Napansin ko na yung limandaan na pera ngayon ay may inscriptions na "Faith in our people and faith in God". Hindi dapat nila nilagay yun. Paano na yung mga pilipino na may ibang relihiyon? Magkakaroon sila ng guilt tuwing gagamitin nila yung limandaan. Separation of church and state nga diba. Paano na yung mga pilipinong ateyista?
Tapos napakaegotistical talaga nung dalawandaan na pera. Para bang ninominate mo yung sarili mo sa isang grade school class election. Dapat hintayin mo na inominate ka ng kaklase mo. Tapos magpakipot ka na ayaw mo kahit na gusto mo talaga.
At dahil nasa dalawandaang piso na din lang tayo. Kahit kelan, hindi naging representative ng Pilipinas ang mga EDSA revolutions na yan. Democracy pa gusto nyo ha. Nagkakataon lang na malapit sa EDSA yung mga taong may ayaw sa nakasalukuyang presidente. sa tingin nyo ba yan din ang kagustuhan ng lahat ng ibang pilipino sa pilipinas? Isipin nyo nalang, sobrang magkasunod ang EDSA II at EDSA III. Puta, e sino ba ang gusto nyong naandun sa taas? Pero naisip ko din, kelan ba naging representative ng Pilipinas ang eleksyon? Kelan lang kasi nabasa ko yung buong transcript ng Garci tapes. Tapos nabasa ko yung talambuhay ni GMA. Naisip ko na kahit isa kang edukadong tao, may kakayahan ka pa rin pala na gumawa ng napaka-imoral na bagay. Baka nga habang nagiging mas edukado ang tao, lalong siyang nagkakaroon ng kakayahan na gumawa ng imoralidad. Ano kaya ang iniisip ng mga apo ni GMA...
May dalawang sektor ang Pilipinas. Yung isang ay yung mga probinsya. Yung natitirang sektor ay sobrang pinipilit na maging progresibo at modernisado, at sa prosesong yon nasasagasaan nalang ang mga hindi makasabay. Sobrang pinipilit na maging industiyalisado ang Pilipinas na hindi naman dapat. Hindi pa dapat. Hindi pa kaya. Wag pilitin. Yung mga dating magsasaka, kinakain ng mga malalaking korporasyon na kumakalaban sa kanila. Yung mga dating sastre. Mga dating karpintero. Wala naman silang nagawang mali. Talo lang talaga sila sa laro na industriyalisasyon.
Kung hindi ka sumakay sa industriyalisasyon, sasagasaan ka nya. Eh wala pa namang pera pampasahe yung mga tao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment