Pinakita sakin ng kapatid ko yung naligaw na slug sa kusina namin. Mukhang linta pero may stalk eyes. Kulay dark brown. Ewan ko ba. Hindi ko mapatawad sarili ko. Sinabi ko sa kapatid ko na pag binudburan mo n asin yun masasaktan yung slug. Naintriga tuloy ang kapatid ko kaya kumuha sya ng asin at binudbod nya.nung una hindi gumagalaw yung slug. May naiwan na isang butil ng asin sa likod nya. Mayamaya biglang gumalaw na yung slug. Akala ko normal lang at hindi umeepekto yung asin. Makalipas ang ilang minuto nakikita ko na may lysis dun sa parte ng slug na may asin, at medyo natutunaw na din yung asin. Paikotikot yung slug. Naawa ako sobra. Ang hapdi nun. Naalala ko yung osmosis. Inalala ko kung sa balat nga ba talaga ang respiration ng mga slug. Naalala ko yung concept ng higher concentration to lower concentration. Nilalabasan ng tubig ang slug kasi mataas ang concentration ng salt sa labas.
Ano bang mali ang ginawa sakin ng slug? Nakapulupot sya paikit nung huli king tiningnan. Dapat pinabayaan ko nalang. Pipicturan ko sana kaya lang tinapon na sya ng nanay ko. Kawawa naman nasa basurahan na sya. Sana macompensate naman ang hirap na dinanas nya, wala naman syang ginawang masama. Kung ano man mangyari sayo pagnamatay ka na sana ok lang.
sinabi ko sa kapatid ko na tingnan nya yung slug (bago itapon ng nanay ko) sabi nya kadiri yung itsura, nakabilog, hindi na masyadong gumagalaw. Nararamdaman ko yung hapdi. Naalala ko yung sinabi sakin ng kapatid ko pagkatapos kong sabihin yung tungkol sa asin. "talaga? Tara itry natin". Tapos ang sabi ko, "ikaw". Dapat talaga sinabi ko na wag nyang ituloy.
Sorry slug
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment