Saturday, December 03, 2005

debauchery 1.0 - magkalat sa Pilipinas

FOREWORD
sige meet tayo bukas ha. 7am mrt cubao
ang plano: unplanned commuting adventure

email sent the day before:
--------------------------------------------------
our DEBAUCHERY: an fun commuting adventure trip around metro manila

we will meet and commence THE experience somewhere in quezon city (siguro philcoa) around 7am

armed with
1) 500 pesos communal money in loose change (for fares)
2) money for food (around 100 pesos each)
3) up to 500 pesos each emergency money hidden inside our socks (pang taxi)
4) one disposable camera
5) walkie talkies (optional)
6) one cheap emergency cellphone (mits, kung meron ka, pheram. temporary trade?)
our goals are, but not confined to, as follows:
1) reach luneta park
2) have lunch in san juan
3) reach a place we all have never been before
4) use only public mass-transportation systems. this does not include taxis

sina marco konde ay mukhang sigurado na
kayong iba iconfirm nyo, text nyo si pj sa 0917-929-2660
at sa mga makakatanggap nito, pakidisseminate na din ng information
para maayos na yung resources natin (san kukuha ng disposable camera etc)

yun lang
pj
--------------------------------------------------
 

Thursday,  November 3, 2005

nagtext si paul. sa cubao mcdo nalang magmeet. takte oo nga naman. mas convenient maghintay sa mcdo kesa sa vague MRT diba

6:30a - nagtext sakin si marco, paalis na daw sya
7:00a - nagtext silang tatlo. nasa mcdo na sila. si PJ - 'on the way na'
ganito kadaming pictures ang nakalipas bago makarating si PJ



9:00a - dumating si PJ. 7am pala ha

eto yung mga pictures nung 7am

ang gear
paul: payong, pitaka+pera, camera phone. walang pera sa sapatos

marco: pitaka+pera, extra tshirt at pabango (na hindi ko alam kung san nya tinago. sa bag ata ni konde), camera phone. wala ding pera sa sapatos

konde: bag (na may laman na toothbrush), pitaka+pera, camera phone (siya ang naging official cameraperson namin). walang pera sa sapatos.

pj: bag na may laman na toothbrush, ID, plastic egg na may laman na pera, 200 pesos na nakasuksok sa sapatos (medyas). yun lang. wala halos laman yung bag.

disposable camera pala ha


nagkitakita na. wala ngang plano diba. hindi namin alam kung saan na kami pupunta. basta dapat makapunta kami sa luneta at sa san juan/santa mesa. kung may oras magdadampa kami. pero sige, napagisip namin na pumunta na nga sa luneta. paano? paano nga ba. nagsimula kaming lumakad papuntang megatren. teka, bat kami pupunta ng megatren? may papuntang luneta ba dun? sabi ni paul magbus nalang daw. punta kami sa terminal ng bus. teka, diba dapat sa kabilang side tayo sumakay? basta nagkagulo. si konde ata yung nakaisip na magMRT papuntang LRT, tapos LRT papuntang UN ave. malapit na yun sa luneta. sige e di pila kami sa MRT. takte ang haba ng pila, alas nuebe na kasi eh. dapat alas siete pa kami umalis. tsktsk. sa kalagitnaan ng mahabang pila may nagbanggit (si marco ata) na sana nagpunta nalang muna kami sa santa mesa/san juan para makapaglunch dun, tapos hapon na kami pumunta sa luneta para makita ang sunset. game, sabi ko tara alis na tayo. nagalit sina paul sakin at ipupukpok na daw nya yung payong. hade tuloy na kami sa luneta.

pinagusapan namin sa MRT yung center of mass at balance, siguro dahil physics major si paul. nakarating kami sa transition area ng MRT at LRT. gutom na si PJ kaya bumili muna sya ng siopao, na kinailangan nyang ubusin bago dumating ang tren. dumating ang tren pero 4/5 pa lang ang nakakain nya. sinubo ang natira sa siopao, tinanong sa guard kung nasaan ang basurahan. hinabol namin ang LRT kasi baka maiwanan kami.

papasok na dapat kami sa isang pintuan, pero sabi ni paul dun daw kami sa unahan pa. e di sige takbo kami. NAKANANG NAUNA SI KONDE. buzzer beater sa pagsarado ng pintuan. naiwan kami, tawa pa rin nang tawa. kasama sa adventure yan

:may picture dapat kami sa LRT kaya lang nga si Konde ang photographer namin diba. ginamit namin na camera yung kay marco, kaya lang alang matinong connectivity options yung telepono nya:

nagtext sakin si konde. "babay" daw. tinawagan ko si konde. konde baba ka sa next station, wag ka na lumayo sa pintuan na bababaan mo. sasakay kami sa susunod na tren. wag ka lumayo para magkita tayo sa same carriage ng tren. sinakyan namin yung sumunod na dumating na tren. nang patigil na yung tren sa next station hinanap namin si konde. dapat dun lang sya sa parehong pintuan diba? pero hindee. naiba ang pintuan na natapatan ni konde. bandang nasa likod pa. buti nalang same carriage kaya nagkasama pa rin kaming apat. sabi namin, siguro sinadya ng driver na sumoba ng andar para mahirapan sina marco paul pj na makita si konde...

may mga diagram sa LRT na nagpapakita ng landmarks sa bawat station. halimbawa na ito

ayun tama. ang luneta ay nasa UN ave. alalahanin na galing UN ave, hindi pa rin kami sigurado kung paano makakarating sa luneta park.

bumaba kami ng station, naglakad, pero hindi namin alam kung saan kami pupunta. nadaanan namin yung ospital kung saan pinaghubad si marco. medyo umuulan na. sayang baka ulanin pa ang oras namin kung kelan dapat nasa luneta kami. eh kung kumain muna kaya tayo at magpatila ng ulan? tara sige lakad. may ilang ordinaryong kainan kami na nadaanan (mcdo, jolibee), pero walang kainan kung saan kami kasalukuyang nakatigil. at umuulan pa diba. sabi ni marco meron siyang nakitang kainan. sinundan namin sya at nagulat at natuwa kami kasi merong mukhang maayos na kainan na hindi ordinaryo. isang canteen sa maynila.

nagorder si konde marco paul ng combo (value?) meal na nakalimutan ko kung ano ang ulam at nakalimutan ko kung magkano ang presyo. ako, chicken curry ang inorder ko. ako ang naiiba. peer pressure nga daw eh. kasama sa inorder namin ang sabaw na, kung hindi kami nagkakamali, ay sabaw ng tinola. si konde ata yung nagsabi na "wow, masarap yung knorr chicken cubes na ginamit nila dito". lumabas sa tv yung commercial ng knorr.

matapos kumain tinanong namin kung saan papuntang luneta. swerteng swerte kasi malapit nalang pala kami. ayung nagpicture muna sa labas



pero notorious na itong benson's sa amin. teka siguro sa akin lang.

malapit na sa luneta nadaanan namin ang isang museum kung saan nainteresa si paul. basta sa pangalan pa lang boring yung museum. parang museum of philippine politics ata. basta ganun. pero eager talaga si paul. tinanong namin kung paano makapasok. libre naman kaya lang sarado pa. sige babalikan nalang namin kung may oras pa kami.

derederecho, luneta na yan. swerte talaga, ang lapit na pala. pinapadramatic ko yung pagpasok namin, gusto ko nga sana magpicture, pero di ko alam na unsafe place pala yung opening na yun ng luneta para sa cameras. well, yun ang naisip ko nung sinabi nila na wag daw magpicture.

sa wakas, nakapasok na din ako. unang beses kong makapasok mula nang magkamalay ako. wo0t maayos pala. nakakasindak yung mga statwa. lakad lakad. ops, mamaya na yang rizal statue. panghuli na yan. lakad lakad. uy, chinese garden daw.  papasok ba kami? 5 pesos ang entrance. wala pumasok na kami.

nakapaskil nga pala sa booth ng nagbebenta ng ticket ang isang poster, hindi ko nabasa pero sabi nina marco may nawawala daw na "michelle". ayun, side mission namin: mahanap si michelle. sumisigaw kami ng michelle habang pumapasok sa garden.

ano nasa loob? wala naman. may isda (coi ata sabi ni marco), maraming halaman. may chinese-looking edifices kung saan naghahanap kami nina paul ng "turf" namin. nakahanap kami eventually, nagpicture

at nagassess kung ano ba ang ginagawa namin sa chinese garden. ano ba ang ginagawa namin sa luneta at ano ba ang DAPAT ginagawa at gagawin namin. dun sa garder, hmm, appreciate. sige appreciate (pause) check ano pa? tara alis na tayo. note: hindi namin nahanap si michelle

binaybay namin ang luneta at may nakita si paul nanaman na isang "pay area". ngayon, 'kanlungan ng sining' naman ang nandun. gustong pumasok ni paul pero sa tingin ni marco at konde waaste of 5 pesos. pero sige pasok na. eto yung mga nakakamanghang artwork. kayo na humusga kung sulit ba ang 5 pesos and ten centavos. yung ten centavos para yun sa wishing well. para samin kasi sulit eh. worth 6 pesos sya. kwits lang kasi worth 4 pesos yung chinese garden.

labas kami. lakad lakad. sabi ko baybayin namin yung man-made lake. sa kalayuan natanaw namin ang isang stage na ang quirino grandstand pala. at dun pala ininaugurate ang presidente natin (nun ko lang nalaman). at tanaw din dun ang higanteng statue ni lapu-lapu. yun pala yung binanggit ni paul na relatively bago na satue. pupuntahan ba natin? nasa kabilang side ng kalsada eh. mayamaya nakatawid na kami at malapit na kami sa stairs ng lapu-lapu.

(turn on rocky music)
takbo kami paakyat sa stairs ni lapu-lapu, at pagdating sa taas iwinagayway namin pataas-baba ang kamay namin ala rocky. mukhang gago, oo, pero kapag tunay na kaibigan ang kasama mo wala ka nang pakialam. wala ka nang pakialam.

ten tententen tententen tententeenn

nabanggit ni konde bago pa man na meron dapat dito na man-made lake kung saan merong replica ng islands ng pilipinas. akala namin nandun sa lake kanina pero wala dun eh. akala namin tinanggal na. but alas! may pangalawang lake, at nandun yung replica! natawa ako nung tinuro ni marco yung marinduque tapos sinabi nya "aceyork". hanggang ngayon natatawa ako. eto yung pictures na nakuha namin.

dapat isang paikot lang ang gagawin namin pero dahil sa complex geometric orientation nung lugar, naglakbay kami in a figure 8. basta hindi mo maiintindihan kung wala ka nun. pabalik na kami sa kabilang side ng street, papunta na kay rizal, nang ituro ni paul: "uy! post office! punta tayo!". balak namin magpadala ng sulat kung kanino man. basta kalat. pero hindi natuloy. alam mo kung bakit? kasi national museum pala yon. nonetheless pumasok kami. nagbayad kami ng discounted student price (30 ata). for some reason alam ni konde ang luneta area.

ang unang bumulaga sa amin ay ang kubo na ito

ahm, yun naman. kubo. may limang floors ang national museum, kaya may elevator. nilibot muna namin ang unang palapag. ahm, wala naman, mga bagay na makikita mo sa museum. matagal magappreciate ng mga bagay si paul kaya nahuhuli sya. kaming tatlo isang tingin lang ayos na, naappreciate namin. teka ano nga ba yung mga nakita namin sa unang palapag? ewan. basta may kinalaman sa pilipinas. nang malibot namin ang first floor, nakangalap na kami ng sapat na "culture points" at kami ay naglevel-up. ako ang nagpindot sa elevator papuntang second floor. tumatalon kami sa loob ng elevator.

wala namang matinong nangyari sa second floor. ganun pa rin si paul, matagal bago sya nakapaglevel-up. di ko pa rin maalala kung ano ang nakita namin sa second floor.

akala namin tuluy-tuloy na ang paglevel-up namin, but we caught a snag on level 3. nakanangnakaramdam ako ng di kanaisnais na sakit ng tiyan, yung tipong sakit na mararamdaman po kapag may nakain kang sirang pagkain. masakit, na gusto mong tumae. biglang sakit. takbo ako sa pinakamalapit na CR kasi di ko na kaya. sinundan ako nina konde at marco (si paul ay nagpapalevel-up pa rin). dalidali akong pumasok at umupo sa kasilyas. di man lang ako naghanap muna ng tisyu o tabo pampunas ng pwet. basta nilabas ko ang sama ng tiyan ko.

alam ko na ang tunay na pagkakaibigan. humingi ako ng pabor kina konde; hanap kayo ng tisyu o tabo. pasensya na, hindi ko kinaya. no prob kung ibang tao ang kasama ko, mahihiya pa ako. kung ibang tao ang kasama ko, magagago pa sila sakin. pero no prob, kelangan mo ng refill? nakahanap sila ng lata ng selecta ice cream na pinuno nila ng tubig at isinilid sa ilalim na puwang sa dingding. kelangan mo ng refill. hindi na, pero sige nagparefill ako. masarap ang pakiramdam pagkatapos. binalik ni konde ang lata sa isang maliit na silid. naghanap ako ng sabon pero ang nandun lang ay ang maliit na lalagyan ng pinulbos na sabong panlaba dun din sa maliit na silid. dumakot ako ng konti at nagbanlaw sa lababo. masarap ang pakiramdam.

ngayon alam nyo na kung paano nag-gain ng notoriety ang benson's.

di ko pa rin masyadong maalala ang level 3, basta alam ko dito nagsimula ang interactive na display. habang tumatae pala ako ay naglibot na sila. natatandaan ko lang yung isang silid na tungkol sa kamatayan ang paglibing sa mga patay. mayroong sensor yung silid na kapag may pumasok sa loob, may tutunog na nakakatakot na ugong. medyo kinilabutan ako, lalo na't kakatae ko pa lang at may konting kalam pa ang tiyan ko. akala ko nga matatae ako uli. sa third floor din ata yung mga kanyon. level up.

wala ding matino sa level 4, maliban nalang sa kakaibang artwork na bubulaga sayo pagkalabas mo sa elevator. yung kama na hinugis basket gamit ang kawayan, ang sahig ay binudburan ng asin (mungkahi ko), at may paanyaya na "there is nothing inside the bed" o parang ganun. atsaka may  pictures kami dito.nabanggit ni konde na ang nasa huling palapag ay mga kanin/bigas. nakita namin ang hagdanan ngunit ito ay sarado. meron pa kayang nasa itaas? si marco nga pala ang pumindot sa elevator papuntang level 3, si konde papuntang level 4. si paul papuntang level 5.

at sa level 5 nga namin nakita ang kanin/bigas. nakalimutan ko kung ano yung tawag dun sa exhibit, basta may malupit na pangalan eh. nasa loob ang kung anuanong produkto na gawa sa bigas. pumunit ako ng maliit na bahagi dun sa hugis dahon na kakanin na siyang nakikita sa pahiyas festival. binanggit ni marco na mura at masarap ang kanin sa IRRI (international rice research institute). dapat lang. tinitingnan nilang tatlo ang clear plastic cylinders na naglalaman ng iba't-ibang klase ng bigas. ang takip ng mga ito ay plastic na ipinirme gamit ang tali palibot. binuhat ko ang isa at sinubukan kong kalugin. ewan ko kung bakit ko ginawa yon, pero dapat pala ay hindi ko ginawa yon. tinuro nila sa akin ang isang babala na nagsasabi na ang mga bigas na iyon ay nilagyan ng "potentially poisonous chemicals" para siguro hindi dagain/amagin/mabulok. ay takte bakit ko kinalog. iniwasan kong isubo sa bibig o ikuskos sa mata ang kamay ko hanggang mahugasan ko.isa pang nasa ikalimang palapag ang isang mala-"kanlungan ng sining na lugar". eto ang nakita namin.


ayos to. kariton na nagmukhang simbahan. tapos may nakakalat na pekeng ipis sa sahig.

sa kabilang dako naman ay mga litrato, na kung di ako nagkakamali ay may kinalaman sa france. nahahalata na ang pagod namin nang nililibot namin ito. ika nga, "maxed out" na namin ang culture points. di na kami makakapaglevel-up. eto yung isang malupit na picture dun sa exhibit.

wala na. may isa pang silid pero inaayos pa lang yung exibits dun.

ayun ngayon ang prublema namin. lahat kami ay nagkaroon ng isang pagkakataon na pumindot sa elevator. buti sana kung apat lang ang palapag, para limang beses namin kelangan pindutin ang elevator (yung pababa pa). eh naging lima ang palapag. sino pipindot sa amin sa pababa? ayun, nauna na si marco at pinindot nya yung down. tumatalon kami habang bumababa ang elevator.

pagod na talaga kami. inupuan namin ang unang upuan na makikita namin. kami ni konde ay naghugas ng kamay dahil nga sa "pontentially poisonous chemicals" (si konde daw kasi hinawakan nya yung dahon ng pahiyas (pero sa tingin ko hindi naman siguro treated yung mga dahon, yung nasa cylinder lang)). habang nagpapahinga kami, eto muna ang ilan pang pictures sa Philippine National Museum na hindi ko alam kung kelan namin nakita. basta nasa loob yun.

Hinanap nga pala namin kung nasaan yung spolarium na painting, pero di namin nakita. Diba yun dapat ang main attraction sa National Museum?

inassess namin ang aming mga nagawa at gagawin pa. di pa namin nauusisa ang monumento ni rizal. yung na ang susunod na gagawin namin. malayulayo din ang nilakad namin. madaming turista (may tourist bus pa nga eh). gusto nga sana namin, makalapit ng todo sa monumento, dun sa "beef eater" (yung guard na palakad lakad sa monumento). kaya lang may harang na ang palibot. di na kami makalapit. hanggang bukana lang kami. sayang, maayos sana yung pic. nahirapan din nga pala kami kumuha kasi walang mapatungan ang camera/di namin mapagkasya ang sarili namin at ang monumento ni rizal.tinatamad na ako. next time nalang


addendum: ang spolarium ay nasa GSIS na. nasa kanila kasi binili nila (sabi ng tatay ko)

No comments: