Sunday, August 28, 2005

dialectical materialism

ADD yung disorder kung saan nahihirapan magconcentrate/magbigay ng attention sa isang bagay ang isang tao. sa mga nalalaman ko, hindi kinakaya magbigay ng attention sa isang bagay lang, dapat madaming ginagawa. tipong hindi nila kayang pumirme at magbasa ng isang libro - palipat-lipat ng libro na in effect, walang naiintindihan kahit isang libro.

ako, hindi ko kayang magbasa ng mahabang libro, lalo na kung fiction, maliban nalang kung children's book. pwedeng non-fiction, pero pag hindi ko gusto yung topic tinatamad na ako pag hindi ko gusto yung topic.

(parang ngayon, dapat sinusulat ko na yung thinkpiece ko, pero nainip ako at nagblog muna)

sa internet, inaabuso ko ang "open in new tab" feature ng firefox. sobrang daming pages ang inoopen ko at a time. lahat ng links na interesting. pero hindi ko naman nababasa lahat. kino-close ko nalang kasi ayoko na magbasa. o kaya naman palipat-lipat ako ng tabs kapag mahaba yung article. sini-skip ko ang paragraphs na mahahaba.

minsan detrimental na. sa mga exam, kapag mahaba ang solution, sini-skip ko. hindi ko tinatapos hanggang final answer. kaya kalimitan putol-putol ang solutions ko. minsan hindi pa coherent. o kaya naman, sa pagaral, malakas ang distractions. dati meron akong text-twist at monopoly pero inuninstall ko. habang nagaaral ako, naiinip ako at matetemp ako na mag texttwist/monopoly. pag naman matutulog na, naiilang ako kapag wala akong ginagawa. iisipin ko "magpapaantok" muna ako sa pagte-texttwist/monopoly/pocket slay (bagong game). marerealize ko nalang na 1am na.

pano ba dapat ginagawa?

No comments: