1) wag ikahiya ang sarili at ang pamilya.
-Bakit pa? Ikaw yan. Lalong lalo na, pamilya mo yan. Bago ka magmahal ng ibang tao mahalin mo muna ang sarili mo (kasama yan sa kantang "ako ito" (see: it's not gonna happen)). At kahit ano pa ang pamilya mo, mamahalin ka nyan. Kung hindi man, mahalin mo pa rin sila. Isipin mo nalang, anlaki ng investmant nila sayo. Imposibleng di ka nila mahalin.
Corollary 1.1) wala kang dapat ikahiya. Kung meron man, eh tangna alam mo pala eh. Baguhin mo.
2) hindi mo sila kelangan
-sa buhay, lalo na sa buhay kolehiyo, walang cool na grupo na dapat salihan para maging cool ka. Hindi mo kelangan magpilitan sumali sa kanila. Walang cool na tao, ikaw lang ang cool sa mundo.
3) ikaw hindi ka cool
-hindi ka DAPAT nilalapitan ng tao para makisama. hindi ka cool at sila uncool at hindi mo na sila pakikisamahan. hindi sila uncool. parepareho lang tayo. pakisamahan mo lahat. tratuhin mo ang lahat ng tao na pantay pantay. tangna, hindi ko sinasabing MAGSTOOP DOWN ka at makisama sa ibang tao kasi PANTAY PANTAY lang tayo
4) wag mong tipirin ang pagkain
-wag mong tipirin ang masustansyang pagkain, at magpasalamat ka kung hindi mo kelangan tipirin ang pagkain.
corollary 4.1)
wag magbawas ng pagkain. ayaw na ayaw ko ang babae na nagbabawas kumain para pumayat. magexercise.
corollary 4.2)
(galing sa tatay ko) kahit ano para sumarap ang kain. itabi muna ng konti ang manners (diba jang). walang kaso ang masarap kumain. kamayin mo. masarap yung nakadikit sa buto eh.
5) ayusin ang buhay
-at pag sinabi kong buhay, hindi ko sinasabing academics. far from it. wag na muna natin isama ang relihiyon, kasi ibaiba tayo dyan. una sa buhay: ang sarili, kalusugan. pangalawa ang pamilya. pangatlo ang kapwa. medyo malayo pa ang pagaaral. may kalikasan pa, bansa, prinsipyo etc.
6) stay in present space
-inaamin ko medyo nahihirapan ako dito. present space (as opposed to thought space) yung state ng awareness na, hmmm, nasa physical world. example, kung nagbabasa ka, masasabi mo na ang salitang ito ay "presario" kunyari. nasa thought space ka kung yun lang ang napapansin mo. pero pag nasa present space ka, mapapansin mo na ganito pala yung font nya, kulay ganito pala etc. o kaya naman pag nakakita ka ng silya. kung sa present space, hindi lang basta silya, may sticker pala yung silya, medyo madumi na. sa present space kasi, iniiwan ang subconscious. hinahayaan na "sub" ang subconscious. basta nakakatulong daw yun eh. kapag daw 80% of the time eh nasa thought space ka delikado ka na. teka hanapin ko yung resources ko
7) ang tv, nakakapurol ng ulo
-bawasbawasan ang panonood ng tv. at kung manonood ka man, as much as possible educational (sir malquisto). binabalaan kita michael ignacio. masaya ang seconds from disaster at megastructures ng national geographic. bigyan nyo ako ng discovery channel para sa myth busters at junkyard wars at kung anoano pa. malupit ang inquiring minds (is number 1). baka maging manhid ako sa mad TV
8) magaling pala talaga ang beatles
9) magaling talaga ang The Mars Volta
10) ants are not intrusive, they just don't know what's not theirs
No comments:
Post a Comment