Monday, January 02, 2006

Gumagana na uli ang email ko

Ang standard 3.5mm audio jack pala ay merong 3 terminals, 1 for each channel at isang common ground. I guess the same for the less standard 2.5mm audio jack, na unfortunately ginagamit ng O2 ko. 2.5mm earphones ang kasama nung binili ko telepono ko. bakit kasi hindi nagagree sa standard eh. most earphones, 3.5mm standard ang gamit. kaya kung nakalimutan ko earphones ko, di ako makakahiram bastabasta sa mga tao.

Pwede sana, na gumamit ako ng 2.5mm-3.5mm MF converter (respectively). At ganun nga ang ginagawa ko lately. nilagay ko yung converter sa wallet ko para di ko makakalimutan. At effective naman usually, bastat dala k yun. hindi lang ako sigurado na hindi namamangle nung adaptor yung channels, kung stereo pa rin ba ang naririnig ko. Nonetheless effective.

Pero ang gusto ko talaga mangyari, yung dulo ng 2.5mm earphones ko (just before the earpieces), puputulin ko at papalitan ko ng female 3.5mm jack. Para makagamit ako ng decent earphones (the stock earphones are crap). At nagsimula ang hunt ko para sa jack na yun. Lahat ng hardware stores, kahit Alexan, wala sila nun. Nito lang, dito sa Ohms, malapit lang samin, meron sila? Oye. 11 pesos.

[Kung matandaan mo, insert picture here]

pero narealize ko na mas effective pa rin yung unang adapter nalang. Mas madaling magdala nung adapter sa wallet kesa magdala ng earphones palagi.

Kung naiintindihan nyo/sinubukan intindihin (kahit na alam nyong walang katuturan ang sinasabi ko), itatanong nyo, bat kelangan ko pa putulin yung stock earphones at kabitan nung female jack? Kasi nga, the stock earpieces are crap.

No comments: