Wednesday, October 26, 2005

damn. mellitus

anlayo sa isip ko. hindi ko inakala. naaalala ko pa dati, sa mga kakilala ko na may diabetes, naiisip ko, buti nalang hindi ako ganun; ang hirap siguro ng buhay ng ganun. pero gaya nga ng sabi ko, ang mga bagay na hindi ko inaakala ay palaging nangyayari. walang mintis.

madaming nakapansin. oy PJ, pumapayat ka. wala talaga sa isip ko ang magpapayat. nagpapataba nga ako eh. ayoko ng payat. bigla daw ang payat ko. naaalala ko si geni, nung debut ni monika, nagkamali pa nung unang sabi "uy pj tumataba ka" tapos binawi na sobrang payat ko pala. tatay ko din, nabahala siya nung isang beses na sinundo ako sa megamall, sobrang payat ko na. iniisip ko, siguro kasi masagwa lang ang kain ko sa UP, bihira magbreakfast etc. sige, aayusin ko nalang ang kain. di ko alam kung kelan nagsimula eksakto, pero nakakahalata na ako.

unanguna, nakakaramdam ako nung mga "tingling sensation", yung tipong mahinang prick ng karayom sa binti paminsan minsan. nothing serious nung una. tapos napapansin ko na palaging tuyo ang bibig ko (mabahong hininga :), at tubig lang pala ang dahilan. dehydrated ako palagi. anlakas ko na sa tubig. kasama ng pagpansin na payat ako nilakasan ko kain, lalo na sa kanin, carbs, malakas magpataba yun. pero kung alam nyo lang, sobrang bilis akong gutumin at anlakas kong kumain. tapos pa, kalimitan pag nasa bahay, yun bang pagweekends na di ko kelangan pumasok kasi nasa bahay lang, pagdating ng hapon eh bagsak ako. parang nanghihina, na ayaw kong tumayo sa kama. kapag ganun, di din ako makapagisip/aral ng maayos. napansin ko na kelangan lang ng konting exercise para bumalik ang sigla. ayos naman yon, at least nagkakaroon ako ng rason na magexercise, pero yun nga nakakabahala. tapos napanood ko yung segment ng Newton's Apple sa knowledge channel kung saan binanggit na isang symptom ng diabetes ang weight loss, kahit na gaano kalakas kumain.

quoting isang website tungkol sa diabetes (kanina ko lang niresearch)
What Are the Signs and Symptoms of Type 1 Diabetes?
A person can have diabetes without knowing it because the symptoms aren't always obvious and they can take a long time to develop. Type 1 diabetes may come on gradually or suddenly.
Parents of a child with typical symptoms of type 1 diabetes may notice that their child:
• urinates frequently. The kidneys respond to high levels of glucose in the bloodstream by flushing out the extra glucose in urine. A child with diabetes needs to urinate more frequently and in larger volumes.
• is abnormally thirsty. Because the child is losing so much fluid from peeing so much, he or she becomes very thirsty to help avoid becoming dehydrated. A child who has developed diabetes drinks a lot in an attempt to keep the level of body water normal.
• loses weight (or fails to gain weight as he or she grows) in spite of a good appetite. Kids and teens who develop type 1 diabetes may have an increased appetite, but often lose weight. This is because the body breaks down muscle and stored fat in an attempt to provide fuel to the hungry cells.
• often feels tired because the body can't use glucose for energy properly.


(pero nagsimula akong pumayat nung first year HS. dun kaya nagsimula? damn, tagal nun. pero sa tingin ko pinakadrastic nung pagtapak ko sa college. dun din sumulpot ang symptoms)

at ayun nga. matagal na akong nagbalak magpablood test. natatandaan ko talaga na nabanggit ko yun minsan sa nanay ko at kapatid ko (pero hindi masyadong seryoso). medyo natawa lang sila, pero sige daw magpabloodtest ako. eh syempre, procrastinator ako, kaya kanina lang, kasi meron palang blood sugar monitor ang tito ko, ay sumubok ako. after lunch, before merienda. ambigat ng lunch ko nun, kasi gutom na gutom ako dahil nagjogging kami ng tatay ko.

pinauna ko ang tito at lola ko, in that order, kasi natatakot ako sa prick nung machine na pang prick ng daliri. 159 at 160+ sila, respectively; ang normal ay 120. diagnosed diabetic sila matagal na. basta yun. hindi naman pala masakit yung prick. unusually matagal yung pagcalculate. tapos teden, 191 ako. teden.

medyo kinabahan ako, pero medyo lang. magaling magtanggal ng pagkaseryoso ang sitwasyon ang mga pinsan ko. umuwi ako, binanggit sa nanay ko (wala ang tatay ko as usual). nung una straigh face, pero di ko napigilan napaluha ako, akyat agad ako para hindi makita. balik composure, tapos tv. tapos kaninang dinner, kasama tatay ko. inisip ko nabanggit na siguro ng nanay ko sa tatay ko, pero mukhang hindi. inisip ko kasi, medyo malupit ang reaksyon ng tatay ko sa mga bagay concerning kalusugan, kaya hindi binanggit ng nanay ko. pero kelangan banggitin, nanay ko kasi sabi lang na iwas sweets ako. lul, di ba dapat pacheck up ako, major lifestyle changes etc? ang tatay ko siguro yung magbbring-up nun. kinwento ko. teary eyed uli. tapos sabi lang, walang kwenta yan, exercise lang. KUMAIN KA LANG NG MADAMI (kasi nga namamayat ako). binanggit uli ng nanay ko na iwas sweets. TATAY KO PA TALAGA YUNG KUMONTRA. "hinde ok lang yan". damnit. wala bang nakakahalata ng gravity ng sitwasyon ko. demet. para hindi mapansin na maiiyak na ako, akyat ako ng kwarto, umiyak, nagpunta sa best friend internet, nagdownload ng articles tungkol sa diabetes, pnrintout, at bukas ilalagay ko sa ref para basahin nila. lul.

lifestyle changes. isang nagustuhan ko sa diabetes: maiiwasan mo ang medication basta magexercise lang. i could do that, and would love to do that. sa totoo lang, naiyak ako kasi di binibigyan ng importansya ng magulang ko eh, tapos konting-konting awa lang sa sarili. pero takot sa diabetes wala. medyo ayos naman eh. isang matututunan ko sa diabetes: DISCIPLINE. masaya na ako dun. kelangan kong magundertake ng lifestlye changes, na dapat naman talaga ginagawa kahit hindi diabetic. pinakaimportante na ang regular exercise. siguro ang pinakatakot ko yung magturok ng insulin. healthy eating kaya naman. ayos naman eh. KELANGAN KO LANG NG SUPORTA NG MGA TAO. atsaka bili nyoko ng bike. yung Maestro Trance ng Giant.

simple lang naman ang gusto ko sa buhay. magkaroon ng pinakamalupit na pamilya. yun lang. pagbigyan nyo na ako.

2 comments:

iya said...

KELANGAN KO LANG NG SUPORTA NG MGA TAO. atsaka bili nyoko ng bike. yung Maestro Trance ng Giant. --> dito lang ako ha?..=) basta. wag mo kakalimutan yan. aba, diba dapat inaalagaan ng anak ang tatay?:p haha nambabarbero ako.

pero yung bike.. umm.. takot ako sa bike. sori wala kang makukuhang bike sakin.

baka nga pala di mo pa ko kilala. sige ka magtatampo ako.=(

smile =)

laurice said...

waw.. kaya pala uber payat mo lately.. hindi naman siguro sa walang pakialam tatay mo pero baka ayaw lang niyang magmukhang weakling or watever.. baka tulad ng ginagawa mo, ayaw lang niyang magpakita ng emotions.. pero newei tatay mo yun so mas kilala mo siya.. balak ko pa namang bigyan ang eee gang ng black chocolate for christmas for brainpower.. pero hindi ko mapapalitan ng bike yun kasi ayaw sakin ng bike at ayoko rin sa kanila.. haha.. basta kaya mo yan! kaw pa;D