Oras ng klase: 3:00pm
Meeting time: 7:00am
Alarm clock: 6:00am
Snooze: 30mins
6:30am: pinatay ang alarm
Gising: 7:10am
Preparation:
- helmet: loosen strap shades: clear lens bag: hydration pack filled with water spare interior
- puncture repair kit
- crankbrothers multi-purpose tools
- spare lenses ng shades
- bihis:
- cycling shorts
- blue jersey
- shorts (na pinang-tulog)
- shoes: Oakley Radar Lock
- gloves: nakadikit sa bag pero natanggal yung isa kaya wag nalang
- nutrition: isang pandesal kina lola
- stretching: hamstrings, quadriceps
- paalam kay papa (umalis na si mama. Si Janna (happy bday) may pasok)
(estimate lang kasi wala akong dinalang orasan)
Magca-carmona trail kami ng nakilala kong nagmmountain-bike din (nakalimutan ko pangalan nya.. Nakilala talaga eh). Hindi na nya ata ineexpect na dadating ako at inindyan ko na sya, pero hinde, dumating ako, 1 hour late. Tuloy kami sa Carmona trail.
On the way (road work), sinusubukan kong paangatin yung likod na gulong. kasama yun ng wheelie, bunny hop etc. na useful tricks sa bike. Hindi ko pa nga magawa eh. Basta tatayo sa bike, tapos tatalon, tapos tataas na yung likod na gulong. So sinubukan ko. Kaya lang pagtalon ko nahulog ako sa pedal at bumagsak ang pwet ko sa upuan. Masakit sa ano eh.
Nakarating kami sa paanan ng bundok. May umugong na baka, pero di namin nakita mismo kung saan. May nadaanan kaming hukay sa lupa na puno ng putik, yun bang hinihigaan at pinagpapaliguan ng mga kalabaw. Galing eh. Meron pala talagang ganun.
Paakyat ng bundok, sobrang maputik. Ilang beses din kaming bumaba kasi di talaga kayang i-bike. Madulas kasi sobrang maputik. Kapag mabagal ang takbo, lumalabo yung shades. Parang nagfofog. Kaya tinanggal ko muna at sinabit sa leeg kasi nahihirapan ako makakita. Pagdating sa taas, wala na sa leeg ko yung antipara! Malamang, tanga ba naman kasi na sabit sa leeg, eh andaling mahulog nun. Buti nalang napulot nung kasama ko. Buti nalang binalik nya sakin. Kaya lang may gasgas na yung lens. Pero di naman yun halata kapag suot na.
Sa tuktuk kasi ng bundok, madaming bahayan. May ilang tindahan pa nga eh, kasi malimit talaga ang mga nagmmountain-bike dun sa lugar. Hindi pa nagaalmusal ang kasama ko kaya bumili sya ng tinapay. Sampung-piso. Mahal. Pero pagbigyan na natin yung tubo nila kasi mahirap talagang akyatin yung bundok. Takte mataas din yun. Nabanggit ko na simple ang buhay nung mga tao sa taas. Sabi nya, ung mga bata daw dun, nagaaral sa isang school sa baba. Apat na oras (ata, basta oras) nilang inaakyat-baba yung bundok para pumasok. Nakwento nung kaibigan ko na isang beses habang nagba-bike sila sa bundok sa Santa Rosa may nakasalubong silang mga sundalo sa makitid na daan. Di-baril lahat. M-16. Nagroronda lang. Sabi ko, wala naman sigurong NPA dun sa bundok. Aba, sabi nya siguradong meron daw. Papuputol nya ang kamay nya kung wala. Ganun pala ka-ubiquitous ang mga NPA sa bundok.
Ang daan namin paakyat, yun din ang daan namin pababa. First time kung gagawin yun, kasi di masyadong nag-t-thrill-ride yung mga tito ko. Relaxed, cross country lang. Narealize ko kanina kung gaano kasweet ang disc brakes, lalo na kung hydraulic. Pero kung mechanical brakes, ayos lang. Mas gusto ko pa nga yun kasi worry-free. Reliable. Anyway, sumemplang ako pababa, kasi madulas talaga ang putik. Pero di naman ako nainjure. Putik nga kasi yung daan, kaya naputikan lang ako. First time ko sumemplang sa trail. Fun.
On the way down, observed ang proper brake modulation - wag mag-brake kapag technical yung course, kasi mawawalan ng traction. Basta yun. Sarap ng downhill, lalo na kasi yun ang reward ng uphill climbing.
Natagtag ng downhill ang derailleurs ko. Di na swabe ang shifting. Kylangan i-readjust.
Nakarating kami sa baba nang hindi masyadong nasasaktan. Inenjoy namin yung talsikan ng putik habang mabilis sa road. Nagkayayaan kami sa isang maiksing trail. Konting detour lang. Doon naintindihan ko na yung sinasabi nyang "yosi" tuwing dumadaan kami doon. Akala ko kung anong yosi yun. May tambakan kasi ng basura kaming nadadaanan. At yung basurang yun pala ay mga imported na sigarilyo. Nung una nga di ako naniniwala hanggang sa madaanan namin ang nakatapong isang buong pakete ng hindi gamit na sigarilyo. Imported pa nga daw. Ang dami nun. At malapit sa creek.
Things learned:
1) wag isasabit ang shades sa leeg habang nagbibike (lalo na kung downhill). dapat siguro ikabit ko na yung strap.
2) halos lahat ng bundok ay may NPA
3) merong illegal expired tobacco-dumping operation malapit sa southwoods, katabi ng isang creek. Ang galing talaga eh. Malapit sa water supply.
4) look ahead
5) importante ang gloves
No comments:
Post a Comment