Monday, March 20, 2006

discourse

nagtataka ako. bakit sa midst ng EEE, nakukuha pa ng mga tao na gumawa ng iba - mag organizations etc. ako kasi, kulang na kulang na ang oras ko para sa pagaaral, sarili at pamilya ko eh. management ng time? heck. sobrang diligent ko na sa time management; anlaki ng time alotted to academics ko. hindi na ako nanonood ng TV* ha. Tangna. kung alam nyo lang kung anong klaseng aral ang ginagawa ko. At sigurado ako, at par yung level of understanding ko. pero hindi ko nakukuha yung grades na nadedeserve ko eh. paano ko ba ijujustify. yung ilang mga problems sa exams, madali lang in terms of understanding, pero tedious isolve. eh bulok ako sa pagsolve eh, at may mga naimbento nang computer para magsolve ng mga ganun. sige, sabihin na natin na kylangan muna matutunan magarithmetic bago gumamit ng calculator, pero yung ibang problems naman, hindi dadating sa totoong buhay. kung dumating man, hindi namin kakalilanganin magmemorize ng sobrang trivial center of mass of a second degree spandrel. pwedeng-pwede akong magbuklat ng libro sa totoong buhay para malaman yung formula nyan.

pero hindi yan ang pinaka-pinanghihinayangan ko. dati, hindi ko maintindihan yung mga tao na nawawalan ng gana mag-aral kasi bumabagsak din anyway. ngayon nararamdaman ko na yun. i don't deserve this. matalino ako. linya ko to eh. nakakainis kasi hindi nasusukat properly ang understanding namin. walang pinagkaiba ang results ng paghihirap ko sa results ng iba na nakakuha pa ng panahon para sa ibang bagay.

pero does this stop me from studying conscientiously?
heck no. dapat hindi
kanina ko lang naisip na nasabi ko all along ang justification ng hirap ko. hindi namemeasure ng exams adequately ang understanding namin. aalalahanin ko lang uli kung bakit ako nagaaral - para matuto, makadevelop ng skills, at hindi para makakuha ng mataas na grades. as long as geared towards being a good engineer ang ginagawa ko, walang dapat magppressure sa akin otherwise: ang comparative standing ko, ang effort/results ratio ko compared sa ibang tao...
lahat to essential part ng pagiging engineer, much more electrical and electronics engineer.

gusto ko lang naman maging magaling na engineer. no shortcuts, all passion

ps: napepressure ba ako na magaral? not the least. nagaaral ako kasi kelangan kong magaral. gusto kong magaral kasi investment to para maging malupit na engineer.

*hindi against my will ang hindi ko panonood ng TV. walang TV sa boarding house, at kahit meron pa, hindi ko yun bubuksan. bakit? nabanggit ko na ata sa isang post ko. may kinalaman sa masamang values na hindi nafifilter-out sa TV. i.e., mukhang sosyal pero 'di mahal
on the average meron akong 2 hours of TV per week, at iniiwasan kong manood ng TV kung wala lang din akong kasama.

No comments: