"Ganito. Naiisip ko kasi na kung gusto mong matuto tungkol sa course mo, magaral ka sa la salle. Kung gusto mo matuto tungkol sa buhay, magaral ka sa up. Baka kasi pag-graduate ko non-engineering ang magiging bread and butter ko. Yan ang pinakafailure sakin. Nagdududa kasi ako sa teaching capabilities ng eee sa up. Iniisip ko kung better off ako kung nag-la salle ako. Pero ung dad mo nga pla may fabrication business... well masaya na ako kung umabot ako sa ganun."
Lack of teachers:
Sabi ni laurice, understaffed sobra sobra ang UP EEE. Dapat, isang subject lang ang tinuturo ng bawat teacher, or at least maayos ang ratio ng teachers to students. Pero hindi eh. at least tatlo ang subjects na tinuturo ng bawat teacher at may mga classes na 200 students is to one teacher. Sa tingin ko kasi, bukod sa konti talaga ang EEE teachers available, hindi attractive ang funding ng EEE sa mga teachers. Hindi nakakaattract ng enough teachers na competent.
Kumbaga, MASYADONG matatalino ang mga teachers kaya marami sa kanila hindi kayang magturo ng complex concepts sa level ng students. Sinasabi ko nga palagi, hindi marunong magturo ang mga matatalino. Not all, but most. Sabi din yan ng math teacher ko dati.
Dito din lalabas ang flaws ng large classes. Kung saan limited ang interaction at parang nanonood lang ng video ng lecture ang mga studyante. Paulit-ulit na lang ang ginagawa ng mga teachers kada lecture. Buti pa videotaped nalang tapos papalabas nila yung video kada lecture. E di nakatipid sila ng laway. Atsaka para may use pa rin yung mga large classrooms. Yung mga interactions kasi sa small discussion classes nagmamanifest yun. At dun natututo ang mga studyante. Dapat puro ganun na lang.
Lack of facilities:
Ngayon naiintindihan ko na ang importance ng equipment LALO NA sa engineering. Sa paghati-hati namin ng equipment, nahahati din ang learning experience namin. Sa aspect na to talong talo na tayo ng ibang private universities. Hindi ko na ieenumerate ang mga kulang na facilities sa eee, pero sige mageexemplify nalang ako:
Sa eee43 (electromechanical energy conversion), ineexpect ba nila na matututunan natin yung principles nang wala man lang pinapakita sa atin na totoong induction, synchronous at DC machine?! Kahit actual picture wala pa akong nakikita. At ineexpect ba nila na maniwala kami sa tinuturo nila eh hindi pa sila nagpapakita ng mga machine na yun in action? Puro theory nalang. Kulang kami ng hands-on experience. Siguro nga top-notchers kami sa board exam pero wala kaming magagawa sa trabaho. Or hindi kami makakaisip ng something revolutionary kasi hindi kami magaling mag-apply sa totoong buhay.
Ika nga ni Jang, swerte na nga ang EEE at napakadiligent at responsible ng mga students nila. Isipin mo walang vandalisms kahit saan sa mga classroom tables. Plus makikita mo talaga na nagaaral ang mga studyante. Tipong sila mismo ang nagrerequest ng make-up classes para maintindihan yung lessons.
Dito sa sasabihin kong to pinakamaraming magagalit, pero eto din ang pinakamabuting magagawa ng EEE.
Sige, wala na tayong magagawa sa funding ng EEE. Pero at least naman bawasan nila yung mga students na tinatanggap nila. Ganun kasimple. Hindi tanggap ng tanggap.
Ang goal ng isang educational institution ay para MATUTO ang mga studyante, hindi para mahirapan sila.
addendum: wala akong sinasabing ispoil kami ng EEE sa facilities. just learn how to maximize resources. no compromise. quality of future engineers 'to.
UPDATE: I know other schools are worse but should we settle for mediocrity? Are we going to let other schools better than us?
sige na, natututo tayo sa UP na magtiis/mag-adjust (sneak preview sa totoong buhay) pero nasasacrifice ang learning experience eh. buti sana kung both pwede maexperience. ang gusto naman natin maging highly proficient sa field na kinukuha natin diba? na maaapply natin ang mga skills na natutunan natin sa career natin. eh stunted yung skill building eh. Hindi pa nga eh.. hindi sya naeestablish at all. puro compromises.
case in point. by this time, sa La Salle (although trimestral sila), marunong na sila mag-solder. anong kagaguhan ang isang third year ECE student na hindi pa tinuturuan magsolder?
Sa pagaaral ng encoders, decoders, multiplexers, by this time nakapag-implement sila ng totoong circuit gamit ang real-world encoders, decoders, multiplexers. GUSTO KONG MATUTO NON!! kelan nila balak ituro sa amin yon? in our own time?
SORRY SA BOARD EXAM KASI HINDI KELANGAN MATUTO NG REAL WORLD IMPLEMENTATION EH. WRITTEN KASE
at kung madali naman baguhin ang sistema, bakit hinde?
discuss opinions in an constructive way
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
aray pj, ako ba yang tangang magsolder na 3rd year, wahaha.. oo nga please, turuan nyo kami magsolder parang awa nyo na.. juta
no, ako yung hindi marunong magsolder!!
Post a Comment