Thursday, November 24, 2005

magpapadala ng sulat. magpapadala sa lunes. magpapadala kay juan. m agpapadala sa hula. (pero mas mahal talaga kita riyeth)

naaalala ko nung isang "konde gang" (formerly confed) outing sa EK, may nadaanan kaming manghuhula. ang unang pumasok sa isip ko, lugi ang negosyo nung manghuhula. sino ba naman kasi ang magpapahula sa loob ng EK. either nagbayad sya sa EK para makapagnegosyo sa loob OR kinuha sya ng EK para manghula sa loob, dagdag ambience sa theme ng EK. mas naniniwala ako sa second theory, pero kung ganun dapat man lang libre yung pahula. eh sinisingil kami ng dalawang daan para sa aming lima (o anim ata. doesn't matter). yung unang theory naman, di kapanipaniwala. kasi alam mo naman siguro na hindi theme-park goers ang target market ng hulaan. either way at true enough, wala nang nanghuhula ngayon sa EK. si paul balite ang naunang nakapansin sa manghuhula. sya din ang nagtanong kung magkano, nagcompute kung magkano ang paghahatian namin sa bayad, at nagencourage samin na magpahula. fun daw.

di pa ako nagbabayad ng kahit ano para magpahula. hmm, wala akong natatandaan na pagkakataon na nagbayad ako para mahulaan ang kapalaran ko.

nung nagyayaya si paul na magpahula kami, sa loob loob ko natatakot ako. tama bang gawin yun? nung panahon kasi nun, malakas pa ang pananalig ko sa katolisismo. pero kung lahat sila ay game magpahula e di sige payag na ko. peer pressure. si mitchell cabrera ay tutol. may pagkareligious yan si mits eh. nagsisimba linggolinggo etc. ngayon, ayan, verbal affirmation, nagdududa na ako sa ilang doctrines. di na ako ganun kareligious (pero mabait ako ha. naniniwala pa rin ako sa notion ng good at evil. basta. sa ibang blog entries ko pa yung ieexplain). pero ngayon, mas tutol na ako sa ganung panghuhula. at iniisip ko kung bakit. hindi ko ba talaga alam kung bakit o ayaw ko lang malaman kung bakit?

"God has mercifully withheld from humanity a foreknowledge of what will sell" Bernard Miles. (nakuha ko sa lemonade tycoon)

first of all, saan nanggagaling ang "power" o skill ng panghuhula. definitely, walang scientific basis ang panghuhula. pero kung nga ito'y isang tunay na phenomenon, dapat ka nang magduda kung saan nanggagaling yung knowledge.

turn on Pan - Hula
ale ale, ale ale ale, ano ano ano ano ang sinasabe, ng baraha, ng kapalaran, gusto kong, malaman...

bias aside, may mabuti bang maidudulot ang knowledge of the future? personal benefits, definitely meron yan. palagi kong pinapangarap na makakuha ng time machine at itatama ko ang lahat ng mga maling desisyon ko sa buhay, unang-una na ang pagdodorm sa pisay (to be explained sa ibang blog entry uli). pero paano kaya kung lahat tayo ay kayang malaman ang kapalaran natin? makakatulong kaya sa atin (as human beings)? ahm, disastrous ata. anong klaseng gulo ang mangyayari kung malalaman mo na yayaman ka/malulugi ang negosyo mo/mas mahal ka nya kesa sa mahal mo sya. parang magulo ata ang mundong ganun. may halong paradox, kunyari alam mo na malulugi ka sa isang business, e di syempre di mo na itutuloy yun. eh paano na yung hula? e di nagkamali yung hula? tapos pa, kung ganun ang kalagayan, e di wala nang negosyong nalulugi? at hmm, sa tingin ko disastrous sa economy kung lahat ng tao ay magtatayo ng business, at ang lahat ng iyon ay kikita. imosible kasi na magcocoexist effectively
ang lahat ng businesses.

mas tutol ako sa kapangyarihan ng panghuhula ngayon (kaysa dati) kasi nagdududa ako sa pinanggagalingan ng knowledge.

gusto ko sanang paniwalaan yung natanggap kong sulat, pero hindi nga dapat diba. kaya lang, nabasa ko na. gagamitin ko ba yung natutunan ko sa nabasa ko? dapat hindi, pero dapat naman ata gawin ko yun kahit na hindi dumating yung sulat.

2 comments:

Anonymous said...

you're wrong..

notpj said...

i know


(puta hindi ko alam kung ano gusto ko palabasin dito sa entry na ito ah. wala ding direksyon yung train of thought ko)