Iba talaga ang peyborit na Lola Lita's Canteen
Pagkatapos ng math ko inisip ko na pumunta ako sa SC para kumain ng early dinner (4:30, healthy naman ang ganun diba. Before 6 diet ata tawag). Habang nasa jeep yinaya ko si jm na kumain, pero nasa pisay daw sya. Inisip ko na hintayin ko nalang sya at sa gabi nalang kumain. Nasa SC na yung jeep nung bumaba ako para maglakad pabalik ng bahay sa KNL. Habang naglalakad naalala ko na hindi pala ako nagbayad sa jeep.
Pagdating sa boarding house kinuha ko yung flash drive ko kasi magiinternet ako sa isang rentals sa KNL (Dizontech, ilan sa mga rentals na pumapayag magsaksak ng flash drive). Natapos ako ng mga 8:00, hindi pa rin nagtetext si jm at hindi pa rin ako kumakain. Nasa KNL ako, saan pa kaya ako kakain? Syempre sa SC. Tnext ko na din si jm baka kakain din sya, pero kumain na daw sya. Pero sige, sc pa rin. Medyo umuulan na nung bumaba ako ng jeep, pero naalala ko na na magbayad.
Naknang, si Lola Lita's Canteen, magsasarado na. Wala nang masyadong ulam. Ganun din sa Rodics. At ayoko dun sa isang kainan na hindi ko alam ang pangalan kasi hindi condusive to eating yung lugar. Napunta ako dun sa bagong kainan na may oriental theme. Ok naman yung inorder ko na kimbap, parang korean beef ng Lola Lita's Canteen.
Paglabas ko napakaswerte ko. Hindi kasi malakas ang ulan eh. Hindi BUMUBUHOS. Tama talaga. Sinugod ko ang ulan para makapag-abang ng TAXI sa shed. Pero walang dumadaan eh. Sumuhod na nga ako sa kalsada para humarang sa isang taxi pero may sinusundo palang pasahero yung taxi. Nang mawalan na ako ng pagasa makakuha ng taxi napilitan akong mag ikot nalang. ok na sana kung hind lang adik yung nasapedicab na nasakyan ko (nagsasabi ng gibberish habang nagbbike). pero pinagtyagaan ko na sya lang kasi ang may lakas loob na magbike sa gitna ng bagyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment