wala pala akong taong pinagtitiwalaan. Ang lungkot naman. May ilang pagkakataon na ang ilang mga piling tao ay napapagkatiwalaan ko. Pero sa bawat araw na pakikisalimuho ko sa mga tao, palaging nasa likod ng isip ko na nagpapanggap lang tong mga taong ito. kaya to ganito sa akin kasi maghahanap to ng kapalit. Naghahanda to para marami syang koneksyon. Sumisipsip lang to. Gumagamit.
Pero wala naman akong ibang pagturing sa mga taong yon. Sinasabi ko din naman lahat. Napapagbigyan ko naman ang gusto nila. Iniisip ko kung ano ang tamang balanse ng pagtitiwala, pagpili ng tao at 'pagpapagamit'. Paano ko mapipili kung sincere tong taong to sa mga ginagawa nya? Pasensya na, madami na akong nakakasalimuho na ganito eh. Nabalaan ako ng pinsan ko, at madami akong napapansin na ganun talagang tao. Mga naghahanap ng kapalit.
Hindi ba pwedeng magpakabait tayo sa isa't isa kasi tao tayo at tao din sila?
Babala lang to, pero hindi sa inyo kundi sa akin. Dapat matuto akong magtiwala sa mga tao. Dapat matuto akong pumili ng totoong tao. Pero wala eh.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment