para maprove sa sarili ko na sariling desisyon ko un. isa pa tong rason kung bakit ayokong magmedicine eh. kasi kung magmedicine ako, parang sinusunod ko lang ang gusto ng magulang ko. siguro kung itulak nila sa akin ang engineering mapapaisip ako na magshift sa medicine.
never follow. wag bumuntot. wag sunod ng sunod
stand up for yourself. kung ayaw ka nilang tabihan, wag kang umalis sa inuupuan mo para tumabi sa kanila. kung naiwanan ka nila, wag kang maghabol.
corollary dito, wag kang mangiiwan at tabihan mo kung sino man (naexplain ko na ata to dati)
entropy increases in everything
lahat ng bagay nagdedeteriorate. kotse, cell phone, tao. nothing will last forever. kaya importante na siguraduhing matibay ang mga hinges ng cell phone. notorious ang mga joints. Ang cogs sprockets chain, ang derailleur, bottom bracket. nagagasgas ang frame. nawawala ang elasticity ng balat, napupudpod ang joints, bumababa ang metabolic rate.
The human body is very adaptive (until telomerase says otherwise)
climb a hill. Mahirap? Gawin mo lang palagi at eventually sisiw na lang yun. hmm, almost anything, gawin mo lang palagi ang isang bagay masasanay at masasanay ang katawan mo.
The simpler the better. The best
napakalakas ng nostalgia ko. I wished I lived during the yes years, nung wala pang internal combustion engine, nung hindi pa pressured into industrialization ang pilipinas. nung hindi pa malakas ang epekto ng capitalism. Ang plastic ko no, eto ako, nagaaral upang maging inhinyero ng electronics and communications. lahat din ng mga magagaling na musikero nabuhay dati. kaya nga puro revivals tayo ngayon eh. "covering dry".
I miss you
kelan tayo magkakausap uli
ask for receipt
Monday, April 03, 2006
the sky turns green
sige systematic account nalang
.
.
.
hindi din eh. wala talagang lumalabas.
basta, pinlano namin nina primi(tivo) at coline na manood ng sunset sa manila bay. ala debauchery, pero less preparation pero more concrete planning. buti naman at pareho kami ni coline na may prublema sa punctuality* kaya halos sabay lang kami nagkitakita. nagkita kami sa labas ng magallanes mrt station (kahit na dapat sa loob nalang sila naghintay para di nila kelangan magbayad uli).
not going quite well
nakakita kami ng brightly colored turtle, inusisa namin kaya napadpad kami sa children's playground, kung saan 10 pesos ang entrance, at pwede mong hindi ihulog yung ticket para magawa mo tong souvenir (pero napunit ko na yung akin nang nalaman ko na pede pala namin matago).
alam kong corny (kurne) tong sasabihin ko, pero masayang magpakabatang isip sa playground. totoy no, pero masaya ako sa ganyan eh.
alam naman natin lahat na ang kulay ng sky ay dahil sa scattering ng white light. alam na natin na blue ang langit kapag tanghali, orange pag hapon, violet pag gabi. pero bakit walang green? red, orange, yellow, magkakalapit yan. blue, indigo, violet. pero green? pero meron pala. nito ko lang nalaman.
napakamomentous talaga ng araw na to.
pero pinakanatutuwa ako at meron akong mga bagong nakilala na tao na naiisip na hingin ang ticket para gawing souvenir, na hindi nahihiya at natutuwa pa nga na pumasok sa giant pumpkin, umusisa sa anatomically incorrect dinosaurs, dumaan sa bridge kahit na may mga unexplainable residents doon, pumasok sa puwet ng hippopotamus at lumabas sa bibig, pumasok sa mapangheng turtle (yung nakita namin sa labas) at hindi magreklamo, pumayag magslide na sabaysabay kaming tatlo, matuwa (?) nang makita na may panirang factory sa luneta park view, makuntento sa hamburger at c2, makakwentuhan tungkol sa pagkain hanggang mamiss na ang sunset, MAKUNTENTO SA GREEN SUNSET, mapaniwala at mainteresa na kapag nasa loob ka ng US embassy, pwede mong sabihin na nasa US ka, mapilit bumaba sa shore kahit na mahihirapan umakyat. wow. may mga tao palang ganito.
pauwi, sasakay ako sa LRT, tapos lipat sa MRT hanggang sa Ayala station. pwede nga sana akong bumaba sa Magallanes station pero sa Ayala pa rin ako bumaba kasi mas madaling sumakay sa Ayala. nang tumigil na sa Ayala station yung MRT, sobrang daming taong pumasok, at hindi ako makalabas! sumasarado na yung pinto, pero hindi yon makasara kasi sobrang siksikan na sa MRT, may maiipit na tao pagsumara yung pinto. hindi pa rin ako makalabas. sabi ko, "lalabas po. lalabas po". pinagbigyan naman ako at nakalabas din. astig, kung hindi nakaharang yung tao e di nagsarado yung pintuan at sa buendia ako bababa. ako nga lang pala ang bumaba dun sa ayala station. malamang, sino ba naman kasi ang sasakay sa taft tapos bababa sa ayala
*tama ata yung notion ko na may kinalaman ang affinity ko sa taoism sa punctuality ko, salamat sa Tao of Pooh. mukhang nagaagree si coline na nainstill sa amin ang virtue ng, er, di ko maalala yung tamang term. basta hindi kami napapamadali kahit na mallate na. er mali. er.akfshujksfajajka
Saturday, April 01, 2006
Monday, March 20, 2006
discourse
pero hindi yan ang pinaka-pinanghihinayangan ko. dati, hindi ko maintindihan yung mga tao na nawawalan ng gana mag-aral kasi bumabagsak din anyway. ngayon nararamdaman ko na yun. i don't deserve this. matalino ako. linya ko to eh. nakakainis kasi hindi nasusukat properly ang understanding namin. walang pinagkaiba ang results ng paghihirap ko sa results ng iba na nakakuha pa ng panahon para sa ibang bagay.
pero does this stop me from studying conscientiously?
heck no. dapat hindi
kanina ko lang naisip na nasabi ko all along ang justification ng hirap ko. hindi namemeasure ng exams adequately ang understanding namin. aalalahanin ko lang uli kung bakit ako nagaaral - para matuto, makadevelop ng skills, at hindi para makakuha ng mataas na grades. as long as geared towards being a good engineer ang ginagawa ko, walang dapat magppressure sa akin otherwise: ang comparative standing ko, ang effort/results ratio ko compared sa ibang tao...
lahat to essential part ng pagiging engineer, much more electrical and electronics engineer.
gusto ko lang naman maging magaling na engineer. no shortcuts, all passion
ps: napepressure ba ako na magaral? not the least. nagaaral ako kasi kelangan kong magaral. gusto kong magaral kasi investment to para maging malupit na engineer.
*hindi against my will ang hindi ko panonood ng TV. walang TV sa boarding house, at kahit meron pa, hindi ko yun bubuksan. bakit? nabanggit ko na ata sa isang post ko. may kinalaman sa masamang values na hindi nafifilter-out sa TV. i.e., mukhang sosyal pero 'di mahal
on the average meron akong 2 hours of TV per week, at iniiwasan kong manood ng TV kung wala lang din akong kasama.
Thursday, March 16, 2006
I’m not happy. I wanna end this
stupid world. internal combustion engine. hindi na ako maniniwala sa
sasabihin mo. capitalists. unfair. nurture vs. nature. Trans fats.
capital. Time. Profit. Mmm profit. lichen massacre. unfair. unfair.
unfair. crab but unfair. insufficient lighting. Telomerase
degradation.
I wonder why. The spirit (must) carry on. none to live for. The city
smells like nothing rural. bowel made me go home. Disappointed me.
Advanced time. eating white meat. This priority over food. spill my
water. chew your food well out of proportion.
I wanna die demmet. Pag mga ganitong pagkakataon nakakahanap lang ako
ng comfort pag alam kong may ibang tao na nakakaalam na may prublema
ako. Sa malaking parte kasi ng buhay ko, wala akong karamay. Wala
akong makaramay. Ayokong sabihin sayo to kasi lalo ka lang magaalala.
Monday, March 13, 2006
Sunday, March 05, 2006
Monday, February 20, 2006
zero and the indeterminate forms
Wednesday, Feb. 15, 2006
(sms) “ate cj, paconfirm po sa climb this Saturday”
(reply) “hindi po pwede puno na”
(ako) “talaga po bang hindi na pwede sumingit?”
(ate cj) “hindi na po”
Watda. Ang dami namang aakyat. Hindi na kasya.
Friday, Feb. 17, 2006
(ate cj) “may slot na po. Tutuloy pa rin po ba kayo?”
end of prologue
May tumawag sa cellphone ko. Nagising ako. Nasa pick-up point na daw sila. Buti at naayos ko na ang mga gamit ko kaya ang ginawa ko nalang ay naghilamos, toothbrush, bitbit gamit at takbo palabas. Nang malapit na ako sa ikot-stop tumawag uli sila. Ngayon alam ko na – sasagutin ko to dapat at sasabihin na sobrang lapit ko na. kaya lang ang tagal bago ko nahugot ang telepono ko. 1 missed call. Sure enough wala na uling sasakyan pagdating ko sa ikot-stop. Nagtext ako at nagsabi na magiikot nalang ako papuntang Vinzon’s. Nagulat ako pagdating ko dun kasi kakatapos lang ng fair at ang daming tao. Nakita ko ang Trooper. Pagpasok ko sa loob sabi sakin ni Goldie, “himala, maaga ka ngayon”. May hinihintay pa pala kami. Makalipas ang ilang sandali dumating na si Joyce. Mayamaya ay lumakad na kami.
Nagtaka ako. Tinanong ko kay ma’am luly na nakaupo sa passenger’s seat “ma’am, nasaan po ang jeep? Ilan po kaming aakyat ngayon?”. Walang jeep. Konti lang kaming aakyat. May dalawa nalang na dadaanan sa may SM. Wow, ang konti lang namin. Akala ko sobrang dami namin. Nagkataon pa na hindi sumipot yung mga dadaanan sa SM. Apat lang kami.
Apat lang kami at sa kanawan kami. Sa high school sana si Joyce kaya lang mag-isa lang sya, kaya sumama na din sya sa kanawan.
Game of life…
Sa hanging-bridge pa lang sinalubong na kami nina Cynthia. Ang dami nilang kinukwento sa amin. May ahas daw silang nakita. Naniwala naman kami (pero hindi naman masyadong natakot), pero kasi nambabarbero lang pala sila. Marunong pala sila nun.
Sa lahat ng akyat namin, ito ang pinaka-organized, well-planned at well-executed. Successful yung activities namin. Di ko maitatanggi na magaling at cooperative ang mga groupmates ko. And more. Sobrang eager ng mga kids at sila mismo ang nagpprisinta na gawan ko sila ng mga tanong sa multiplication at division. Si Angela pa nga, naturuan ko ng:
- division of a number by 1 i.e. 3/1 = 3
- division of a number by itself i.e. 3/3 =
- division of a number by 0 i.e. 3/0 = infinity ∞
- zero over zero division 0/0 = indeterminate
Malamang pag-uwi Trooper din ako
Tuesday, January 31, 2006
post mortem
Oras ng klase: 3:00pm
Meeting time: 7:00am
Alarm clock: 6:00am
Snooze: 30mins
6:30am: pinatay ang alarm
Gising: 7:10am
Preparation:
- helmet: loosen strap shades: clear lens bag: hydration pack filled with water spare interior
- puncture repair kit
- crankbrothers multi-purpose tools
- spare lenses ng shades
- bihis:
- cycling shorts
- blue jersey
- shorts (na pinang-tulog)
- shoes: Oakley Radar Lock
- gloves: nakadikit sa bag pero natanggal yung isa kaya wag nalang
- nutrition: isang pandesal kina lola
- stretching: hamstrings, quadriceps
- paalam kay papa (umalis na si mama. Si Janna (happy bday) may pasok)
(estimate lang kasi wala akong dinalang orasan)
Magca-carmona trail kami ng nakilala kong nagmmountain-bike din (nakalimutan ko pangalan nya.. Nakilala talaga eh). Hindi na nya ata ineexpect na dadating ako at inindyan ko na sya, pero hinde, dumating ako, 1 hour late. Tuloy kami sa Carmona trail.
On the way (road work), sinusubukan kong paangatin yung likod na gulong. kasama yun ng wheelie, bunny hop etc. na useful tricks sa bike. Hindi ko pa nga magawa eh. Basta tatayo sa bike, tapos tatalon, tapos tataas na yung likod na gulong. So sinubukan ko. Kaya lang pagtalon ko nahulog ako sa pedal at bumagsak ang pwet ko sa upuan. Masakit sa ano eh.
Nakarating kami sa paanan ng bundok. May umugong na baka, pero di namin nakita mismo kung saan. May nadaanan kaming hukay sa lupa na puno ng putik, yun bang hinihigaan at pinagpapaliguan ng mga kalabaw. Galing eh. Meron pala talagang ganun.
Paakyat ng bundok, sobrang maputik. Ilang beses din kaming bumaba kasi di talaga kayang i-bike. Madulas kasi sobrang maputik. Kapag mabagal ang takbo, lumalabo yung shades. Parang nagfofog. Kaya tinanggal ko muna at sinabit sa leeg kasi nahihirapan ako makakita. Pagdating sa taas, wala na sa leeg ko yung antipara! Malamang, tanga ba naman kasi na sabit sa leeg, eh andaling mahulog nun. Buti nalang napulot nung kasama ko. Buti nalang binalik nya sakin. Kaya lang may gasgas na yung lens. Pero di naman yun halata kapag suot na.
Sa tuktuk kasi ng bundok, madaming bahayan. May ilang tindahan pa nga eh, kasi malimit talaga ang mga nagmmountain-bike dun sa lugar. Hindi pa nagaalmusal ang kasama ko kaya bumili sya ng tinapay. Sampung-piso. Mahal. Pero pagbigyan na natin yung tubo nila kasi mahirap talagang akyatin yung bundok. Takte mataas din yun. Nabanggit ko na simple ang buhay nung mga tao sa taas. Sabi nya, ung mga bata daw dun, nagaaral sa isang school sa baba. Apat na oras (ata, basta oras) nilang inaakyat-baba yung bundok para pumasok. Nakwento nung kaibigan ko na isang beses habang nagba-bike sila sa bundok sa Santa Rosa may nakasalubong silang mga sundalo sa makitid na daan. Di-baril lahat. M-16. Nagroronda lang. Sabi ko, wala naman sigurong NPA dun sa bundok. Aba, sabi nya siguradong meron daw. Papuputol nya ang kamay nya kung wala. Ganun pala ka-ubiquitous ang mga NPA sa bundok.
Ang daan namin paakyat, yun din ang daan namin pababa. First time kung gagawin yun, kasi di masyadong nag-t-thrill-ride yung mga tito ko. Relaxed, cross country lang. Narealize ko kanina kung gaano kasweet ang disc brakes, lalo na kung hydraulic. Pero kung mechanical brakes, ayos lang. Mas gusto ko pa nga yun kasi worry-free. Reliable. Anyway, sumemplang ako pababa, kasi madulas talaga ang putik. Pero di naman ako nainjure. Putik nga kasi yung daan, kaya naputikan lang ako. First time ko sumemplang sa trail. Fun.
On the way down, observed ang proper brake modulation - wag mag-brake kapag technical yung course, kasi mawawalan ng traction. Basta yun. Sarap ng downhill, lalo na kasi yun ang reward ng uphill climbing.
Natagtag ng downhill ang derailleurs ko. Di na swabe ang shifting. Kylangan i-readjust.
Nakarating kami sa baba nang hindi masyadong nasasaktan. Inenjoy namin yung talsikan ng putik habang mabilis sa road. Nagkayayaan kami sa isang maiksing trail. Konting detour lang. Doon naintindihan ko na yung sinasabi nyang "yosi" tuwing dumadaan kami doon. Akala ko kung anong yosi yun. May tambakan kasi ng basura kaming nadadaanan. At yung basurang yun pala ay mga imported na sigarilyo. Nung una nga di ako naniniwala hanggang sa madaanan namin ang nakatapong isang buong pakete ng hindi gamit na sigarilyo. Imported pa nga daw. Ang dami nun. At malapit sa creek.
Things learned:
1) wag isasabit ang shades sa leeg habang nagbibike (lalo na kung downhill). dapat siguro ikabit ko na yung strap.
2) halos lahat ng bundok ay may NPA
3) merong illegal expired tobacco-dumping operation malapit sa southwoods, katabi ng isang creek. Ang galing talaga eh. Malapit sa water supply.
4) look ahead
5) importante ang gloves
Monday, January 23, 2006
mokommokom, tikomtikom
Tumawag ako. Nalaman ko na dumerecho na sila sa Vinzon’s. ayon. Sige magjjeep nalang ako papunta dun. Tamang-tama may paalis na jeep. Pagdating ko sa Vinzon’s nakita ko yung Trooper. Nakita ko sina Andre. Nagulat ako at pwede pala akong makasakay sa Trooper. Yung gamit ko iniwan ko sa jeep.
Hindi ako nakakaattend ng mga Wednesday pre-planning sessions kasi may PE class ako ng ganung oras. Kaya nung una kong akyat, wala pa akong group. Hindi ko pa alam kung saan ba ako – high school, kanawan, mabayo o fisherfolks. Nalaman ko na sa mga nabanggit, hindi formal teaching sa kanawan. Hindi ko kasi kakayanin na maghandle ng isang buong klase, much more magturo ng lesson. Kaya kanawan nalang ang pinili ko.
Unang beses ako dadaan sa hanging-bridge. Pagdating naming sa taas ang dami na agad sumalubong sa amin. Ineexpect na ata nila kami. Nakadagdag sa pagdatingan ng mga bata ang pakikipag-laro namin sa kanila ng basketball at sa pagpicture-taking namin. Andyan si Cynthia, magaling daw sya kumanta at kinantahan nya kami. Magaling sya kumanta. Kami mismong mga umakyat ay hindi magkakakilala, kaya nagkaroon pa ng konting panahon bago kami naging kumportable sa isa’t-isa, at syempre pati na rin sa mga bata. Karamihan kasi sa amin ay first timers.
Si kuya Borms ang naglead ng mga activities na ginawa namin dun sa taas. For most of the part, sumasali lang kami sa mokom-mokom-tikom-tikom at opening the basket. Nakinood lang kami sa storytelling ni prime.
Pero eto yung nagpasaya sa buong trip eh. Hindi ko alam kung ano ang meron kina Cynthia, Heidi, Esperanza, Janjan et.al., pero naenjoy ko yung pakikipagusap sa kanila. Hindi naman kasi talaga ako magaling sa tao. Mahina ang interpersonal skills ko. Pero hindi ko alam kung ano ang meron sa kanila at nakakausap ko sila. natutunan ko yung iba't-ibang paraan ng pagluto nila ng aso. May sinigang. May prito. May inihaw. Kasama sa luto yung ulo. Yung buntot. Nakwento ko kung saan ako nakatira - sa buwan, kung saan walang hangin at may bakal sa ngipin ang mga tao. Para makapunta sa buwan, sasakay ng jeep at dadaan sa expressway. Nakaampon din ako ng maramiraming bata. Si Cynthia kumakain ng gulay, pero si Janjan noodles ang paborito.
Pauwi, habang papunta ako sa mga sasakyan, sabi nung mga nasa jeep “swerte kayo at feel namin lahat na magTrooper”. Ayos. Trooper uli ako.
May nadaanan kaming mga unggoy habang nasa may Subic may pictures pa nga sana ako eh*.
*may pictures ako nung climb na ‘to kaya lang nawala yung memory card ng telepono ko. Mangangalap pa ako ng pictures ng ibang tao kaya next time nalang
Saturday, January 21, 2006
callousy
Di kasi naggloves eh. Maganda yung may certain balance ng seriousness at fun na match sayo eh. Either lumalabas yung negative kasi hindi seryoso and/or lalabas yung positive kapag seryoso na. Iba yung naeenjoy mo yung ingay, yung discourse, pero mas malupit kung naeenjoy mo yung silence. Tapos may tamang proportions yun na magugustuhan mo. Kelangan ng mahabang proseso para madetermine mo yung empirical formula, pero hanggang pa nalang sguro at magingest ng quarter ventricle. Pa rin pa lang rin lang naman eh. Hindi ako sanay na may kaagaw sa pagkain. Dalawa lang kaming magkapatid at dati nauuto ko ang kapatid ko. Ngayon, ako yung pinagbibigyan ng kapatid ko. Umm, minsan lang naman ako sa bahay eh. Hmm oo nga no medyo mali. Pero swerte pa rin kasi minsan lang naman kami magkaroon ng shortage.
Addendum: ang galing na title ang "callousy"
Makakahanap ka naman (nakahanap) ng tao na magugustuhan ang ulam mo
Friday, January 13, 2006
maximum heart rate = 220-age

putanginang mundo ito ng kapitalismo. walang ibang ginawa sa buhay ng tao kundi gawin itong mas kumplikado. misguided ang progress natin. nagsisikap tayo to acquire more property, pero bakit natin gusto yon? lampas sa dahilan na "para mabuhay", nagsisikap tayo para makakuha ng mga ariarian na magpapadali ng buhay. ngunit ang hirap ng proseso natin para makakuha ng mga ariariang ito ay hindi kayang tapatan ng comfort na pangako ng mga makukuhang ariarian. at putanginang ulan ito, sinisira ang minsan kong pagkakataon upang humiwalay ng konti at saglit sa kagagawan ng kapitalismo.
alam nyo ba na mas maraming liesure time ang mga tao na nabubuhay ng simple (nangangalap, nangingisda, upang makakain). ang mga taong nabubuhay ng simple ay may mas maraming oras kesa sa taong nagtatrabaho sa opisina at kumikita ng 60k kada buwan, kahit na mas marami siyang nabiling kagamitan na nagpapadali ng buhay.
oo nga pala, salamat at binigyan nyo ako ng tao na katulad ni Riyeth. pakisabi sa kanya pasensya at kelangan kong ireject ang tawag nya. hindi ko pa nababasa yung message nya. natutuwa ako at may pakialam sya sa akin, at ayan nga kinukulit nya ako. naaappreciate ko yun, pero gusto kong gumawa ng sarili kong mundo saglit.
salamat at pinagbigyan nyo ako sa pagpigil ng ulan. pinakanta nyo pa yung mga ibon :)
gaya ng sinabi ko kanina, tatapusin ko lang talaga to, wag nyo lang muna hayaan mabasa ang mata ko at ang sinusulatan ko (na malaking produkto ng kapitalismo)
ang gulo ko no? eto ako at nagaaral ng ECE. dahil sa pagkakumplikado ng ECE kaya ako napagawa ng ganito eh. oo, labag ang kurso ko sa mga prinsipyong ito, pero pagbigyan nyo na ako. sobrang cool at astig ko kasi pag inhinyero na ako. atsaka buong buhay ko nasa siyudad ako. bi na nature sakin ang mabuhay ng ganun kasimple. kung gugustuhin ko yon napakalaking pagbabago nun sa buhay.
sorry namura ko pa ang ulan ha. alam ko naman na naiintindihan nyo kung bakit yun ang nararamdaman ko kanina.
onga pala alam kong may bahid pa rin ng kapitalismo itong swing at puno dito na ginagawa kong takasan. pero pede na to.
sige ayos na ako. itatago ko na to. pakipigil pa ng konti yung ulan. tatanggalin ko pa muna yung natitirang stress sa ulo ko. salamat uli
Tuesday, January 03, 2006
It's not so soft anymore
Wala namang special sa new year. It's an arbitrary date. Hindi ko maisip (o hindi ko pa alam) ang basis nung kung kelan nila sinimulan gamitin ang calendar system na ginagamit natin ngayon. Ang iniisip ko, since may B.C. (before the christian era, before christ was born), tapos may A.D. (Anno Domini)...
Ay teka nalaman ko na ata. According to my Lexisgoo Dictionary,
A.D.
in the Christian era; used before dates after the supposed year Christ was born
So 0 AD pinanganak si Jesus?
Siguro nga hindi arbitrary. Look up ko nga muna ang Gregorian Calendar
Gregorian Calendar
the solar calendar now in general use, introduced by Gregory XIII in 1582 to correct an error in the Julian calendar by suppressing 10 days, making Oct 5 be called Oct 15, and providing that only centenary years divisible by 400 should be leap years; it was adopted by Great Britain and the American colonies in 1752
Julian Calendar
the solar calendar introduced in Rome in 46 b.c. by Julius Caesar and slightly modified by Augustus, establishing the 12-month year of 365 days with each 4th year having 366 days and the months having 31 or 30 days except for February
Now I'm confused. Eh kung ang birth ni Jesus ay dineclare na December 25 sometime after 0 A.D... wha?! Kulang pa ako sa research (no net access ako this instance eh)
Ang Christmas
1. period extending from Dec. 24 to Jan. 6
2. a Christian holiday celebrating the birth of Christ; a quarter day in England, Wales, and Ireland
ay arbitrary (hula) date, kung papansinin nyo. Di nila alam ang date of birth ni Jesus kaya nanghula sila ng date (dito ako naguguluhan eh, di ba nga A.D.?). At base sa narinig ko sa radyo, sinabay nila ang Christmas sa isang pagan feast, to facilitate conversion (pagkatapos yun banggitin sa radyo napasabi ang tatay ko ng "tama, compromise"). At somehow naniniwala ako, in the same way na naniniwala ako na ang rosary ay adapted sa isang pagan tradition din.
[insert muslim prayer beads here]
Hindi naman pala totally arbitrary, pero mali pa rin ang basis
In the spirit of Christmas...
bah humbug, pero importante na malaman mo kung bakit mo ginagawa ang mga bagay. Kagaya ng halloween. Balita ko, masama ang sense ng halloween. Next research ko yan
Bah humbug, pero maluwag ko pa rin na sinecelebrate yan. Ayos kasi yung season na yan at nauuto nito ang mga tao na magget-together. nagrereunion ang mga tao, kumakain ng sabaysabay. yun na yung importance ng season sakin.
Di pa nga universal holiday ang Christmas eh. Naalala ko yung commercial last year (di ako nanood ng TV this recent vacation): HAPPY [insert holiday of choice here] to you! Couldn't have said it any better. Kaya siguro ang pamilya namin ay may prayer every new year, hindi Christmas. Pero loose pa rin ang basis eh.
Buti pa ang birthday. Pag birthday mo, naka-isang revolution na ang earth, at nasa approximately same orbital spot na uli ito. Di lang yon. A birthday means you have survived an annum (ayokong tawagin na year). Pagnakasurvive ka kasi ng isang annum, naexperience mo na halos lahat ng ibubuga ng nature, since most natural cycles are annual (or less).
Monday, January 02, 2006
Gumagana na uli ang email ko
Ang standard 3.5mm audio jack pala ay merong 3 terminals, 1 for each channel at isang common ground. I guess the same for the less standard 2.5mm audio jack, na unfortunately ginagamit ng O2 ko. 2.5mm earphones ang kasama nung binili ko telepono ko. bakit kasi hindi nagagree sa standard eh. most earphones, 3.5mm standard ang gamit. kaya kung nakalimutan ko earphones ko, di ako makakahiram bastabasta sa mga tao.
Pwede sana, na gumamit ako ng 2.5mm-3.5mm MF converter (respectively). At ganun nga ang ginagawa ko lately. nilagay ko yung converter sa wallet ko para di ko makakalimutan. At effective naman usually, bastat dala k yun. hindi lang ako sigurado na hindi namamangle nung adaptor yung channels, kung stereo pa rin ba ang naririnig ko. Nonetheless effective.
Pero ang gusto ko talaga mangyari, yung dulo ng 2.5mm earphones ko (just before the earpieces), puputulin ko at papalitan ko ng female 3.5mm jack. Para makagamit ako ng decent earphones (the stock earphones are crap). At nagsimula ang hunt ko para sa jack na yun. Lahat ng hardware stores, kahit Alexan, wala sila nun. Nito lang, dito sa Ohms, malapit lang samin, meron sila? Oye. 11 pesos.
[Kung matandaan mo, insert picture here]
pero narealize ko na mas effective pa rin yung unang adapter nalang. Mas madaling magdala nung adapter sa wallet kesa magdala ng earphones palagi.
Kung naiintindihan nyo/sinubukan intindihin (kahit na alam nyong walang katuturan ang sinasabi ko), itatanong nyo, bat kelangan ko pa putulin yung stock earphones at kabitan nung female jack? Kasi nga, the stock earpieces are crap.
Friday, December 30, 2005
kriakoiwikiirakow!i
Mnsan naspi koi ang sang coinditioin kungi saani
iiiiiiiiiiiiiiiiipapasok sa isip iko na imaigpakamatay na lang. ihinddi
naman ako depressed nung panahon na yon, may pumasok lang na matinding
“what if” sa buhay ko. Naimagine ko ang isang sitwasyon na totally
helpless sa akin, tapos kung mangyari sakin yon eh siguradong papasok sa
isip ko na magpakamatay nalang. May prinsipyo kasi ako sa buhay, may
goals na nakaset, at kung imposible ko nang magawa yon, ika nga ng
teacher ko sa anthropology, eh wala ka nang saysay, na kahit hindi ka
nabuhay sa mundo ayos lang.
Ganito lang talaga ako kapessimistic. Kung kilala nyo talaga ako/binasa
at inintindihan nyo lahat ng blog ko maiintindihan nyo kung bakit ko
gusto palaging isipin na may masamang bagay na mangyayari.
Tuesday, December 27, 2005
wihtei noiseiiiiiiiiiiiiiiiiiii
Bilib ako dun sa mga tao na kilala na nila sarili nila. Minsan, meron tao na mas kilala pa ng ibang tao kesa ng sarili nila.
Ako, eto, nabuko ng lyrics. Hmm, dahil sa mga tao na magaling kumilala ng ibang tao, mukhang ako ay isang selfish at jealous na tao. Tapos, self-centered pa, dapat center ng attention. Bitter, tuso at hindi trusting.
Pero, laid back naman. Namulat ako sa Taoism kaya natuto ako na hindi magworry. Cool lang, relax. Slack off. Do it when you want it. Do not be obliged to do something. Kaya ata cindi ako susceptive sa readings sa school kasi pressured to read ako. Yun, let everything pass. Do not let pressure build up. sana lang talaga natatandaan ko ito palagi. Minsan nawawala sa focus.
Tapos, happiness. Happiness, is not a fish...













