Friday, January 13, 2006

maximum heart rate = 220-age


putanginang mundo ito ng kapitalismo. walang ibang ginawa sa buhay ng tao kundi gawin itong mas kumplikado. misguided ang progress natin. nagsisikap tayo to acquire more property, pero bakit natin gusto yon? lampas sa dahilan na "para mabuhay", nagsisikap tayo para makakuha ng mga ariarian na magpapadali ng buhay. ngunit ang hirap ng proseso natin para makakuha ng mga ariariang ito ay hindi kayang tapatan ng comfort na pangako ng mga makukuhang ariarian. at putanginang ulan ito, sinisira ang minsan kong pagkakataon upang humiwalay ng konti at saglit sa kagagawan ng kapitalismo.

alam nyo ba na mas maraming liesure time ang mga tao na nabubuhay ng simple (nangangalap, nangingisda, upang makakain). ang mga taong nabubuhay ng simple ay may mas maraming oras kesa sa taong nagtatrabaho sa opisina at kumikita ng 60k kada buwan, kahit na mas marami siyang nabiling kagamitan na nagpapadali ng buhay.

oo nga pala, salamat at binigyan nyo ako ng tao na katulad ni Riyeth. pakisabi sa kanya pasensya at kelangan kong ireject ang tawag nya. hindi ko pa nababasa yung message nya. natutuwa ako at may pakialam sya sa akin, at ayan nga kinukulit nya ako. naaappreciate ko yun, pero gusto kong gumawa ng sarili kong mundo saglit.

salamat at pinagbigyan nyo ako sa pagpigil ng ulan. pinakanta nyo pa yung mga ibon :)
gaya ng sinabi ko kanina, tatapusin ko lang talaga to, wag nyo lang muna hayaan mabasa ang mata ko at ang sinusulatan ko (na malaking produkto ng kapitalismo)

ang gulo ko no? eto ako at nagaaral ng ECE. dahil sa pagkakumplikado ng ECE kaya ako napagawa ng ganito eh. oo, labag ang kurso ko sa mga prinsipyong ito, pero pagbigyan nyo na ako. sobrang cool at astig ko kasi pag inhinyero na ako. atsaka buong buhay ko nasa siyudad ako. bi na nature sakin ang mabuhay ng ganun kasimple. kung gugustuhin ko yon napakalaking pagbabago nun sa buhay.

sorry namura ko pa ang ulan ha. alam ko naman na naiintindihan nyo kung bakit yun ang nararamdaman ko kanina.

onga pala alam kong may bahid pa rin ng kapitalismo itong swing at puno dito na ginagawa kong takasan. pero pede na to.

sige ayos na ako. itatago ko na to. pakipigil pa ng konti yung ulan. tatanggalin ko pa muna yung natitirang stress sa ulo ko. salamat uli

No comments: