meron akong gustong sabihin sayo talaga. at meron pa akong ginawang deadline na masabi ko yon sayo. naiinis ako sa sarili ko. palagi na akong kinukulit ng kalendaryo ko na sabihin ko na sayo yung nararamdaman ko. araw araw naman dapat kitang nakikita, pero hiniling ko talaga na makausap kita ng tayong dalawa lang.
napakabait sakin ng tadhana, mahina lang talaga ako. tatlong araw bago ang deadline ko, pinagbigyan ako na makasama kita. binigay na sakin lahat. lahat na talaga. pero hindi ko pa rin sinabi. ang galing nga eh. yung gabing yon ang huling araw na makikita kita bago ang deadline. parang sinadya na noong gabing yon kita makakasama. Para bang sinabi sakin: "o ayan, yan yung hinahanap mo ha. Wag mong sabihin na hindi kita pinagbgyan". pero hindi. wala akong ginawa.
pinupuyat mo nanaman ako. gigising pa ako ng maaga bukas. bakit kasi ikaw eh. sige na pagbigyan mo ako. kahit na makasama lang kita paminsan-minsan para mas makilala kita. ang dami ko pang hindi alam tungkol sayo. bakit kasi, kapag ikaw na ang kaharap, hindi na ako makapagsalita. pinipilit ko nalang na magsalita para hindi ako mapahiya sayo. pero dahil pilit nga, mas napapahiya pa ako sa mga sinasabi ko.
alam kong malayo sa isip mo ang ganito. mahirap nga siguro kung hindi mo talaga gusto yung tao. syempre pati ikaw magsasakripisyo kung may manliligaw sayo. pero, ewan ko. kung itutuloy ko man, pati ako hindi ko alam kung pano magsisimula! Pero sabi nga, mas mabuti nang subukan at mabigo kaysa hindi sumubok. Siguro sabihin ko muna sayo dapat nararamdaman ko. mukhang extended naman ata deadline.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment