Wednesday, December 06, 2006
para hindi ka masyadong inosente
Ah oo. Dati. Mula tondo hanggang quiapo. Nagmemekaniko kasi ako dun. Graduate ako ng automotive. Eh kasi pagpasok mo, kelangan nakasapatos ka. Kaya naghuhugas muna ako ng paa. Napansin ko na pagtanda ko, lumalabas ang mga ugat sa paa ko. Ganun pala yun, kapag binabasa mo yung paa mo.
Aaaaah ganun po pala yun. Hindi mo dapat binabasa kapag pagod.
Oo
Ako po kasi pagkakatapos mamisikleta, naliligo agad. Hindi po pala dapat ganun. Dapat magpapahinga muna. Paano nyo po nalaman na lumabas ang mga ugat nyo sa paa dahil sa pagbasa?
Wala naman. Naisip ko lang. Yung mga kapatid ko naman na nagoopisina hindi ganito. Atsaka yung naglalagay ng yelo sa ulo pagnagbabasketball. Nakakamatay yun. Yung kakilala ko, bumagsak na lang. Dapat yung, ahm, hot. Ah, yung maligamgam ba. Eh wala namang ganun sa talyer namin kasi maliit lang yun
...
Naninigarilyo ka ba?
Ay hindi po. Wala po akong bisyo.
Ah. Dapat tikman mo. Kundi, ahm, masyado kang inosente. Yang sigarilyo pang CR lang yan
CR po?
Oo. Para mawala yang amoy. Pero control lang. Yan ang kinamatay ng bayaw ko. Malakas syang manigarilyo. Ganun pala yon. Naninikip ang dibdib nya. Napansin ng mga kasamahan nya sa basketball na ilang takbo lang sa full court, hinihingal na sya.
Teka, yung bayaw nyo po ba yung kapalit nyo dito sa taxi?
Oo sya yun. Yung driver. Dinala namin sya sa doktor. Tinanong ng doktor kung umiinom sya. Sabi namin hindi.
Ah sigarilyo lang talaga sya.
Oo. Yun nga daw. Kapag pala naninigarilyo ka, lumiliit yung mga ugat mo. Lalo na sa puso. Sabi ng doktor magpaECG lang daw muna sya.
Ah ECG, yun po yung sa puso diba
xray lang kasi ang ginawa sa kanya. Kasi bukas pa merong ECG. Tinanong nya kung paano ba tumigil sa paninigarilyo. Dapat daw unti-unti.
Ah oo nga po ganun nga dapat. Pag tinigil nyo bigla yun, magdidiliryo yun.
Oo. Parang mahihibang ka nun. Inuwi namin sya sa bahay. Naglakad sya para bumili ng ulam. Mga mula dito hanggang dun sa billboard. Tapos pinagalitan pa nya yung anak nya. Andun namamlancha. Maya maya lang bumagsak na. Ganun pala kapag galit.
Ansakit pala sa anak nya yun. Huling pangyayari napagalitan pa sya.
Daladala nya nga yun hanggang ngayon
Alin po?
Yun. Yung alaalang yun.
Atsaka too late na pala. Kasi kinabukasan eh dadalin na sya sa ECG.
Now I can't stop thinking about you
Saturday, December 02, 2006
The Ten Christmas Commandments 2006
in coordination with buy nothing christmas
1. Thou Shalt Not Shop Till You Drop.
2. Thou Shalt Not Go so Deep In Debt that You’re Paying the Banks next Summer. That is Hell and Damnation!
3. Thou Shalt Stop Pretending that this is NORMAL. The Buy-As-Much-As-You-Can Christmas was Invented by Retailers.
4. Stop Shopping and Start Giving. We All Know What a Good Gift Feels Like. It’s Not About What You Buy.
5. Save Your Soul from the Axis Of Consumer Evil: 1) Big Boxes and Chain Stores 2) Child Slave Labor and 3) Sexual Abuse at the Foot of 3-Story High Supermodels…
6. Thou Shalt Have No False Idols: Playstation 3 is Not As Good as Real Life. That’s Why We’ll Forget About it by New Years.
7. Thou Shalt Not Trample Thy Neighbor For Sale Items.
8. Thou Shalt Not Covet Thy Neighbor’s Motorized Ashtrays or Shopping Channel Zircon Chandeliers.
9. Remember: You Don’t have to Buy a Gift to Give a Gift.
10. Let’s Save Christmas from the Shopocalypse! Are We Shopping Ourselves to Death? Christmas makes Intense Plastic Trash, Burns lots of Fossil Fuel, it’s the Lake of Hellfire!
Friday, December 01, 2006
napipilitan
1) earned more than casino royale in ticket sales
2-4) some other things i don't want to say
cons
1) poorly animated
2) some parts half cooked
3) plot not well thought out
4) story is very bad
Thursday, November 23, 2006
Wednesday, November 22, 2006
Sunday, November 19, 2006
hilaw na mangga
Tuesday, November 14, 2006
Monday, November 13, 2006
breach of trust
Pero wala naman akong ibang pagturing sa mga taong yon. Sinasabi ko din naman lahat. Napapagbigyan ko naman ang gusto nila. Iniisip ko kung ano ang tamang balanse ng pagtitiwala, pagpili ng tao at 'pagpapagamit'. Paano ko mapipili kung sincere tong taong to sa mga ginagawa nya? Pasensya na, madami na akong nakakasalimuho na ganito eh. Nabalaan ako ng pinsan ko, at madami akong napapansin na ganun talagang tao. Mga naghahanap ng kapalit.
Hindi ba pwedeng magpakabait tayo sa isa't isa kasi tao tayo at tao din sila?
Babala lang to, pero hindi sa inyo kundi sa akin. Dapat matuto akong magtiwala sa mga tao. Dapat matuto akong pumili ng totoong tao. Pero wala eh.
Friday, November 10, 2006
pedicab - dizzy boy
http://www.angelfire.com/rock4/pinoyrocklyrics/pedicab.html
emotional cancer
Just don't mind me
Tuesday, November 07, 2006
cried the insignificant speck
Friday, November 03, 2006
Thursday, October 26, 2006
Tuesday, October 10, 2006
para plegia
mosquitoes bite
and phosphors glow
thirteen times, it never fails
inside my mind
something impales
at times when i'm lucky, a lone pig's squeal
across the street
a lady's shrill
i fall asleep, although it's late
i'm quite awake
i can't relate
there are things i can't comprehend
i close my eyes
but see through my eyelids
it reaches my head, i try to wake up
i wake up
it reaches my head
and the possession starts. i'm fed information
i try to escape
i fear the revelation
(then it slowly fades away)
(dogs bark)
what have i done wrong?
terrified not anymore
it has been happening for so long
thirty minutes ago the sun was bright
it always is
Wednesday, October 04, 2006
Monday, October 02, 2006
pekeng kape
Yung mga kape na nilalagyan ng pampatamis fake yun ok? Yang mga mahal na bilihan ng kape na yan, mga nagpapanggap lang. Nagkape ka pa kung lalagyan mo lang din ng pampatamis para mawala yung pait. Sana bumili ka nalang ng gatas na matamis. Bilib ako sa mga tao na umiinom ng totoong kape. Hindi ko alam kung bakit sila nasasarapan sa pait ng kape, pero iniinom talaga nila at nagugustuhan nila. Yan ang totoong kape na iniinom ng totoong tao.
Sunday, October 01, 2006
Siguradong madaming magbblog tungkol sa bagyo at brownout
E di naexperience nyo din ang magabstain sa telepono at TV. Hindi nyo ba naaapreciate na nagkasasama-sama kayong lahat kasi walang kuryente. Walang TV para manood mag-isa. Walang telepono para magbasa ng text na natatanggap ng lahat. Lumalabas ang baraha at nagpepekwa ang lahat. Naguusap ang lahat sa mukha. Lahat kayo nasa bahay. Hindi ka makapagPC kaya gumawa ka nalang ng importanteng bagay.
Dahil walang kuryente, napilitan ang kapatid ko na makipaglaro sa akin ng dots. Pinipilit nya nga ako na mag-billiards o mag monopoly o gumawa ng kahit ano pero dots yung ginawa namen kasi andito lang yung whiteboard at whiteboard marker. Atsaka kase nagaayos ako ng kwarto kaya hindi ko pinatulan yung billiards at monopoly. Kaya lang hindi pa natatapos ang pangalawang grid (yung unang 3x5 grid nga pala eh tie kami) eh biglang nagsigawan ang mga tao sa labas. Sumigaw ang tatay ko may kuryente na daw. Binuksan ang mga ilaw at hinipan ang mga kandila. Nagalit sa akin ang kapatid ko kasi gusto nya sya daw ang iihip ng kandila. Yan ang huling paglambing ng kapatid ko ngayong araw na to.
Nung walang kuryente nagguilty ako kasi hindi ako makapag-aral. Nang nagkakuryente naiinis ako at wala na akong excuse para hindi mag-aral.
In less than 30 seconds na nagkakuryente nawala ang kapatid ko. Nakita ko na lang na nakaharap sa laptop habang nagtetext habang bukas ang TV. Ako naman ay nagbukas ng laptop, nagsaksak ng telepono para magcharge at nag Iron Maiden. Nagtext. Walang sumasagot maliban kay mang Freddy (presidente ng spmtb). May ride bukas.
Wednesday, September 20, 2006
puta naman diba
Monday, September 18, 2006
Iron Maiden – The Evil Than Men Do
The “OK” priest said something very beautiful. God takes people, er, old, because they have already done what they should have done. God takes people young para hindi na makita ng bata ang kasamaan sa mundo. I'm not sure about the first part but the second I'm sure. And if memory doesn't fail me I believe this was taken from the book of Proverbs. Amazing.
I see a sickly child coughing. Her mother is playing with him while waiting for her hamburgers to cook in a local hamburger stand. The place smells diesel from the tricycles running amok just outside. I pay 26 pesos for two hamburgers drenched in cooking oil recycled many times.
I met a boy who offered me his turon. I said I'm not in the mood for one, so he asked me to treat him one instead. He claimed he hasn't eaten lunch yet. I asked how much they were. Ten pesos. I reached my pocket for ten pesos. He sort of wanted to ask me to give him twenty pesos at least, but I already handed him the money. I walked away. I didn't cared to check if he's actually going to eat a turon. He probably used the ten pesos to buy solvent. I supported child labor. I went inside my car, burnt gasoline at the rate of 1.8 liters. No one else was with me.
Just last night, www.jabberwacky.com asked me “is the earth mostly vicious?”
I pay 45 pesos on a bus ride from Ayala to San Pedro. I reached the street market in San Pedro. I alight. I headed for the tricycle stand. I asked how much a special ride is. Bente-kwatro. I boarded. We were off. Thinking about how tricycles should be discouraged in San Pedro because of their sheer number, and to practice asserting myself, I tried to haggle the fare. Bente nalang ho. Without a word he made a U-turn and headed back to the pila ng tricycle. Then he muttered. Sana sumabit ka nalang. Ang tagal-tagal ng pila. Ang mahal ng gasolina. Ganyan talaga eh. I pleaded sige ho ibalik nyo na ho. 24 na ang bayad ko senyo.
I heard someone scream taho. I stopped my who-knows-how-much-bike with its hydraulic disc brakes. Headed for the vendor. I asked magkano po. May sampu, may lima. Yung lima lang po. He scooped concoctions on a small plastic cup. I inspected the surroundings. Human refuse littered the place. A lady slipped on a gutter. She was wearing slippery sandals, add to that the fact that the gutter has accumulated lumot which made the gutter even slippier. She wounded her hands. I had cotton, betadine and agua on my backpack but I didn't care to offer. I didn't know what happened to her next. The taho vendor handed me my cup. I scrounged my bag for a five-peso coin but a five-hundred bill is getting in the way. I found a twenty-peso bill and gave it. He gave back fifteen pesos. Children were playing about the littered road. A really young kid was playing around naked. Her mother is just at the side, seeing the whole ordeal.
Repulsed by the sight, I pushed my bike further out, with handlebars and a cup of taho on my right hand. I pushed my bike up a gutter. Taho spilled all over my gloves and bike. I used the cotton in my backpack to clean the mess.
I hope I'm immature. Because if I'm not then wala talaga akong kwentang tao.
And many other personal things.
Lord please kill me now.
Sunday, September 17, 2006
petroleum distillates
Kakaimpulse-buy ko lang ng isang tatlong libong calculator. Yun LANG kasi ang available sa National Bookstore. Pinagisipan ko naman, mga sampung minuto. Kelangan ko kasi talaga ng matinong calculator, lalo na at exam ko pa bukas. Inisip ko, wala naman talaga ako sa market para sa isang calculator na nasa ganung price range. Pwede naman akong mangistorbo ng isang tao para hiraman ng calculator, pero naisip ko kelangan ko pa rin naman talaga. Kakailanganin ko din naman ng isa eventually, so bili nalang ako. Pero kung makahiram ako, may oras ako para suyurin ang scientific calculator market upang makahanap ng magandang produkto na competitive ang presyo. Pero maganda naman talaga yung tatlong libong calculator at malaki ang matutulong sa akin nung mga features nya. After a moderate level of thought, bumalik ako sa counter, hiningi yung calculator at nagbayad. Bagsak ng P2,980.00.
Pagkalabas ko hinabol ako ng isang batang lalaki na nagbebenta ng sampaguita. "Kuya bente pesos lang po. Pambaon ko lang bukas. Para makauwi na ako". Hindi ko sya pinansin sa loob ng sampung segundo. Sinarado ko ang pinto. Napaisip ako sandali. Sabi ko sa pinsan ko "nakakaguilty naman yon". Pero bago sya makapagsalita eh pinaatras na ako ng isang babae at isang lalake na mukhang nakauniporme pa na pang-eskwela. Nagbagsak ako ng limampiso para sa tulong nilang dalawa sa pagatras ko.
Anti-capitalist ako. Isa sa mga batikos sa kapitalismo ay ang di angkop na sweldo sa mga gawa. Sabi sa 'Communist Manifesto' nina Marx at Engels, ang isang tao ay kayang gumawa ng labor sa isang araw na ang katumbas na pera ay sobra-sobra pa sa kailangan nya para sa isang araw. Pero ganito talaga sa kapitalismo eh, hindi tama ang nabibigay na wage sa isang manggagawa. Essential ang ganun sa pagkapitalismo. Kelangan mababa ang wage para mura ang mga goods. Isipin mo kung gaano kahirap magpasibol ng kamatis at isipin mo kung magkano ang kamatis.
Pero sobrasobrang guilty ako sa kapitalismo na yan eh. Prenteng-prente ako ngayon dahil sa kapitalismo. Sinusubukan ko i-justify yung mga kapitalistang gawain ko: sa ganitong lagay namn ng kapitalismo eh hindi mabubuhay ang isang tao kung iiwasan mo ang bunga ng kapitalismo. Dapat hindi ka nagaaral. Magtatanim ka ng sarili mong kakainin. Gagawa ka ng sariling damit. Dapat hindi ka gumagamit ng pera. Imposible yon. At isa pa, sa Communist Manifesto uli, inevitable ang pagbagsak ng kapitalismo. Di kelangan pilitin ang pagbagsak ng kapitalismo, o pigilan ang pagusbong nito. It will occur naturally, at the right time.
Kahit kelan naman apprehensive ako magbigay ng limos. Apprehensive bumili ng kung ano man sa naglalako. Ewan ko ba. Siguro kasi labag sa batas ang magbigay ng limos. Pero mali ba na magbigay ng limos? Pero dun sa naglalako, hindi ba tama lang na bigyan sya ng premium kasi dagdag labor ang ginagawa nya? Palagi kong sinusubukan ijustify kung magbibigay ba ako ng limos o hindi. Kase ibibigay lang nila yung limos sa sindikato. Kasi ibibili lang nila ng drugs. Pero sino ba tayo para husgaan sila? Sige na, labag na sa batas ang magbigay limos. E paano dun sa nagbebenta ng sampaguita? Eh wala naman ako sa market para bumili ng sampaguita. It's easier to do nothing.
Ewan ko. Sa tingin ko pa rin dapat binili ko yung bente pesos na sampaguita. Para sana nakauwi na sya. Para sana may pambaon sya bukas. Wala sa isip ko, pero nagkaroon ng punto sa buhay ng tatay ko na nagbebenta din sya ng sampaguita sa kalye. At tingnan mo sya ngayon. Tingnan nyo ako ngayon. Ibili man nya ng droga yung bente pesos na dapat binigay ko sa kanya, at least masaya sya.
Si Thomas Malthus ang nagpauso nito eh. Ang solusyon nya sa mga 'impoverished populace na nagiging nuisance' ay bigyan sila ng moral restraint. Meron pa nga syang sinasabi tungkol sa abolition of poor laws na naghirap sa condition ng mga mahihirap pero pinababa naman ang poverty. Ambigat no.
Dapat ba natin pagbigyan ang mga namamalimos o bumili ng sampaguita dahil sa awa? Mas makakasama ba kung itotolerate natin sila? Kung bumili tayo ng sampaguita sa isang bata, hindi ba natin sinusuportahan ang child labor?
Nakakaradam pa rin ako ng guilt. Gusto kong gumawa ng bagay para naman mabawi ko yung ginawa ko sa bata.
Saturday, September 02, 2006
lambing
basta sana wag ka magiimbento
Friday, September 01, 2006
celebrating the death of my cellphone
It failed to wake its owner up for a jogging session with ate Lea and for an ES12 class where a seatwork was going to be conducted.
Attemps to ressurect the said phone was conducted after the owner got home. It was plugged into a charger, its battery was removed, but all attempts were in vain. For a brief moment a hard reset was possible, but the procedure was futile. As of this writing there are no signs of life whatsoever. However it is still connected to a life support (USB port) when possible.
This weekend the PDA phone will try to barter for its life with God. A miracle will be expected by the end of next week.
Whether or not Lazarus will still be in it's cave next week, its owner will conduct an experiment he was wanting to do ever since. This experiment will be in conjunction with his principles about advancements in communications.
During the first week of September (September 4-9), the owner will not be using his PDA. He promises to resort to more natural means of communications, like letters, landline calls, and most especially actual, personal, and non-artificial conversations.
(The owner has actually already recieved his first letter just this day - a direct result of the death of his phone. He expects more)
This experiment aims to detract the subject from their dependence to such devices. It stems from the owner's idea that just several years ago we were doing fine without these mediums of communication. "Why shouldn't we be able to cope without them now?"
Truly, the proposed procedure will reap benefits. It will be difficult for the subject but he is ready and willing to face the dangers of the procedures of the experiment.
The problem is with the other people not subjected to the procedures. If ever the need to converse with the subject of the experiment, it will be difficult for them to do so. Moreover, conflicts are bound to be generated if ever the subject is wished to be contacted by a certain party but the party has no idea about the experiment taking place. The owner plans to initiate an auto-reply device which will automatically inform anyone who contacts the subject through his PDA. Proposed automated reply reads something like this:
"er, sorry since thursday kase namatay ang telepono ko. hanggang ngayon hindi pa sya nabubuhay so lahat ng texts/tawag na matatanggap ng teleponong ito ay hindi ko mababasa/masasagot. contact nyo nalang ako by other means. sorry abala pa.
automated message nga pala ito kaya wag na kayo magreply dito"
Aside from cellular phone features, the owner will also be excommunicated from PDA features as a result of the experiment. The owner will have to resort to other means to wake him up, remind him where his next class is or about the tasks he needs to accomplish over the week.
The owner hopes to learn a lot about the experiment and hopes that it would forge stronger communication ties.
Thursday, August 31, 2006
discourse on eee UPDATED
Lack of teachers:
Sabi ni laurice, understaffed sobra sobra ang UP EEE. Dapat, isang subject lang ang tinuturo ng bawat teacher, or at least maayos ang ratio ng teachers to students. Pero hindi eh. at least tatlo ang subjects na tinuturo ng bawat teacher at may mga classes na 200 students is to one teacher. Sa tingin ko kasi, bukod sa konti talaga ang EEE teachers available, hindi attractive ang funding ng EEE sa mga teachers. Hindi nakakaattract ng enough teachers na competent.
Kumbaga, MASYADONG matatalino ang mga teachers kaya marami sa kanila hindi kayang magturo ng complex concepts sa level ng students. Sinasabi ko nga palagi, hindi marunong magturo ang mga matatalino. Not all, but most. Sabi din yan ng math teacher ko dati.
Dito din lalabas ang flaws ng large classes. Kung saan limited ang interaction at parang nanonood lang ng video ng lecture ang mga studyante. Paulit-ulit na lang ang ginagawa ng mga teachers kada lecture. Buti pa videotaped nalang tapos papalabas nila yung video kada lecture. E di nakatipid sila ng laway. Atsaka para may use pa rin yung mga large classrooms. Yung mga interactions kasi sa small discussion classes nagmamanifest yun. At dun natututo ang mga studyante. Dapat puro ganun na lang.
Lack of facilities:
Ngayon naiintindihan ko na ang importance ng equipment LALO NA sa engineering. Sa paghati-hati namin ng equipment, nahahati din ang learning experience namin. Sa aspect na to talong talo na tayo ng ibang private universities. Hindi ko na ieenumerate ang mga kulang na facilities sa eee, pero sige mageexemplify nalang ako:
Sa eee43 (electromechanical energy conversion), ineexpect ba nila na matututunan natin yung principles nang wala man lang pinapakita sa atin na totoong induction, synchronous at DC machine?! Kahit actual picture wala pa akong nakikita. At ineexpect ba nila na maniwala kami sa tinuturo nila eh hindi pa sila nagpapakita ng mga machine na yun in action? Puro theory nalang. Kulang kami ng hands-on experience. Siguro nga top-notchers kami sa board exam pero wala kaming magagawa sa trabaho. Or hindi kami makakaisip ng something revolutionary kasi hindi kami magaling mag-apply sa totoong buhay.
Ika nga ni Jang, swerte na nga ang EEE at napakadiligent at responsible ng mga students nila. Isipin mo walang vandalisms kahit saan sa mga classroom tables. Plus makikita mo talaga na nagaaral ang mga studyante. Tipong sila mismo ang nagrerequest ng make-up classes para maintindihan yung lessons.
Dito sa sasabihin kong to pinakamaraming magagalit, pero eto din ang pinakamabuting magagawa ng EEE.
Sige, wala na tayong magagawa sa funding ng EEE. Pero at least naman bawasan nila yung mga students na tinatanggap nila. Ganun kasimple. Hindi tanggap ng tanggap.
Ang goal ng isang educational institution ay para MATUTO ang mga studyante, hindi para mahirapan sila.
addendum: wala akong sinasabing ispoil kami ng EEE sa facilities. just learn how to maximize resources. no compromise. quality of future engineers 'to.
UPDATE: I know other schools are worse but should we settle for mediocrity? Are we going to let other schools better than us?
sige na, natututo tayo sa UP na magtiis/mag-adjust (sneak preview sa totoong buhay) pero nasasacrifice ang learning experience eh. buti sana kung both pwede maexperience. ang gusto naman natin maging highly proficient sa field na kinukuha natin diba? na maaapply natin ang mga skills na natutunan natin sa career natin. eh stunted yung skill building eh. Hindi pa nga eh.. hindi sya naeestablish at all. puro compromises.
case in point. by this time, sa La Salle (although trimestral sila), marunong na sila mag-solder. anong kagaguhan ang isang third year ECE student na hindi pa tinuturuan magsolder?
Sa pagaaral ng encoders, decoders, multiplexers, by this time nakapag-implement sila ng totoong circuit gamit ang real-world encoders, decoders, multiplexers. GUSTO KONG MATUTO NON!! kelan nila balak ituro sa amin yon? in our own time?
SORRY SA BOARD EXAM KASI HINDI KELANGAN MATUTO NG REAL WORLD IMPLEMENTATION EH. WRITTEN KASE
at kung madali naman baguhin ang sistema, bakit hinde?
discuss opinions in an constructive way
Tuesday, August 15, 2006
radial and transverse components
(heart rate at 84bpm. nakahiga yan ha)
Para bang yung bioryhthm charts na related sa astrology. Alam kong walang solid scientific proof (kahit pa nga possibility) na totoo yon. Pero ganun ang naeexperience ko eh. At times masaya ka lang na kahit alalahanin mo yung mga pagkakamali mo sa buhay, hindi ka lang talaga makasimangot. Minsan naman ganito nalang. Mataas ang heart rate. Hindi ka matanggal sa isip. Natutulala sa jeep. Hindi makausap. Kahit fate. Cyclic. Mabubwenas ka sa ganitong aspeto, tapos nalang pagkatapos ng ilang araw may conspiracy na ang mundo sayo. Para bang yung gulong ng buhay eh perfectly round, walang rolling friction, tubeless, mababa ang mass moment of inertia at constant yung RPM.
send n
Tamo. Ang dami ko pa dapat gagawin ngayon. May dalawang problem set pa. Pero nanghihinayang pa rin ako na pinalampas ko lang kanina yung pagkakataon ko na masabi ko na sayo yung dapat kong sabihin.
Saturday, August 12, 2006
Friday, August 11, 2006
Thursday, August 10, 2006
Saturday, August 05, 2006
epic #3: tabi tabi po
so it was just me and the mountain. it was the best experience ever
then i realized why the other riders were avoiding the trails when it rains. the trails were extra muddy. there were puddles of mud a foot high and the slippery ruts were impossible. this picture was taken when i was swept down my the mud
and then i was lost. i kept telling myself before that this would be a nice experience. but after i realized that i was back were i started, after it started raining (again), after i became hungry because it's almost noon, after the thought that someone could be hunting and mistake me for game, AND AFTER I REMEMBERED THAT THERE WAS NO ONE WITH ME, i began to feel a little doubtful if i really should've done this.
i retraced my trail then met someone carrying something. i asked him, "manong, san po ba ang Davilan?" "ah kumaliwa ka dyan Davilan na yun". it gave me a breath of relief and continued with the trail. i reached the intersection. it looked familiar to me. manong told me to go left to get to Davilan, but i recall very well that i should go straight to get home. this is when i learned that Davilan is actually the place on the other side of the mountain, and not the way back home. a little doubtful, i didn't take a left turn. i recognized the place and was rather convinced that i was back on track. rain was all over me. it kept going in my mouth
further in the trail, i recognized a figure in the distance. it looks like a bike. could it be a fellow mountain biker? it looked so. i was trying to make out who the mountain biker was. i thought the nine other riders who were with me climbed up davilan to rescue me or something. but as i came closer i realized that i don't know him
could it be that there was another mountain biker foolish enough like me to try the Davilan trail? the thought brought me joy. what brought me even more joy was the fact that he was calling up some other mountain bikers out back. it so happens that there were (4) other mountain bikers who tried out Davilan!
i bade goodbye and was on the way back. i reflected on what i have just done. it was stupid. the 9 other riders would've hated me. i could've gotten sick, caught an exotic pathogenic virus in the mountain. i could've gotten a flat tire. i could've died when the trail suddenly eroded. but heck i got these pictures
i was quite impressed by my panaracer tires really. down to this really muddy and technical section
and just like a good movie, the ending was a clincher. the ending was foreshadowed by the sound of a gushing river i heard while i was lost. there used to be dried-up river on the trail head entrance. but of course, since it rained hard, the river wasn't as dry as it used to be. it wasn't even wet. it was flooded. there were some people by the river when i got there. they are residents of the mountain and i guess they have some business down the here. some of them had bikes with them. they had to cross the river too. i watched them do so. the river was knee high. i propped up my bike against my shoulder and treaded the knee-deep gushing river, careful not to get swept by the current.
immediately after the river is a steep climb. up in front of me was this old lady, pushing her bike up just like me, but she was carrying her slippers and a live chicken. i commented "ate ang lakas nyo pa ah" "61 years old na ako"
Friday, August 04, 2006
wishless thinking
Saturday, July 29, 2006
Monday, July 24, 2006
Saturday, July 15, 2006
Advancements in communication doesn't bring people closer. It enables people to be far apart
Wednesday, July 12, 2006
happy birthday pj
Inaantok na ako. May nagtext. Makakatulog na kaya ako. Sana, nakalimutan lang talaga nya. Sana, umabot sya ng 11:59. Kahit siguro lampas ng hating gabi, basta bago mag-ala-una kasi automatic na mamatay ang telepono ko.
sana, busy lang talaga sya sa pagaaral. Sana, busy lang talaga sya sa pagaaral. Parang palagi. Sana, yun talaga ang dahilan. Tao din naman ako eh.
(pauses to check message)
11:53. 6 minutes. Kaya kong maghintay ng anim na minuto para sayo. Kaya kong maghintay ng isang taon para sayo. Kung itutuloy mo, kaya ko pang maghintay ng apat na taon pa. Sana lang malaman mo na may naghihintay. maghihintay ako. Di ko lang talaga masabi. Naghihintay pa rin kasi ako eh.
11:58
.....
11:59
................................................................................................ (heartbeat)
At natapos ang birthday ko. Sana tumigil nalang ang oras. At least alam ko na eventually, makakatulog din ako
Happy birthday PJ
Ps: if i made at least a little mark, if i were at least a little special. I tried to the most
Wednesday, July 05, 2006
Wednesday, June 28, 2006
Sunday, June 25, 2006
epic #2: another take against the wall
1) it was my first time to use my Stumpy on a real trail
2) i was using the stock Specialized Resolution 2.0 tires (which looked and felt like 2.4s) on Mavic 317 rims
3) i was using LX hydraulic disc brakes and drivetrain (front and rear derailleur) BUT my wheelset has specialized/deore hubs and Avid disc rotors (not center-lock)
4) before the ride, i had problems with the rotor hitting the brake pads unintentionally. a quick fix and i solved the problem
5) the climb up the wall was hard. too hard. yes, it was my first time to ride after a very long time so i might just be out of shape, but it really feels like the bike was too slow. i thought it was the rear suspension sapping pedalling efficiency, but i was fully locked out. climbing was exceptionally hard for me that day. i couldn't climb hills i could normally clean before. i didn't rule out the possibility that i was just really out of shape, but i also want to blame my tires.
i'd also blame my brakes. there was a point in a climb where it just felt that pedalling was "makunat". i think it's because my disc brakes became malaligned and were hitting the pads. i guess my quick fix didn't last long
6) we were resting somewhere when we realized that it was getting dark. dark clouds loomed over our heads. we were sure it will rain. under the shade of a tree we planned to wait out the rain. we waited for a long time until we decided to just ride out and away from the rain. shortly after we went on, rain began to pour hard. for some reason, we all felt that the rain gave us strength and comfort to continue. perhaps because it was a hot day and the rain cooled us off. perhaps because the trail was generally going downhill when the rain poured. whatever it was, we were glad the rain drenched us.
i keep saying that sometimes, rain just wets us on purpose. no other reason why the weather decided to rain, "umulan para lang mabasa tayo". after less than ten minutes, the rain stopped and we were riding dry fire roads. and the sun was out heating us up again.
7) the reward of climbing is the fast downhill part. we passed through a winding fire road with really loose gravel. really loose. it was a good thing that our trail guides warned us in advance to slow down.
8) we ate adobo, corned beef, eggs and bulalo on banana leaves in a small canteen near the foot of the wall
yesterday we decided to take on the wall once again, to redeem ourselves
1) i've been using the Stumpy every week (as long as there's a ride). it has tasted Santa Rosa, Davilan and Langgam trails
2) i was still using the Spez Resolutions, but it's now on the X223 wheelset
3) the X223 wheelset has LX hubs, rotors and cogs
4) since i'm on all LX parts, my wheels are definitely compatible with my drivetrain now. no braking problems here
5) perhaps i was just more conditioned now, but i was able to ride the wall better than before
6) we tried the singletrack that we were not able to try last time and it was wicked. to date, this has been the steepest i've been going downhill, plus the fact that it was a singletrack. downhill rush! i turned off the fork lock-out and switched the Triad rear shock from Propedal(tm) to open. i shifted my weight back, kept some fingers on the brake levers... when i felt like im losing balance, i just let go of the brakes and i regain balance. gyroscopic inertia does its thing. after i popped out of the dense vegetation singletrack and landed on the road, i couldn't wipe the smirk off my face. i gotta do that again. two things: somehow i began to crave for dual-crown forks; i have to cut my seat tube so i can lower my seat
we entered another singletrack on the way home. i hit this big ditch and for some reason i couldn't get over it, so i had to be contented to hike my bike up. the others were just near ahead waiting. after we were all rallied on our small stop we went ahead, but upon pedalling, i noticed that my bike feels funny. i looked back on my rear tire and saw that i suffered a flat. "bobby parcs" was suffering from a leaky interior before so he borrowed my interior. sir edu lent his to me. after a quick repair, we were off again
7) riding fast feels so good, especially if you're not exerting effort. the wind zips past your knees, elbows and shorts. when turning, you experience g-forces and lean at angles unimaginable at low speeds. i decided to overtake sir joseph on this turn because i'm overconfident while turning - i've mastered the art of shifting weight and leaning the bike. after i passed him there was another left turn. i put my wieght on the right pedal, turn my handlebar (not lean the bike) to the left. the turn was too fast so i pushed on both brake levers. my tires were skidding a lot even though i was correctly feathering the brakes. i finally skidded too much that i fell on my left side. my eyes were open the whole time as i saw my bike beneath me then on top of me. i felt my helmet bang the ground. i stopped moving and i was down. sir joseph came to help me. he alerted the incoming riders about the accident. in order, these are the things, in chronological order, that came to my mind when i realized that i crashed:
masakit ba? ah hindi pala. ayos makakapagbike pa ako
then i lifted the bike off me
oh no nasugatan ba yung bike ko?
i fell on the left side. the drivetrain is on the right side. that's good. my dual-control lever on the left is scratched badly.
dirt was all over. on my bike. on my bag. on my body
ano ba masakit sakin... nasan sugat ko. haha ayos lang hindi masakit
sir joseph kept telling me that i was going too fast. he would've warned me that i was, but he didn't "kasi kanya-kanyang diskarte naman yan...". that's ok, i thought. it was an experience i'd gladly want to have. tito gary and mang fred came. several riders passed and asked if i was ok. sir fred brought out the agua, some cotton and betadine. sir edu came and helped drench hydrigen peroxide all over my left knee and shoulder. as the solution came into contact with blood, it fizzed up. some goo collected on my shoe. another slothering of betadine and i was ok. i wasn't in pain. bleeding yes. in pain no. tito gary said that i will feel the pain later, probably at night. i didn't know if he was joking. i then realized that we were in the fire road with the really loose gravel.
8) as soon as we were back to mang fred's rest house, rain poured hard. this time, it was as if weather waited for us to get back under a roof. maarat weather was probably guilty for drenching us the first time.
adobo will not be lost. but this time we also brought bopis and menudo and ordered servings of bicol express and pakbet on the side. we had plates (and bowls and rice-cooker covers) but we didn't have spoons. our hands were dirty. and there was no water. we washed our hands with soap and rain water. THEN someone came inside with utensils. great
things i learned because of the crash
1) stay in control when unfamiliar with the trail. this is going to be hard for me when i'm enjoying downhills
2) when turning in loose terrain, do not lean, steer. this i did, and will do now with conviction
3) do not use the front brakes when turning!!! this is very important!! yes, when going down, the front brake offers more braking power. but when turning, braking the front wheel will cause it to lose traction. front wheel traction is responsible for steering!
4) do not tighten the screw that clamps your levers. it should be a little loose so that in the event of a crash, if the levers hit the ground, they will just swing back instead of taking on the impact of the crash
5) wear a helmet. and knee and elbow protections if possible
i just hope that i didn't become apprehensive because of the accident.
mantra: the accident happened because the ground was loose... you can still bomb down if you the terrain is good...
Friday, June 23, 2006
keyboard test
Ulit nga
The quick brown fox jumps over the lazy dog
Thumb typing
Mukhang medyo nasasanay na ako ah
Two-thumb typing
don't even think about touch-typing
Yehe pretty accurate
The quick brown fox jumps over the lazy dog
Hmm
I wonder if there is a shorter phrase that uses all the letters in the alphabet
Just like this phrase that i've been typing a lot
The quick brown fox jumps over the lazy dog
I wonder if clipping my nails helped improve my thumb-typing skills
Or the fact that i'm looking at the keyboard while typing
Or because i'm lying on my back
The quick brown fox jumps over the lazy dog
I wonder how many words per minute i'm getting
This is pretty fast
Much more, it's about the same speed as my brain
So i can type my thoughts fluidly
Unlike SIP keyboards
Even if it's FITALY
mmm fitaly
For some reason my right-thumb is pretty accurate
I'm beginning to get convinced that clipping my long nails improved the accuracy of my thumb
Especially the right thumb
Yeah
I used to have the problem of hitting two keys at once
I thought i just have big thumbs
Wait i have a message
Yeah texting with this keyboard...
Now check screen alignment. It works now
Hope it lasts
Wednesday, June 21, 2006
false hopes
May fete de la musique sa saturday
Magbubukas ng eee 42 section
Makakabili ako ng ES12 book
Dadating ang ES12 book within this week
Makakapagaral ako ng ES12 ngayong gabi
Isusubsidize ng DOST ang lahat ng babayaran ko sa tuition fee
Pareho ang window kung saan magbabayad ng tuition fee at bente pesos na reg-copy ng form5
Makakapagsubmit na ako ng form5 para sa DOST stipends ko for last sem
Matatapat si marco sa window 8
Pupunta ako sa circuit GA sa thursday
Mapapahiram ko ng philo book ang pinsan ko
Sa friday ang blueberry cheesecake ko
Dadating ang Smart para maginstall ng internet within 2-3 days
16 or 17 years old nalang dapat ako habambuhay
Tuesday, June 20, 2006
binaural beat brain wave
Saturday, June 17, 2006
salt lick
Bad tasting chocolate pudding. Yeah. Turns out I wasn't even beneficial. The chocolate pudding is sour
Sunday, June 11, 2006
yes - changes
I'll never be the same
Something you did touched me
There's no one else to blame
The love we had has fallen
The love we used to share
We've given up pretending
As if you didn't care
Change changing places
Root yourself to the ground
Capitalise on this good fortune
One word can bring you round
Changes
I look into the mirror
I see no happiness
All the warmth i gave you
Has turned to emptiness
The love we had has fallen
The love we used to share
You've left me here believing
In love that wasn't there
Change changing places
Root yourself to the ground
Word to the wise-well you get what's coming
One word can bring you round
Changes
For some reason you're questioning why
I always believe it gets better
One difference between you and I
Your heart is inside your head
One word from you
One word from me
A clear design on your liberty
Who could believe when love has gone
How we move on like everyone
Only such fools
Only such jealous hearts
Only through love changes come
Change changing places
Root yourself to the ground
Capitalise on this good fortune
One word can bring you round
Changes
One road to loneliness
It's always the same
One road to happiness
It's calling your name
Change changing places-Changes
Root yourself to the ground
Capitalise on this good fortune
One word can bring you round
Changes
Change changing places
Changes
Root yourself to the ground
Word to the wise-Well you get what's coming
One word-One word can bring you round
Changes
Saturday, June 10, 2006
breaking grounds
Saturday, June 03, 2006
Sunday, May 28, 2006
digital picture frame
Monday, May 22, 2006
2006 Toyota Prius
Model: | |
4-Door Gas/Electric Hybrid ( 1224) | $21,725 |
Delivery, Handling and Processing Fee:** | $580 |
Options: | $5,730 |
50-State Emissions, Package #7 Includes: Driver and front passenger front seat-mounted side airbags and front and rear side curtain airbags [3], Anti-theft system and auto-dimming rearview mirror w/HomeLink® [6] universal transceiver, Smart Key System, backup camera [4], Vehicle Stability Control (VSC) [5], High Intensity Discharge (HID) headlamps and integrated fog lamps, JBL® AM/FM 6-disc In-dash CD changer w/9 speakers in seven locations, aux. audio jack, MP3/WMA playback capability and hands-free phone capability via Bluetooth® [7] wireless technology, and Voice-activated DVD navigation system [8]. | |
Accessories: | $165 |
Glass Breakage Sensor (GBS)[9] ( V2) | $165 |
Total MSRP:*** | $28,200 |
Wednesday, May 10, 2006
Tuesday, May 09, 2006
Sunday, April 30, 2006
Sunday, April 09, 2006
Nabibilib talaga ako kina coline at primo (prime, primi)
nagpaalam ako. hindi ako pinayagan. Delikado ang panahon. naguuwian sa probinsya etcetc. Delikado yung lugar. Matapos ang negotiations ("eh kelan ako pwedeng pumunta sa manila?" "hindi nalang ako lalabas kahit kelan?") pinayagan akong manood ng sine sa makati.
kaya ayon. nagayos ako, at nagcommute papuntang sm manila. inisip ko, 18 na ako. hindi na humihingi ang Philippine government ng authorization letter sa magulang na pinapayagan akong pumunta sa ibang bansa. sana man lang, reward sa pagiging legal age ang liberty. sa ibang bansa by legal age, hinahayaan na ng magulang na gawin ng anak ang kahit ano, pero oo alam ko, na kasama ng legal age, hindi na din binibigyan ng magulang ng financial support ang anak. Ako hanggang ngayon binibigyan pa rin. but still sana pwede akong gumala easily. yung tipong hindi kelangan magpaalam pa but rather MAGSABI LANG KUNG SAAN PUPUNTA.
nevertheless, nakarating sila doon sa sm manila by 3pm, as predicted. Ako, past 4 na, nasa LRT EDSA station palang ako. inaalala ko na since manonood kami ng sine, alamin na nila yung screening times. At sakto kasi sabi ni primi, 4:15-6:00 ung ice age 2. or so I think.
nakadating ako sa LRT central station past 4:30 na. hmm, hindi ko alam kung paano pumunta sa sm galing dun sa station. nagtext ako sa kanila "nandto na ako sa central station. Where is sm?". nagtanong ako sa jeepney driver kung nasaan ang sm. iniisip ko kasi baka kelangan ko pa magjeep papunta. Pero hinde, lakad lang derecho. nagmamadali akong pumasok, nagtanong sa guard kung nasaan ang sinehan at tumungo ako sa escalator papuntang 4th floor.
biglang may bumati sa akin habang nasa sarili kong mundo ako sa elevator. sina prime at coline. TURNS OUT NA PUPUNTAHAN NILA DAPAT AKO SA CENTRAL STATION. Wow. Mahabang litanya kung gaano kacritical na nagkta kmi, at kung paano kaya kung hindi kami nagkita.
Derecho kami sa sinehan. bili ng ticket at 70 pesos (ripoff) popcorn at pumasok sa cinema 4. After 30 minutes estimate, natapos ang ice age 2: the meltdown. it's all my fault naisip ko. Pero cinomfort pa rin ako ni coline. 5:10 pa lang nang natapos yung palabas. Turns out na cinocomfort lang din ako ni prime nang sinabi nya na 6:00 ang tapos (tama ba?), para hindi ako nagaalala nung papunta pa lang ako. Wow. Ambait nyo talaga sa akin :D
hinintay namin na magloop ung palabas, para mapanood namin yung simula.
kelangan ko nga pala makauwi by 7pm, kasi magsisimba kaming pamilya. Ang plano ko, umalis by 6:00. Pero nakakaaliw talaga yung quest para sa acorn at hindi pa rin ako umaalis. si coline pa talaga ang nagremind sa akin na kelangan ko na umalis. Wow, kung hindi nya sinabi yon, mageextend pa ako ng mageextend - not a good thing. Ako'y nagpaalam at uwuwi. LRT central station to EDSA station. switch to MRT line. Taft station to magallanes station (hindi sulit). bus to san pedro. Tricycle to bahay (note: bakit sobrang mahal ng tricycle ngayon? bente pesos, hindi pedeng hindi special?! Takte, 36 lang ang aircon bus mula san pedro hanggang magallanes).
Time: 7:50 pm
hindi na ako umabot sa misa. sayang yon, pero nagenjoy ako dun sa gala na yon. exciting ang public transportation. first time ko sa sm manila. nageenjoy ako kasama sina prime at coline.
next: baywalk sunrise. My kind of gala :)
Nahihilo pa rin ako sa popcorn. Damn msg
Saturday, April 08, 2006
summation of things learned, lost count
er, legal age na ako eh. Goal ng parents na mabigyan ng wisdom ang anak para gumawa ng magandang decisions by this age. Pero by this age dapat dn eh hndi na cla gumagawa ng decisions para sa anak nila. Para wala kang ibang masisisi o mauutangan ng loob kundi sarili mo. kelangan k nalang ng financial power at mappractice ko na to ng husto.
Minsan nga, mali na ako, kasi purposely pinipili ko ung options na hindi gusto ng magulang ko, para maprove sa sarili ko na sariling desisyon ko un. isa pa tong rason kung bakit ayokong magmedicine eh. kasi kung magmedicine ako, parang sinusunod ko lang ang gusto ng magulang ko. siguro kung itulak nila sa akin ang engineering mapapaisip ako na magshift sa medicine.
never follow. wag bumuntot. wag sunod ng sunod
stand up for yourself. kung ayaw ka nilang tabihan, wag kang umalis sa inuupuan mo para tumabi sa kanila. kung naiwanan ka nila, wag kang maghabol.
corollary dito, wag kang mangiiwan at tabihan mo kung sino man (naexplain ko na ata to dati)
entropy increases in everything
lahat ng bagay nagdedeteriorate. kotse, cell phone, tao. nothing will last forever. kaya importante na siguraduhing matibay ang mga hinges ng cell phone. notorious ang mga joints. Ang cogs sprockets chain, ang derailleur, bottom bracket. nagagasgas ang frame. nawawala ang elasticity ng balat, napupudpod ang joints, bumababa ang metabolic rate.
The human body is very adaptive (until telomerase says otherwise)
climb a hill. Mahirap? Gawin mo lang palagi at eventually sisiw na lang yun. hmm, almost anything, gawin mo lang palagi ang isang bagay masasanay at masasanay ang katawan mo.
The simpler the better. The best
napakalakas ng nostalgia ko. I wished I lived during the yes years, nung wala pang internal combustion engine, nung hindi pa pressured into industrialization ang pilipinas. nung hindi pa malakas ang epekto ng capitalism. Ang plastic ko no, eto ako, nagaaral upang maging inhinyero ng electronics and communications. lahat din ng mga magagaling na musikero nabuhay dati. kaya nga puro revivals tayo ngayon eh. "covering dry".
I miss you
kelan tayo magkakausap uli
ask for receipt
Monday, April 03, 2006
the sky turns green
sige systematic account nalang
.
.
.
hindi din eh. wala talagang lumalabas.
basta, pinlano namin nina primi(tivo) at coline na manood ng sunset sa manila bay. ala debauchery, pero less preparation pero more concrete planning. buti naman at pareho kami ni coline na may prublema sa punctuality* kaya halos sabay lang kami nagkitakita. nagkita kami sa labas ng magallanes mrt station (kahit na dapat sa loob nalang sila naghintay para di nila kelangan magbayad uli).
not going quite well
nakakita kami ng brightly colored turtle, inusisa namin kaya napadpad kami sa children's playground, kung saan 10 pesos ang entrance, at pwede mong hindi ihulog yung ticket para magawa mo tong souvenir (pero napunit ko na yung akin nang nalaman ko na pede pala namin matago).
alam kong corny (kurne) tong sasabihin ko, pero masayang magpakabatang isip sa playground. totoy no, pero masaya ako sa ganyan eh.
alam naman natin lahat na ang kulay ng sky ay dahil sa scattering ng white light. alam na natin na blue ang langit kapag tanghali, orange pag hapon, violet pag gabi. pero bakit walang green? red, orange, yellow, magkakalapit yan. blue, indigo, violet. pero green? pero meron pala. nito ko lang nalaman.
napakamomentous talaga ng araw na to.
pero pinakanatutuwa ako at meron akong mga bagong nakilala na tao na naiisip na hingin ang ticket para gawing souvenir, na hindi nahihiya at natutuwa pa nga na pumasok sa giant pumpkin, umusisa sa anatomically incorrect dinosaurs, dumaan sa bridge kahit na may mga unexplainable residents doon, pumasok sa puwet ng hippopotamus at lumabas sa bibig, pumasok sa mapangheng turtle (yung nakita namin sa labas) at hindi magreklamo, pumayag magslide na sabaysabay kaming tatlo, matuwa (?) nang makita na may panirang factory sa luneta park view, makuntento sa hamburger at c2, makakwentuhan tungkol sa pagkain hanggang mamiss na ang sunset, MAKUNTENTO SA GREEN SUNSET, mapaniwala at mainteresa na kapag nasa loob ka ng US embassy, pwede mong sabihin na nasa US ka, mapilit bumaba sa shore kahit na mahihirapan umakyat. wow. may mga tao palang ganito.
pauwi, sasakay ako sa LRT, tapos lipat sa MRT hanggang sa Ayala station. pwede nga sana akong bumaba sa Magallanes station pero sa Ayala pa rin ako bumaba kasi mas madaling sumakay sa Ayala. nang tumigil na sa Ayala station yung MRT, sobrang daming taong pumasok, at hindi ako makalabas! sumasarado na yung pinto, pero hindi yon makasara kasi sobrang siksikan na sa MRT, may maiipit na tao pagsumara yung pinto. hindi pa rin ako makalabas. sabi ko, "lalabas po. lalabas po". pinagbigyan naman ako at nakalabas din. astig, kung hindi nakaharang yung tao e di nagsarado yung pintuan at sa buendia ako bababa. ako nga lang pala ang bumaba dun sa ayala station. malamang, sino ba naman kasi ang sasakay sa taft tapos bababa sa ayala
*tama ata yung notion ko na may kinalaman ang affinity ko sa taoism sa punctuality ko, salamat sa Tao of Pooh. mukhang nagaagree si coline na nainstill sa amin ang virtue ng, er, di ko maalala yung tamang term. basta hindi kami napapamadali kahit na mallate na. er mali. er.akfshujksfajajka