Nabanggit ko na kanina. Ang plano, magkikitakita kaming tatlo sa lrt central station around 1pm. By 1pm nagtext ako "er, nasa bahay pa rin ako. nasan na kayo"? magkakasundo nga talaga kaming tatlo kasi parepareho kami ng oras. Mga nasa bahay pa lang din sila. Ako pa nga, hindi pa nakakapagpaalam.
nagpaalam ako. hindi ako pinayagan. Delikado ang panahon. naguuwian sa probinsya etcetc. Delikado yung lugar. Matapos ang negotiations ("eh kelan ako pwedeng pumunta sa manila?" "hindi nalang ako lalabas kahit kelan?") pinayagan akong manood ng sine sa makati.
kaya ayon. nagayos ako, at nagcommute papuntang sm manila. inisip ko, 18 na ako. hindi na humihingi ang Philippine government ng authorization letter sa magulang na pinapayagan akong pumunta sa ibang bansa. sana man lang, reward sa pagiging legal age ang liberty. sa ibang bansa by legal age, hinahayaan na ng magulang na gawin ng anak ang kahit ano, pero oo alam ko, na kasama ng legal age, hindi na din binibigyan ng magulang ng financial support ang anak. Ako hanggang ngayon binibigyan pa rin. but still sana pwede akong gumala easily. yung tipong hindi kelangan magpaalam pa but rather MAGSABI LANG KUNG SAAN PUPUNTA.
nevertheless, nakarating sila doon sa sm manila by 3pm, as predicted. Ako, past 4 na, nasa LRT EDSA station palang ako. inaalala ko na since manonood kami ng sine, alamin na nila yung screening times. At sakto kasi sabi ni primi, 4:15-6:00 ung ice age 2. or so I think.
nakadating ako sa LRT central station past 4:30 na. hmm, hindi ko alam kung paano pumunta sa sm galing dun sa station. nagtext ako sa kanila "nandto na ako sa central station. Where is sm?". nagtanong ako sa jeepney driver kung nasaan ang sm. iniisip ko kasi baka kelangan ko pa magjeep papunta. Pero hinde, lakad lang derecho. nagmamadali akong pumasok, nagtanong sa guard kung nasaan ang sinehan at tumungo ako sa escalator papuntang 4th floor.
biglang may bumati sa akin habang nasa sarili kong mundo ako sa elevator. sina prime at coline. TURNS OUT NA PUPUNTAHAN NILA DAPAT AKO SA CENTRAL STATION. Wow. Mahabang litanya kung gaano kacritical na nagkta kmi, at kung paano kaya kung hindi kami nagkita.
Derecho kami sa sinehan. bili ng ticket at 70 pesos (ripoff) popcorn at pumasok sa cinema 4. After 30 minutes estimate, natapos ang ice age 2: the meltdown. it's all my fault naisip ko. Pero cinomfort pa rin ako ni coline. 5:10 pa lang nang natapos yung palabas. Turns out na cinocomfort lang din ako ni prime nang sinabi nya na 6:00 ang tapos (tama ba?), para hindi ako nagaalala nung papunta pa lang ako. Wow. Ambait nyo talaga sa akin :D
hinintay namin na magloop ung palabas, para mapanood namin yung simula.
kelangan ko nga pala makauwi by 7pm, kasi magsisimba kaming pamilya. Ang plano ko, umalis by 6:00. Pero nakakaaliw talaga yung quest para sa acorn at hindi pa rin ako umaalis. si coline pa talaga ang nagremind sa akin na kelangan ko na umalis. Wow, kung hindi nya sinabi yon, mageextend pa ako ng mageextend - not a good thing. Ako'y nagpaalam at uwuwi. LRT central station to EDSA station. switch to MRT line. Taft station to magallanes station (hindi sulit). bus to san pedro. Tricycle to bahay (note: bakit sobrang mahal ng tricycle ngayon? bente pesos, hindi pedeng hindi special?! Takte, 36 lang ang aircon bus mula san pedro hanggang magallanes).
Time: 7:50 pm
hindi na ako umabot sa misa. sayang yon, pero nagenjoy ako dun sa gala na yon. exciting ang public transportation. first time ko sa sm manila. nageenjoy ako kasama sina prime at coline.
next: baywalk sunrise. My kind of gala :)
Nahihilo pa rin ako sa popcorn. Damn msg
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment