At etong post na ito ay katulad din ng post ng lahat ng tao. Sa post na ito ay magdadada ako tungkol sa kung gaano kalakas yung bagyo, kawalan ng pasok, at kung paano ako naghirap dahil walang telepono, computer, tubig at kuryente, kung gaano kaboring ang walang kuryente, kasi may pakialam talaga kayo dun eh.
E di naexperience nyo din ang magabstain sa telepono at TV. Hindi nyo ba naaapreciate na nagkasasama-sama kayong lahat kasi walang kuryente. Walang TV para manood mag-isa. Walang telepono para magbasa ng text na natatanggap ng lahat. Lumalabas ang baraha at nagpepekwa ang lahat. Naguusap ang lahat sa mukha. Lahat kayo nasa bahay. Hindi ka makapagPC kaya gumawa ka nalang ng importanteng bagay.
Dahil walang kuryente, napilitan ang kapatid ko na makipaglaro sa akin ng dots. Pinipilit nya nga ako na mag-billiards o mag monopoly o gumawa ng kahit ano pero dots yung ginawa namen kasi andito lang yung whiteboard at whiteboard marker. Atsaka kase nagaayos ako ng kwarto kaya hindi ko pinatulan yung billiards at monopoly. Kaya lang hindi pa natatapos ang pangalawang grid (yung unang 3x5 grid nga pala eh tie kami) eh biglang nagsigawan ang mga tao sa labas. Sumigaw ang tatay ko may kuryente na daw. Binuksan ang mga ilaw at hinipan ang mga kandila. Nagalit sa akin ang kapatid ko kasi gusto nya sya daw ang iihip ng kandila. Yan ang huling paglambing ng kapatid ko ngayong araw na to.
Nung walang kuryente nagguilty ako kasi hindi ako makapag-aral. Nang nagkakuryente naiinis ako at wala na akong excuse para hindi mag-aral.
In less than 30 seconds na nagkakuryente nawala ang kapatid ko. Nakita ko na lang na nakaharap sa laptop habang nagtetext habang bukas ang TV. Ako naman ay nagbukas ng laptop, nagsaksak ng telepono para magcharge at nag Iron Maiden. Nagtext. Walang sumasagot maliban kay mang Freddy (presidente ng spmtb). May ride bukas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment