sa tingin mo, gaano katagal tatagal ang isang normal na estudyante sa up na walang ID? ako kasi, 2nd year na, wala pa ring ID hanggang ngayon.
nabubuhay ako gamit ang form5, resibo ng ID, bola at awa. bale nagkaroon na ako ng ÌD dati (end ng second sem first year), pero hindi "official". kasi naman, nilagay nung manong na nagIID na college of science ako, e engineering naman talaga ako (2nd year, bsECE). syempre hindi yon tinatanggap sa libraries kasi walang countersign, ayaw naman ng eng'g lib na icountersign nila yung ID ko kasi college of science nakalagay. atsaka isa pa, nawawala na yun ngayon eh (di ko nga nagamit nung enrollment kasi nga nawawala)
bale, ang kelangan ko para magkaID ay bagong resibo (130php), tapos papicture uli. kelan lang nakapagbayad nako (pero di ko pa nagagamit yung resibong yun na "temporary ID". Tapos ngayon naisip ko, gaano kaya ako katagal tatagal sa UP na walang ID? bale, library lang naman ang malaking balakid sa pangarap ko eh. hindi nalang ako papasok sa mga lib.
ang goal ko makagraduate ako ng UP na kelan man ay hindi nakakagamit ng legit na ID. kung kayo o kakilala nyo ay merong kaparehong pangarap o may alam kayo na "UP record" na "longest time in UP without a legit ID" sabihin nyo lang sakin. tayo kaya ako ng Anti-ID club...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment