Monday, February 20, 2006

zero and the indeterminate forms

prologue
Wednesday, Feb. 15, 2006
(sms) “ate cj, paconfirm po sa climb this Saturday”
(reply) “hindi po pwede puno na”
(ako) “talaga po bang hindi na pwede sumingit?”
(ate cj) “hindi na po”

Watda. Ang dami namang aakyat. Hindi na kasya.

Friday, Feb. 17, 2006
(ate cj) “may slot na po. Tutuloy pa rin po ba kayo?”
end of prologue

May tumawag sa cellphone ko. Nagising ako. Nasa pick-up point na daw sila. Buti at naayos ko na ang mga gamit ko kaya ang ginawa ko nalang ay naghilamos, toothbrush, bitbit gamit at takbo palabas. Nang malapit na ako sa ikot-stop tumawag uli sila. Ngayon alam ko na – sasagutin ko to dapat at sasabihin na sobrang lapit ko na. kaya lang ang tagal bago ko nahugot ang telepono ko. 1 missed call. Sure enough wala na uling sasakyan pagdating ko sa ikot-stop. Nagtext ako at nagsabi na magiikot nalang ako papuntang Vinzon’s. Nagulat ako pagdating ko dun kasi kakatapos lang ng fair at ang daming tao. Nakita ko ang Trooper. Pagpasok ko sa loob sabi sakin ni Goldie, “himala, maaga ka ngayon”. May hinihintay pa pala kami. Makalipas ang ilang sandali dumating na si Joyce. Mayamaya ay lumakad na kami.

Nagtaka ako. Tinanong ko kay ma’am luly na nakaupo sa passenger’s seat “ma’am, nasaan po ang jeep? Ilan po kaming aakyat ngayon?”. Walang jeep. Konti lang kaming aakyat. May dalawa nalang na dadaanan sa may SM. Wow, ang konti lang namin. Akala ko sobrang dami namin. Nagkataon pa na hindi sumipot yung mga dadaanan sa SM. Apat lang kami.
Apat lang kami at sa kanawan kami. Sa high school sana si Joyce kaya lang mag-isa lang sya, kaya sumama na din sya sa kanawan.

Game of life…

Sa hanging-bridge pa lang sinalubong na kami nina Cynthia. Ang dami nilang kinukwento sa amin. May ahas daw silang nakita. Naniwala naman kami (pero hindi naman masyadong natakot), pero kasi nambabarbero lang pala sila. Marunong pala sila nun.
Sa lahat ng akyat namin, ito ang pinaka-organized, well-planned at well-executed. Successful yung activities namin. Di ko maitatanggi na magaling at cooperative ang mga groupmates ko. And more. Sobrang eager ng mga kids at sila mismo ang nagpprisinta na gawan ko sila ng mga tanong sa multiplication at division. Si Angela pa nga, naturuan ko ng:
  1. division of a number by 1 i.e. 3/1 = 3
  2. division of a number by itself i.e. 3/3 =
  3. division of a number by 0 i.e. 3/0 = infinity
  4. zero over zero division 0/0 = indeterminate
Sana naintindihan nya. Sana nagustuhan nya. Sana naalala nya. Siguro nga, kasi pinasulat pa nya sakin sa papel yung mga tinuro ko sa kanya para daw mapagaralan nya.

Malamang pag-uwi Trooper din ako

No comments: