Saturday, August 20, 2005

argumentum ad misericordiam

inaalala ko yung sinabi ni jang, may kinalaman sa o2 ko at sa CWTS nya. tipong ilang pamilya ang mapapakain ng o2 ko. wala akong galit kay Jang. bilib nga ako eh. buti nga nabanggit nya yon kasi napaisip ako tungkol sa katarungan ng mundo. kinuwento ni jang yung child labor:
may mga bata na ang trabaho ay magtanggal ng taba sa balat ng baboy. sila ang nagbubuhat at naghihiwa. at ang sweldo nila, tatlong taba ng baboy
may iba naman na nagtatrabaho sa pagbuhat ng cemento. eh maalikabok at nasisinghot nila ang cemento at tumitigas sa ilong nila at lalamunan. kapag tinatanggal nila sa ilong syempre may sumasama na balat at nagdudugo. sa lalamunan naman, umiinom sila ng lambanog para matunaw. nahihirapan silang huminga kung hindi.
marami pang ibang storya. tanong nyo nalang si jang. habang kinukwento nya sakin yin sinusubukan kong ijustify ang mga luxury items NATIN. kung aalalahanin ang sinabi ni jang, lahat ng taong may telepono dapat may pananagutan sa mga taong naghihirap (mas malaki lang siguro ang pananagutan ko). ang nasabi ko lang kay jang: "ang iniisip ko, who's to blame? sino ang may kasalanan?". may mali bang nangyayari? binabalikan ko si Rousseau at Aquinas.

Systematic Procedure:
1) ano ba dapat ang nangyayari?
equality ni Rousseau: no man is rich enough to buy someone or poor enough to willingly sell himself. sa ganitong position, wala nang biktima ng child labor at oppressed workers dahil sa pressure ng kahirapan. sa ganitong palagay, ang habol natin ay equality. susubukan kong ipilit ang income equality. sang-ayon naman kayo diba? income equality, na hindi magkakalayolayo ang kinikita ng mga tao. diba maayos yon? (bale Ge, ok talaga itong income equality)
kay aquinas: "St.Thomas Aquinas defends slavery as instituted by God in punishment for sin,
and justified as being part of the ‘right of nations’ and natural law." (liberalslikechrist.org/Catholic/slavery.html). ibang klase no considering na Saint si Aquinas. sa ganitong palagay hayaan nalang natin ang lahat kasalanan nila yon.
2) ano ang dapat ginagawa?
kay Rousseau, dapat lang na binibigyan natin ng limos ang mga pulubi. it's a way of maintaining equality. kay Aquinas, mali yon. deserving sila sa ganong buhay kasi may kasalanan sila.
sa akin naman: malaking bahagi ang awa. pero naaalala ko na may nabasa akong malaking karatula na nagsasabi na labag sa batas ng Pilipinas ang magbigay ng limos. napapaisip ako kapag naglalakad ako sa Philcoa, o kaya pag may nakikita akong musmos na batang madungis na pagalagala. wala silang kasalanan (tangina nasan ang mga magulang nito). pero sa pagbigay ng limos, merong nagsasabi na pambibili lang nila yon ng drugs, o kaya ibibigay sa sindikato.
minsan bumibili ako ng hamburger sa krus na ligas. may dumating na babae na nagtanong ng presyo ng cheeseburger (hamburger lang inorder ko). hindi nya tinuloy kasi namamahalan sya, pero mukhang gutom talaga sya. may hawak syang ilang barya. pagkaalis nya naisip ko sana pala nilibre ko sya.

No comments: