Sunday, August 21, 2005

Method of Undetermined Coefficient and the Characteristic Equation

paano ba ang characteristic equation ng pagkakaibigan? hindi ba dapat parepareho yun sa lahat ng linear elements? iniisip ko kasi eh, bakit may kaibigan na nagtetext sa isa pang kaibigan kung nasan sya para may makasama siyang kumain? o kaya bakit may kaibigan na hindi napapansin na umalis na sya sa grupo habang ang isang kaibigan hinahanap palagi kahit hindi nagpapahintay. o kaya naman ay sinasamahan kahit saan kahit na hindi naman nagpapasama pero yung iba ayos lang iwanan. hindi ko maintindihan eh. ibig sabihin ba may stratification ang pagkakaibigan? tipong ang level ng taong ito, dapat hintayin yan hanggang mabunot ang ID nya habang etong is pede nating iwan at sumunod nalang sya. ang galing eh. parang may mutual consensus yung pag-asign ng friendship-strata. hindi na pinagiisipan - alam na nila ang procedure. pero ako hindi eh. penge naman ng hierarchial membership affiliation list.

eto talaga ang iniisip ko. sa mga capacitor at inductor, hindi in-phase ang current at voltage. at ang phase displacement ay nadedeterming ng resistors sa circuit. tumataas ang caste mo kapag maayos ang complete solution mo. ang complete solution ay nagcocomprise ng homogenous solution at particular solution. swerte ka kung maayos ang homogenous solution mo kasi yan ang unang nadederive ng mga tao. kapag meron ka nyan mabilis nalang ang iba. idagdag mo ang particular solution para makuha ang complete solution. alam naman natin na eto talaga ang pinakaimportante.

yan ang prublema ko. ang gusto kong kaibigan, yung tinatanggap ako dahil ako. ang particular solution kasi, pwedeng plastikin, lalo na kung ang katumbas nya sa table ay yung malupit na function described by j(t)=lambing(3t) at ang lahat ng derivatives nito. ayokong bumubuntot sa isang grupo kung saan nagmumukha lang akong desperado. inggit. yung nga lang, paano ko aayusin ang particular solution ko kung hindi ko icclose ang switch at time t>0. hindi ko din naman kayo masisisi kasi nga, sino ba si PJ. sa tingin ko, dapat pagbutihin ko nalang ang particular solution ko. dapat maging k(t)=totoong+tao. yun nalang ang pinakamabuti kong magagawa, na sana mapanindigan ko. sana lang hindi kayo mabulag at umayaw kapag nakita nyo na pangit ang homogenous solution, sobrang taas kasi ng order. hindi pa integral ang coefficients.

pinakaayos pa rin ang pamilya. purely resistive circuit.

3 comments:

Iris Diaz said...

Wala. Ang amazing (ng blog) mo.

Masyado akong napapaisip. Dapat hindi na ko nag-iisip ngayon e.

Anyway, hindi ka naman nag-iisa sa mga ganyang problema. Lately, ganyan rin ang mga problema ko; hindi lang halata kasi mukhang hindi naman ako yung taong palaisip.

Parang ngang ayoko na tumanda, kasi gumugulo ang buhay. :(

notpj said...

oi foxgaze sino ka :)

Iris Diaz said...

gagi pj. si iris to.