Monday, April 03, 2006

the sky turns green

aahh, walang lumalabas sa isip ko. pero madami dapat akong dapat sabihin. kelangan kong masabi yung tungkol sa children's playground, green sky blending sunset, pagasam na manatiling bata at kasiyahan na magpakabata, sa cosmetic attempt ni lito atienza, sa unknown critters sa may seaside (akala ko ipis, pero hindi eh. more than six legs daw eh. sabi nila, malabo kasi mata ko eh, hindi ko maclaim yun)

sige systematic account nalang
.
.
.
hindi din eh. wala talagang lumalabas.

basta, pinlano namin nina primi(tivo) at coline na manood ng sunset sa manila bay. ala debauchery, pero less preparation pero more concrete planning. buti naman at pareho kami ni coline na may prublema sa punctuality* kaya halos sabay lang kami nagkitakita. nagkita kami sa labas ng magallanes mrt station (kahit na dapat sa loob nalang sila naghintay para di nila kelangan magbayad uli).

not going quite well

nakakita kami ng brightly colored turtle, inusisa namin kaya napadpad kami sa children's playground, kung saan 10 pesos ang entrance, at pwede mong hindi ihulog yung ticket para magawa mo tong souvenir (pero napunit ko na yung akin nang nalaman ko na pede pala namin matago).
alam kong corny (kurne) tong sasabihin ko, pero masayang magpakabatang isip sa playground. totoy no, pero masaya ako sa ganyan eh.

alam naman natin lahat na ang kulay ng sky ay dahil sa scattering ng white light. alam na natin na blue ang langit kapag tanghali, orange pag hapon, violet pag gabi. pero bakit walang green? red, orange, yellow, magkakalapit yan. blue, indigo, violet. pero green? pero meron pala. nito ko lang nalaman.

napakamomentous talaga ng araw na to.
pero pinakanatutuwa ako at meron akong mga bagong nakilala na tao na naiisip na hingin ang ticket para gawing souvenir, na hindi nahihiya at natutuwa pa nga na pumasok sa giant pumpkin, umusisa sa anatomically incorrect dinosaurs, dumaan sa bridge kahit na may mga unexplainable residents doon, pumasok sa puwet ng hippopotamus at lumabas sa bibig, pumasok sa mapangheng turtle (yung nakita namin sa labas) at hindi magreklamo, pumayag magslide na sabaysabay kaming tatlo, matuwa (?) nang makita na may panirang factory sa luneta park view, makuntento sa hamburger at c2, makakwentuhan tungkol sa pagkain hanggang mamiss na ang sunset, MAKUNTENTO SA GREEN SUNSET, mapaniwala at mainteresa na kapag nasa loob ka ng US embassy, pwede mong sabihin na nasa US ka, mapilit bumaba sa shore kahit na mahihirapan umakyat. wow. may mga tao palang ganito.

pauwi, sasakay ako sa LRT, tapos lipat sa MRT hanggang sa Ayala station. pwede nga sana akong bumaba sa Magallanes station pero sa Ayala pa rin ako bumaba kasi mas madaling sumakay sa Ayala. nang tumigil na sa Ayala station yung MRT, sobrang daming taong pumasok, at hindi ako makalabas! sumasarado na yung pinto, pero hindi yon makasara kasi sobrang siksikan na sa MRT, may maiipit na tao pagsumara yung pinto. hindi pa rin ako makalabas. sabi ko, "lalabas po. lalabas po". pinagbigyan naman ako at nakalabas din. astig, kung hindi nakaharang yung tao e di nagsarado yung pintuan at sa buendia ako bababa. ako nga lang pala ang bumaba dun sa ayala station. malamang, sino ba naman kasi ang sasakay sa taft tapos bababa sa ayala

*tama ata yung notion ko na may kinalaman ang affinity ko sa taoism sa punctuality ko, salamat sa Tao of Pooh. mukhang nagaagree si coline na nainstill sa amin ang virtue ng, er, di ko maalala yung tamang term. basta hindi kami napapamadali kahit na mallate na. er mali. er.akfshujksfajajka

No comments: