nagexpire ang lexisgoo dictionary ko kanina. mayamaya nagexpire naman ang SPB diary. yun pa naman ang dalawang pinakagamit na app ko. inayos ko na dapat kanina, pero hindi ko alam na mageexpire na pala sila.
nakalimutan ko na kung paano magdeclare at initialize ng structures. ngayon lang din ako nakakuha ng first hand experience with linked lists. ayos naman pala. medyo naaaksayahan lang ako sa memory (may link pointer pa, tapos yung abstract representation kasi ng node eh "robust" ang impression sakin. namimiss ko na pala ang programming. kesa sa circuits (eee13 vs eee33). hindi ako nae-ADD sa C, atsaka mas masipag ako. 11:44 na. ayoko pa rin tumigil. Ang sarap ng pakiramdam kapag pinindot mo ang "f5" (compile macro ko sa Crimson editor) lalabas "terminated with exit code 0"; walang error. pahamak nga lang kung magsegfault. wala pa naman akong DDD for windows.
No comments:
Post a Comment