Monday, January 23, 2006

mokommokom, tikomtikom

Patapos na akong mag-ayos ng gamit nang biglang may tumawag sa telepono ko. Nasa ikot-stop na daw sila, pick-up point ko. Dali-dali akong naghanda at lumabas papunta sa ikot-stop sa may CP Garcia. Medyo malapit lang naman kasi ako dun, mga 5-mins walk. Nang sobrang lapit ko na, biglang may tumawag uli sa akin. Hindi ko na sinagot kasi 30-seconds away nalang ako. After 30 seconds, nakarating ako sa ikot stop. Walang sasakyan na naghihintay sa akin.
Tumawag ako. Nalaman ko na dumerecho na sila sa Vinzon’s. ayon. Sige magjjeep nalang ako papunta dun. Tamang-tama may paalis na jeep. Pagdating ko sa Vinzon’s nakita ko yung Trooper. Nakita ko sina Andre. Nagulat ako at pwede pala akong makasakay sa Trooper. Yung gamit ko iniwan ko sa jeep.
Hindi ako nakakaattend ng mga Wednesday pre-planning sessions kasi may PE class ako ng ganung oras. Kaya nung una kong akyat, wala pa akong group. Hindi ko pa alam kung saan ba ako – high school, kanawan, mabayo o fisherfolks. Nalaman ko na sa mga nabanggit, hindi formal teaching sa kanawan. Hindi ko kasi kakayanin na maghandle ng isang buong klase, much more magturo ng lesson. Kaya kanawan nalang ang pinili ko.
Unang beses ako dadaan sa hanging-bridge. Pagdating naming sa taas ang dami na agad sumalubong sa amin. Ineexpect na ata nila kami. Nakadagdag sa pagdatingan ng mga bata ang pakikipag-laro namin sa kanila ng basketball at sa pagpicture-taking namin. Andyan si Cynthia, magaling daw sya kumanta at kinantahan nya kami. Magaling sya kumanta. Kami mismong mga umakyat ay hindi magkakakilala, kaya nagkaroon pa ng konting panahon bago kami naging kumportable sa isa’t-isa, at syempre pati na rin sa mga bata. Karamihan kasi sa amin ay first timers.
Si kuya Borms ang naglead ng mga activities na ginawa namin dun sa taas. For most of the part, sumasali lang kami sa mokom-mokom-tikom-tikom at opening the basket. Nakinood lang kami sa storytelling ni prime.
Pero eto yung nagpasaya sa buong trip eh. Hindi ko alam kung ano ang meron kina Cynthia, Heidi, Esperanza, Janjan et.al., pero naenjoy ko yung pakikipagusap sa kanila. Hindi naman kasi talaga ako magaling sa tao. Mahina ang interpersonal skills ko. Pero hindi ko alam kung ano ang meron sa kanila at nakakausap ko sila. natutunan ko yung iba't-ibang paraan ng pagluto nila ng aso. May sinigang. May prito. May inihaw. Kasama sa luto yung ulo. Yung buntot. Nakwento ko kung saan ako nakatira - sa buwan, kung saan walang hangin at may bakal sa ngipin ang mga tao. Para makapunta sa buwan, sasakay ng jeep at dadaan sa expressway. Nakaampon din ako ng maramiraming bata. Si Cynthia kumakain ng gulay, pero si Janjan noodles ang paborito.
Pauwi, habang papunta ako sa mga sasakyan, sabi nung mga nasa jeep “swerte kayo at feel namin lahat na magTrooper”. Ayos. Trooper uli ako.
May nadaanan kaming mga unggoy habang nasa may Subic may pictures pa nga sana ako eh*.

*may pictures ako nung climb na ‘to kaya lang nawala yung memory card ng telepono ko. Mangangalap pa ako ng pictures ng ibang tao kaya next time nalang

No comments: