Wednesday, December 06, 2006

para hindi ka masyadong inosente

Namimisikleta po ba kayo?

Ah oo. Dati. Mula tondo hanggang quiapo. Nagmemekaniko kasi ako dun. Graduate ako ng automotive. Eh kasi pagpasok mo, kelangan nakasapatos ka. Kaya naghuhugas muna ako ng paa. Napansin ko na pagtanda ko, lumalabas ang mga ugat sa paa ko. Ganun pala yun, kapag binabasa mo yung paa mo.

Aaaaah ganun po pala yun. Hindi mo dapat binabasa kapag pagod.

Oo

Ako po kasi pagkakatapos mamisikleta, naliligo agad. Hindi po pala dapat ganun. Dapat magpapahinga muna. Paano nyo po nalaman na lumabas ang mga ugat nyo sa paa dahil sa pagbasa?

Wala naman. Naisip ko lang. Yung mga kapatid ko naman na nagoopisina hindi ganito. Atsaka yung naglalagay ng yelo sa ulo pagnagbabasketball. Nakakamatay yun. Yung kakilala ko, bumagsak na lang. Dapat yung, ahm, hot. Ah, yung maligamgam ba. Eh wala namang ganun sa talyer namin kasi maliit lang yun

...

Naninigarilyo ka ba?

Ay hindi po. Wala po akong bisyo.

Ah. Dapat tikman mo. Kundi, ahm, masyado kang inosente. Yang sigarilyo pang CR lang yan

CR po?

Oo. Para mawala yang amoy. Pero control lang. Yan ang kinamatay ng bayaw ko. Malakas syang manigarilyo. Ganun pala yon. Naninikip ang dibdib nya. Napansin ng mga kasamahan nya sa basketball na ilang takbo lang sa full court, hinihingal na sya.

Teka, yung bayaw nyo po ba yung kapalit nyo dito sa taxi?

Oo sya yun. Yung driver. Dinala namin sya sa doktor. Tinanong ng doktor kung umiinom sya. Sabi namin hindi.

Ah sigarilyo lang talaga sya.

Oo. Yun nga daw. Kapag pala naninigarilyo ka, lumiliit yung mga ugat mo. Lalo na sa puso. Sabi ng doktor magpaECG lang daw muna sya.

Ah ECG, yun po yung sa puso diba

xray lang kasi ang ginawa sa kanya. Kasi bukas pa merong ECG. Tinanong nya kung paano ba tumigil sa paninigarilyo. Dapat daw unti-unti.

Ah oo nga po ganun nga dapat. Pag tinigil nyo bigla yun, magdidiliryo yun.

Oo. Parang mahihibang ka nun. Inuwi namin sya sa bahay. Naglakad sya para bumili ng ulam. Mga mula dito hanggang dun sa billboard. Tapos pinagalitan pa nya yung anak nya. Andun namamlancha. Maya maya lang bumagsak na. Ganun pala kapag galit.

Ansakit pala sa anak nya yun. Huling pangyayari napagalitan pa sya.

Daladala nya nga yun hanggang ngayon

Alin po?

Yun. Yung alaalang yun.

Atsaka too late na pala. Kasi kinabukasan eh dadalin na sya sa ECG.

No comments: