suko na talaga siguro ang mga magulang ko akin lalo na ang tatay ko. sabagay, hindi ko kasi maayos ang sarili ko. ahhm, inaayos ko, sinusubukan ko, pero pagdating ng pasukan, pagdorm ko, nakakalimutan ko na. kaya maayos ako kapag bakasyon eh. sa dorm kasi, walang may pakialam sakin. teka, hindi lang sa dorm, basta sa UP, pag wala ako sa bahay. wah, wala nga ata akong maituturing na bestfriend sa UP. yung pinakakaibigan ko, hindi nya siguro ako maituturing na bestfriend.
Daing ng tatay ko, nasakin na lahat, hindi ko pa maayos ang sarili ko. nabibigay sakin ng magulang ko ang lahat - pera, sapatos, pagkain kapag weekend at nasa bahay ako, um, pera. meron ako nyan, sobra sobra. may isa nalang akong kulang: pamilya. uh, full-time pamilya. magaanim na taon na akong tuwing weekend lang nasa bahay. weekend lang kasama ang pamilya. sobrang naiinis ako; mas close pa ang kaibigan ko sa mga kaibigan nya kesa sakin. ganun din ako. takte talaga. kapatid ko na nga sya eh. hindi pa ako yung taong magaling makipagkaibigan - gusto pero hindi marunong. kaya gustuhin ko man, mahirap. namimiss ko na nga yung mga panahon na nagaaway kami. familiarity brings contempt. matagal na yon, bago pa ako tumungtong ng high school.
wah. ayusin ang buhay. sige ilalagay ko yan sa notesToday. ayusin ang buhay
oo nga pala, second goal/backup plan ko: kung hindi ako maging pinakamalupit na tao pagtanda ko, dapat ganun ang kapatid ko. pero ngayon pa lang nakikita ko na na malaki talaga ang potential ng kapatid ko. hindi ko alam kung paano isstress, pero malaki talaga ang potential ng kapatid ko. basta ayusin ang buhay. tama na blog.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment