Sa terminal ng RORO sa Calapan, Mindoro
Naghihintay ng 1am, kasi ganung oras aalis ang barko.
Bora. Boracay. Naplano ng pamilya namin na pupunta nga kami sa Boracay nitong long weekend, nov 26-28. Mga opportunity costs: bukod sa di ako makakapagaral (talaga), di ako makakasama sa akyat-bundok open climb ng UP Mountaineers. Looking forward for that. Pero sige, minsan lang magboboracay.
Medyo magulo lang ang battle plan. Saturday ng umaga, di pa namin alam kung paano makakarating sa isla ng boracay. Ahm, sabi mga 1pm pa daw aalis. Sige, tamang tama, magbbike muna ako (tatlong linggo na akong d nakakapagride). Nakafull battle gear na ako: jersey, padded shorts, gloves, yellow tinted shades (effective sa green trails). Nasa pacita na ako, on the way to the Carmona trail, nang tumawag ang tatay ko kasi may nakuha daw na 10am flight.
To make the long story short (tinatamad na kasi ako, at nauusukan ako sa naninigarilyo sa harap ko, at mauubos na ang karga ng battery ko) (natuluyan na nga ang battery. Ngayon nakikisaksak ako sa isang room na dapat talaga ay security area, pero wala naman talaga security checks dito. May xray machine nga, d naman ginagamit. Teka picturan ko.
Insert picture nung xray machine here
ay di na pala kaya kasi low battery nga ako. Mayamaya kapag nakacharge na ako ng matagaltagal, at kung maalala ko na magpicture nga mamaya
Ulit
To make the long story short (sa totoo lang, di ko lang talaga kasi maalala kung ano ang nangyari in between. Kung tinatamad lang talaga ako e di dapat di na ako nagsulat ng pagkahabahabang litanya na off topic), 3am kami nakaalis, gamit ang eroplano na Asian Spirit. Nakapagride pa sana ako. Pinagisipan pa kasi kung magroRORO ba o eroplano, at naghabol pa ng tickets. Lumipad kami paalis ng Luzon patungong Caticlan-Boracay, na walang matinong plano kung paano kami babalik sa bahay. Basta.
Ayos na talaga sana eh. Masaya ang boracay. Astig yung pagpasan ng mga tao sa mga iba pang tao para hindi mabasa ang paa nila pagsakay sa banka
Hindi astig yung sobrang commercialized na ang karamihan ng Boracay. Sa totoo lang, disappointed ako nung unang tungtong ko sa isla. Unang una, sobrang daming tindahan. Nawawala yung pagkavirgn nung beach. Pangalawa, hindi pino ang buhangin. Hindi talaga. Pero ang astig, yung habang naglalakad ka papuntang station 1 (or 3, basta habang lumalayo), kumokonti ang tindahan at pumipino ang buhangin, hanggang sa naaapreciate ko na yung lugar.
Hindi astig yung homework na gumugulo sa isip ko buong trip. Hanggang ngayon d ko pa rin nasusulat sa papel, pero nasulat ko na dito ang solusyon sa telepono ko.
SOBRANG ASTIG ng SEA WIND, ang resort na tinuluyan ni Gloria, at ang SECRET WIFI nito. Ayos. Kaya nakuha ko pang idownload ang eee 23 hw ko pati yung lectures. Yeah WIFI. Kaya lang di ko naaccomplish yung pangarap ko na makapaginternet habang nagrerelax sa hammock. Di abot yung signal sa pinakamalapit na hammock eh.
Pero eto ang pinakamalupit sa lahat. Ang pinakamagandang nasa Boracay. Walang tatalo.
Ayos diba? Kaya lang biset itong pauwi. Ang tagal. 5am ang dating namin sa bahay. Di naman makatulog kasi palipatlipat ng sasakyan.
Addendum: that was fun. Let's never do that again
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment